06/20/2018 04:47:40 PM
So obviously, dahil sa isang malaking balita na bumulaga sa eksean nitong nakaraang buwan, kumpirmado na, magsososlo na nga ang bagong bata na hinangaan ng madla na si Unique Salonga. Kung maalala ng marami, siya ang bokalista ng IV of Spades sa panahon na umusbong ang mga batang ito sa eksena nitong nakaraang 2017.
At ginulantang ang marami noong nagpakita siya sa isang private birthday party saiisang kilalang bar sa Quezon City at pumatok sa hits ang mga video kung saa'y nakita siya na kinanta ang dalawa sa mga kanta ng banda – ang Ilaw Sa Daan at Mundo.
Oh. Ano na? Muntik na ngang makalimutan ang ibang mga naglalakihang mga isyu noong araw ng Kalayaan dahil dyan eh. At bakit naman hindi, eh may tumutuligsa na dapat ay hindi na niya kinanta yun dahil hindi na siya kabilang sa banda?
Ha? Alam ba ng mga bugok na putok sa buho na 'to ang mga pinagsasabi nila? Si Bamboo at Rico Blanco ay kinanta ang mga kanta nila sa Rivermaya nun. At hindi lang ito nakalipas, hanggang ngayon ay marami-rami ring mga rockstar na kinakanta ang mga inakda nilang mga awitin na nilikha noong sila pa ay bahagi pa ng kani-kanilang mga grupo.
Si Ely Buendia, sa kanyang solo na combo, ay kinakanta pa rin ang mga hits ng Eraserheads [dahil sa malamang ay yan pa rin ang hinahanap ng mga tagahanga niya, aminin man natin o hindi]. Si Aia de Leon, ay kinakanta pa rin ang mga kanta niya sa Imago. Ganun din si Ebe Dancel na dating bokalista ng Sugarfree.
Hell, may isa sa ilang pagkakataon nga na kinanta ni Marc Abaya ng Kjwan ang kantang 2 Trick Pony ng Sandwich na dati niyang banda. Oo, nag-bass pa sa puntong yun si Myrene Academia.
Kaya putanginang mga 'to na palibhasa ay naging tagahanga lang kahapon ay nagmamagaling na.l
Soloista na si boy bunot, este, si Unique. Pumirma na siya ng kontrata at mina-manage na siya ni Kean Cipriano, ang bokalista ng Calalily.
Ano na ngayon?
Move on nga, mga hijo't hija. Ang hirap kasi sa inyo, palagi kayong nakastuck sa kasalukuyan to the extent na hindi na iniisip ang mga bagay sa hinaharap, gaya na lamang ng pagdesisyon niya na umalis ng IV of Spades – sa gitna ng kasikatan nila at sa kung anumang dahilan na sila at sila na lamang ang dapat nakakaalam.
Eh pustahan naman tayo: pag one time ay nagkasabay sila at biglang nag-jam, yang hatred niyo sa mga kilos niya, babaligtad na para bang mga sinasabi niyo sa internet na kala niyo ang tatapang pero yun pala bahag ang buntot sa personal.
Saka hayaan niyong mamuhay ang mga batang yan [ Hindi lang si Unqiue, pati na rin ang trio na natira]. Tao sila, hindi diyos na dapat ay sasambahin niyo o lalong hindi aliping robot na susunod sila sa gusto niyo. May sarili silang buhay sa labas ng entablado at matuto kayong gumalang dun sa halip na magkunwaring fan account at maging creeper nila.
Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh.
Author: slickmaster | © 2018 The SlickMaster's Files
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!