07/06/2018 01:09:39 PM
Just when you thought na ang nagdaang linggo ay punong-puno ng mga balita na masakit sa bangs, nagkakamali ka. May natusta diumano sa social media recently dahil sa isang shoutout.
Naghanap kasi si Jameson Blake para sa isang tao na magvolunteer para gumawa ng kanyang banner na basic lang diumano ang disenyo. Okay sana doon sa ideya na naghahanap siya ng sinumang magboboluntaryo na gawan siya nun. Except lang sa isang salita – shoutout.
Totoo? Shoutout lang o credit acknowledgement lang ang kaya mong ibayad? Okay sana kung hindi mo na lang sinabi ang salita na yun.Siguro nagpatotoo lang naman tong si koyang hashtag mo pero wag naman ganun, tsong.
Kung tutuusin kasi, hindi kasi lahat madadaan sa mga tipong shoutout lang. Ano ka, sikat na personalidad? Ay oo nga pala. Celebrity ka nga, and assumingly ay kumikita kahit papaano. Pero hindi rin kasi dapat binababaan ng halaga to the extent of libre o wala nang halaga ang alinmang mga likha ng tao. Oo, lalo na kung may kalidad ang mga ito.
Ang ganda kaya ng artwork ng taong gumawa ng banner mo, tapos shoutout lang binigay mo? Tapos noong binash siya dahil sa ilang tunay na woke plus mga mamaru at pawoke na tao sa Twitter ay hindi mo man lang pinagtanggol.
Ako na lang gagawa niyan para sa'yo (nakakawawa ka eh): oo, cut off some slack din para sa mabait na babaita. Sabihin na natin na for the sake of argument na either ang petty niya o in a way ay minaliit niya ang propesyon ng mga graphic designer, pero ano ang magagawa natin kung yan din naman ang gusto ng bata? Matutulungan ba natin siya kung ang way natin ay pagalitan siya o ipahiya sa social media? Feeling niyo na naman ay tama din kayo mga ungas.
Well, sana din naman ay leksyon na sa kanya yan na hindi sa lahat ng oras ay dapat exposure ang bayad o acknowledgement. Oo, kahit grade 10 ka pa lang. Know your worth, ika nga.
Mabuti pa yung mga PR at brand eh, kahit token lamang naibibigay sa blogger at least pinapakita na truly at geniunely appreciated sila. E yung sa'yo? salita lang na feeling mo ay makakapagpa-validate sa mga tao sa pamamagitan ng daming likes at retweets. Huwag ganun, 'tol.
Pero kung tutuusin, counted as a “shout out” yung mga gaya ng 'CTTO.' Dahil siyempre, binibigyan ng mo ng acknowledgement yung tao na gumawa in a way. Okay sana, pero mas okay kung ultimmong pakain o pamasahe ay meron ka.
Hindi mapapakain ng shoutout mo ang isang tao na pinagtrabahuin mo in what-so-ever means. Tangina, mind you: ultimo mga door bitch sa mga gig ay binabayaran dahil nagtatravaho sila sa mga gig to the extent na sila mismo ay hindi napapanood masyado ang mga paboritong banda nila sa loob. At walang masama doon.
Ito yan, mga tol. Tama si mareng Dee Cruz (yung art director at tinatawag na ate Dorothy dahil bokalista siya ng isang banda). Unless mag-alok si friend ng discount o libre, tapos ang usapan. Pero as much as possible, dapat ay kung maiaabot na pambayad sa mga serbisyong nirender niya sa iyo, abutan mo na lang.
Lahat naman tayo ay may binabayaran sa bahay at kailangang kumain para maka-survive sa mga pang-araw-araw na kalbaryo natin. Kaya 'wag tayong grapal masyado at lalong wag lang puro shoutout ang ibabayad.
Kung tutuusin nga, dapat ay never give your art for free sa lahat ng oras eh. Yun nga lang, may mga sirkusmasnsiya din na dahil sa kapos-kapalaran ng ilan ay nahihiya na lang mnghingi ng tulong sa iba dahil wala naman silang maibabayad. But again, lahat ay nadadaan depende sa usapan.
Author: slickmaster | © 2018 The SlickMaster's Files
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!