Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

23 November 2018

Dobol Standard En Human LEFT

11/13/2018 01:21:07 PM

(Eksena sa bartolina.)
Bitoy: “Hoy, hindi maktarungan 'to! Bina-violate mo ang aming human rights!”
Redford White: “Wrong answer. This is Human Left.” 

Naalala ko bigla yung isang pang-basag na linya ng batikang komedyante na si Redord White (SLN) sa pelikulang BESTMAN: 4 Better, Not 4 Worse.

Ang pilosopo, e no? Parang yung panahon ngayon na nananatili pa rin ang usaping “double standard.” Ilang araw kasi nakalipas ay inanunsyo ng Korte Suprema na guilty sa kasong pandarambong si dating Unang Ginang Imelda Marcos – at aniya maari na siyang arestuhin at perpertually disqualified na rin siya sa alinmang tungkulin sa pamahalaan.


Photo obtained from Twitter/Keystone
Wow. Good news. Pero ano yung double standard dun? E mukhang hindi naman kung usapang pulitika.

Teka, hindi kasi yan yung tinutuloy ko eh. Yung aniiya na dapat ay ikunsidera na ng edad at kalusugan ng naturang matandang ginang na nasa 89 taong gulang na. Imagine mo naman kasi na dahil sa sandamukal na counts ng graft at nasentensyahan sa mahigit 77 taong pagkakakulong.

Wow, i-kunsidera? Hahahahahaha! Ulol! Tangina, sinong niloloko ng mga 'to?

Well, maniniwala sana ako kung ganito: yung isang kriminal na may halos kapareho ng edad niya, babae, at nakagawa din ng krimen sa alinmang gravity ay dapat i-consider na huwag na lang arestuhin, ikulong sa loob ng rehas na selda, at bigyan pa ng parole – lalo na kung seryoso na magbabago naman siya.



Eh kaso hindi eh. Double standard eh. Pag mayaman o may prebilehiyo ka, you can get away mula sa mga kalokohan mo. Pag may pera, may Justice. Eh paano kung wala? Just-tiis na lang. Wala tayo anda o moolah eh. 

Ah, kasi naman nagcommit siya ng parricide daw. Ayon sa ulat ng pulisya, pumatay si tanda ng anak niya dahil sa away sa lupa... at sa totoo lang, hindi na bago ang mga kaso na ito na akala lang natin ay ang babaw ng pinag-aawayan. Pucha, para lang sa lupa, makikipagpatayan ka? Hindi mo naman madadala sa hukay yan eh. Dyan ka nga ibabaon pero guess what, baka ibenta ka lang din naman (at baka malilimutan pa yang sako ng buto mo) sa isang developer pagdating ng panahon – lalo na sa pag-usbong ng urbanidad sa mga piling lugar sa Pilipinas. 

Pero maliban dun, mahalaga naman ang buhay ang isa sa mga anggulo na pangontra sa tila dobol standard na to. Oo nga naman, pero... weh, 'di nga? Buhay ng anak niya versus sa buhay ng lupon ng mga tao na pinaslang ng rehimen ng asawa niya – na pinabulaanan pa ng isang tandang senador na nakulong din noong nakaraang administrasyon. 

Ngunit pustahan pa: parang halos o talagang wala naman tayong narinig na ganitong statement mula sa kapulisan noong panahon na yun, no? Ops. Maaring double standard din yun.

Subalit hindi dahil sa sinasabing politically-motivated mass killing noong Martial Law ang isyu kung bakit maaaresto dapat si Imelda, kundi sa mga napaulat na ang graft and corruption kung saan ay guilty ang mga hatol sa kanya. 

Kung ganun, dapat nga naman siya arestuhin, pero dahil ang pulitika ay isang nakaparuming laro, eh wag na tayo magtaka kung darating ang panahon ay parang mala-Cinderella redemption story ang mangyari – kung mabaligtad ang hatol sa kanya. Or the initial worst case scenario, payagan siya makapagpiyansa sa isang non-bailable na kaso. 


Ganun talaga eh, kahit magulo tignan. Basta pulitika ang ipairal, sira ang sistemang sirang-sira na. At given na maraming loopholes ang justice system sa ating bayan, aba, hindi na kataka-taka pa.

Author: slickmaster | © 2018 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!