Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

15 January 2019

Flick ReView: Ang Pangarap Kong Holdap

01/08/2019  01:14:46 PM

Screenshot from the film's official trailer. Obtained via SPOT.ph
Ay, 'de puta, ang ganda naman ng pelikulang ito.

Oo, tangina, walang halong biro. Kalimutan mo na yung pagiging “morally wrong” ng pamagat nito (para lang sa mga mababaw na nilalang lang ang ganung klaseng panghuhusga). Sinasabi nga nila na minsan, ayos lang na itawa na lang ang mga problema sa realidad – at pelikula na pinamagatang Ang Pangarap Kong Holdap ang pinakaprimerong halimbawa ng naturang kasabihan na yan.

Tangina, ito na nga yata ang pelikula na nagpakita ng pinakanatural nating mga Pinoy sa ting pakikipagtalastasan sa kasalukuyan. Isipin mo ang istilo ni Guy Ritchie sa pagdidirek ng isang pelikulang puno ng dry humor at wit, bagay na may malaking impluwensya sa paggawa ng pelikulang ito ni direktor at manunulat nitong si Marius Talampas, samahan mo pa ng swak na musical scoring ni Francis de Veyra, at cinematography ni Zach Sycip. 

At ang nucleus ng main cast nitong si Pepe Herrera, Jerald Napoles, Jelson Bay, at Paolo Contis na sobrang solido. Tatlong mokong (Eman, Carlo, at Toto) na nagkukumahog at umaasa na maging tanyag na mga kawatan sa Barangay Husay – pero palagian na lang pumapalpak sa kani-kanilang mga modus. Isinama ni Ka Paeng, erpat ni Eman, si Nicoy (na lingid sa kaalaman nila ay isang undercover na pulis) sa grupo, para naman kahit papaano ay makaiskor ng mas maayos na diskarte sa panghoholdap. Samahan pa ng isang malaking pagkakataon para magbago manalo sa tila isang laro na ito. 

Sa tatlong karakter nakasirko ang kwento, at kapansin-pansin na nanatili sila sa mga tipikal na nakagawaian nila, kahit ang daming twist na nangyayari mula sa pagbunyag sa talagang pakay ng kaanib nila, sa agawan sa kayamanang pinagnanakawan ng buong sindikato  nila, at kung anu-ano pa. Sobrang on-point ng mga punchline nila at napakanatural ng pagdedeliver nila nito, gaya ng iba pang mga linya sa pelikukang ito. At lalong hindi madaling ibalanse ang pagshowcase ng mga patawa sa tahasang pagpapakita ng isang malagim na realidad ng kahirapan at pagkapit ng mga tao sa mga talim ng sindikato at krimen.

Nakajackpot ba sila sa pangarap nila? Panoorin niyo na lang (tignan niyo na lang mga sked ng gaya ng Cinema 76 at Cinema Centernario).

Ang Pangarap Kong Holdap is a dark comedy motion picture written and directed by Marius Talampas. Produced by Erwin Blanco. Starring Pepe Herrera, Jerald Napoles, Jelson Bay, Paolo Contis, Kate Alejandrino, Dindo Arroyo, Gary Lim, and Pen Medina.

Author: slickmaster | © 2019 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!