07/06/2018 11:59:10 AM
Wala nang mas malaking balita pa mula sa mga nangyari noong nakaraang Lunes. Ops, hindi ang paglipat ni LeBron James ang tinutukoy ko ha?
May mas higit pa doon. Oo, sobrang higit pa sa NBA dahil sa nangyaring free-for-all skirmish noon sa pagitan ng Gilas Pilipinas at Australia Boomers sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Ang salpukan na sa malamang ay umiinit bago pa ang tip-off ay nauwi sa isa sa mga pinakamalalalang awayan sa kasaysayan ng Pilipinas at international na sporting event. Sinasabi nga nila na maihahanay na ito sa tinaguriang “Malice at The Palace” o yung basket-brawl sa pagitan ng Detroit Pistons at Indiana
Pacers noong Nobyembre 2004.
Okay, for the record, maling-mali ang ginawa ng ating mga manok ng bayan, pero may mga tamang dahilan kung bakit nangyari yun. Oo, kahit na sabihin pa na nakakahiya sa maraming pamamaraan.
Hindi naman sa jina-justify, ano, dahil alam naman natin lahat na hindi maitatama ang mali ng isapang pagkakamali. Pero kung ikaw ba naman ay napagtitripan noong simula pa lang, samahan mo pa ng pagbaklas ng sticker nang walang pahintulot mula sa mga kinauukulan ng FIBA, SBP, at Philippine Arena, at higit sa lahat ay may nakita kang kasamahan na sinasaktan na ng pisikal ng iba, aba puta, ibang usapan na yan.
Kahit na sa abot ng ating makakaya ay dapat umiral ang pagpapasensya o diplomasya ay hindi makakaila na lahat ay may kanya-kanyang hangganan. Hindi lahat ay unli ang paensya. Tignan mo na lamang ang nangyari kay Jayson Castro, kahit mali na yung inasal at sobrang taliwas sa personalidad niya na bilang isang “cool-headed” na tao. Oo, mali yung kinilos niya pero patunay lang na kahit ang mga pinakamabait na tao ay delikado pag ginalit. Nasa loob ang kulo ng mga pinakapasensyosong tao, mind you.
Gago rin kasi tong mga dilawan, este, mga Australyanong 'to eh. (Ops, yan na naman tayo eh, pinaghalo na naman ang pulitika sa sports, kaya lalong hindi umuunlad ang Pilipinas eh.)
Ngunit speaking of which, ang inconsistent din kasi eh. Nagalit nung sinindak ng Australia? Eh bakit hindi rin natin yan gawin sa China? But again, maaring ibang usapan na din yan. Back to the ball game.
Yun nga lang, hindi lalo nakatulong ang away dahil natambakan tayo ng higit 31 puntos bago pumutok ang mga paputok sa loob ng Ciudad de Victoria. Araykupo. Lalong hindi rin nakatulong yung “Put somebody in the ass” in Coach Chot Reyes, kahit sabihin na pa na sobrang metaphoric ng bokabularyo ng naturang chief tactician ayon sa isa sa mga manlalaro niya dati.
Mas lalong hindi nakatulong yung pagselfie ni Marc Pingris. As in ultimate insult to injury na as if ikinatuwa natin ang mga nangyari. Yey, sinindak natin ang mga bully. Given. Ngunit tangina, pareho tayo ng Australia na olats dito, pero mas supalpal tayo dahil sa siyam na player ang na-eject sa laro.
Ngayon, ano na? Nagpatutsadahan na sila Reyes at Boomers Asst. Head Coach Luc Longley, at gayundin ang mga dati at kasalukuyang manlalaro ng Gilas Pilipinas na sila Terrence Romeo, Jimmy Alapag, Andrey Blatche at iba pa. Kahit naglabas na ng joint apology statement ang parehong mga pederasyon ng Pilipinas at Australia at gayun din ang ilang mga manlalaro ng bawat koponan. Ano na?
Tama na ang sisihan, tama na nga ang awayan. Nangyari na ang mga nangyari. At least alam na ng bawat tao na hindi lahat ay nauuwi sa tahasang dahas, kaya nagkakaroon din ng bad rep tong mga tropa nating Aussie sa sports eh.
Pero patunay na kahit mukha pang sore loser ito para sa iilan, nakita rin na mga Pinoy ay hindi pasisiil sa pambubully.
At kung ayaw mong masaktan, huwag kang mag-basketball at sa halip ay mag-chess ka na lang. Or better yet, 'wag kasi masayado sa trash talk. Hindi lahat interesado sa pagbubunganga mo sa court.
O higit sa lahat, kung ayaw mong masaktan, 'wag ka kasi maglaro. Ay puta, iba na yan ah?
Author: slickmaster | © 2018 The SlickMaster's Files
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!