07/17/2018 02:49:23 PM
Nakakatawa.
Apat na taon matapos mailimbag yung mga artikulo na diumano ay naglarawan sa isang madilim na bahagi ng kasaysayan niya. Taong dos-mil-katorse noong nailathala sa website ng pahayagang Philippine Daily INQUIRER ang mga artikulo na naglalaman diumano ng rape case ng tatlong host ng isang premyadong palatuntunan sa panaghalian.
Ang biktima ay si Pepi Paloma, isa sa mga tinaguriang softdrink beauties nun. Ang batang bomba star ay ginahasa diuamno ng tatlong sikat na host ng Eat Bulaga, at isa doon ay ang senador ngayon na si Vicente Sotto III.
At nitong nakaraang buwan ay naging balita na tinake-down sa wesbite ng INQUIRER.
Pero teka, bakit ngayon lang? Anong petsa na? I mean, 2018 na, 'di ba? Don't tell me napansin lang ito apat na taon naang nakalipas matapos itong mailimbag. Hindi ba siya advanced mag-isip na sana man lang ay noon pa ito pina-aksyunan, as in the moment na naipublish ito sa dyaryo at Internet?
O amoy-pulitika na naman ito, dahil siya ngayon ay isa nang presidente ng Senado, o dahil sa nagkaroon ng resurgence ang isyung ito salamat sa mga dumaraming mga woke sa Twitter?
So ang dating dahil walang nagreact noong una ay hindi siya kumilos. At sa kabilag banda, kung siya man ay umakto na keso ipa-take down ito o baka lalo ay samaphan ng kaso ang awtor noon, ang dating ay nagiging malaking balita ito bigla, kaya marami rin ang nagiging curious at bagkus ay olats si Titosen sa alinmang sitwasyon.
Tahasan naman niya kasi ito tinatanggi noonpaman, at besides doon ay napuputakte na si Titosen mula noon sa pagplagiarize ng speech niya at sa kung anu-anong mga paandar niya regarding sa RH Bill.
At ngayon na naitake down na siya ay sa malamang na maraming umaalma to the extent na halos nagka-buhay bigla ang ilang mga linya sa kanta ng Eraserheads na Spolarium. In a way, masasabi na nagkaroon ng isyu sa freedom of speech. Well, maari kasi siyang makaapekto sa pangkalahatan dahil sa isang simpleng kaso ng gaya nito, na parang “kung dyan nga sa isa naipasara na, what more pa sa iba?” Kaya 'di mo rin masisis kahit praning na sila sa mga mata mo na kesyo pinatay na ng naturang killos na yan ang kalayaan sa pamamahayag.
Sabagay, ika nga ng kasabihan kasi, walang lihim na hindi nabubunyag. At kung usapang baho lang naman ang usapan, di hamak na mas okay pa yung lolo niya na si Vicente Sotto. Na ironic na may ginawang mga batas noon na naga-upheld sa freedom of speech ng mga Pilipino. Pero ironic din (yet normal na rin siguro) na nasangkot sa isang sekswal na kontrobersiya ang nakatatandang mambabatas noon.
Hay, ang gulo talaga ng pulitika.
Author: slickmaster | © 2018 The SlickMaster's Files
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!