Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

20 January 2019

Free Concert Problems

01/07/2019 08:58:00 PM



Isa sa mga dahilan kung bakit hindi umuunlad ang Pilipinas ay ang pagiging cheapskate ng mga tao nito. Dahil aminin man natin o hindi, masarap ang libre. 

Oo, kaya nga ang daming nakikipagpatayan noong isang taon dahil sa ocho pesos na burger, 'di ba? Putangina, parang hindi nakakain ni minsan sa buhay kung makipagtakbuhan ah. Dinaig pa yata yung pagsakay ng tren papuntang Busan.

Noong bandang Nobyembre 2017, napatigil ang isang konsyerto sa Ayala Triangle Garden noon dahil sa sobrang wasakan noong set pa lang ng Parokya Ni Edgar. Ay, oo nga pala, dahil expected na ang pagiging wild pag sila ang tumungtong sa entablado, no?

Ulol. Ilang beses na ako nakanood ng konsyerto nila nun – ilan pa dun ay libre pa, pero hindi humantong sa pandemonium ang eksena nun. Kaya punyeta kayo, huwag niyo kong bigyan ng ganyang klaseng kadahilanan.

Fast forward sa taong 2018, noong nagpaunlak ng concert muli ang Coke Studio sa Mall of Asia Concert Grounds. Pangalawang beses na nga 'to eh. At noong 2017 naman ay kahit libre ay maayos naman ang mga nangyari (as in walang balyahan at walang nag-ober da bakod).

Nagkandalaeche-leche ang lahat nitong nakaraan ay dahil sa mga taong tumalon na sa mga itinayong barikada, makapasok lang ng concert venue; at nagresulta na sa tuluyang pagkansela nito dakong alas-6 ng gabi.

Daming bad trip sa sinabi ni pareng Quest, no? Oo nga naman, naghintay ka ng ilang oras, nakapila pa sa entrance ng concert grounds, tapos ang ending ng lahat ay either hindi ka nakapasok o nakapasok ka nga, pero na-cancel naman ang event dahil sa over-capacity na diumano. Sino ba naman ang hindi mababagot? Sino ba naman ang hindi magmumura at manunumbat as if avid fan nila kayo since day 1? Sino ba naman ang hindi maiirita at mag-rant ng “Coca Cola is cancelledt” 'di ba? 

Pero putangina naman, ayusin niyo nga spelling niyo ng “cancelledt!” Kaya kahit sa ultimo call center (cenner) lang ay hindi kayo tinatanggap eh. And feeling niyo naman ikaka-woke niyo ang pagcancel sa Coca-Cola lalo na kung sa susunod na oorder ka ng softdrinks ay magdemand ka pa na dapat ay Coke yan. (Tangina ka, entitled na hipokrito ka kung ganun.)

Hindi na tayo natuto. Tangina, buti na lang ata, noong nagpa-libreng konsyerto yung Angkas, ay kahit papano ay medyo maayos din ang resulta. Hindi gaya ng mga ungas na kesyo fan diumano ng mga banda na tampok sa ikalawang season ng Coke Studio ay nagpupumilit makapasok sa venue kahit di na kaya (fan? Sus. Mga poser!). May singitan bang naganap? Regardless, matagal nang uso yan, pero matagal din na hindi nireremedyuhan yan. Yan tayo eh.

Sinasabing sa una ng quarter ng taon na ito irereschedule yung concert ng Coke. Ke totoo man ito o baka maging tuluyan maging isang press release, maliban sa dapat nga naman na matuloy at dapat rin na may mas maayos na sistema sa entrance nito, ay dapat na matuto ang mga tao na huwag masyado magpapakalamon sa libre. Oo, higit sa lahat ng mga maaring isumbat sa organizer at sa kung sino-sino gaya ng panunumbat natin sa gobyerno dahil sa mga kinakalat natin. Matuto rin naman siguro kayo mag-ipon ng salapi, gaya ng limpak-limpak na ginagastos niyo sa ibang libangan.

At wag masyadong feeling entiteld. Putangina, nakikilibre na nga lang kayo eh. 

Author: slickmaster | © 2019 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!