2019 na. May mga bagay na hindi na dapat pa nauuso mula last year. At ito, ang isa sa mga halimbawa ng mga trend na dapat namatay na noong a-31 ng Disyembre, taong 2018: Ang mga dapat diumanong pakinggan na mga OPM band.
PUNYETA NAMAN OH.
Ilang beses na tayong nakakakita ng ganito. Dinaig pa mga artikulo ng Bandwagon, Pinoytuner, Vandals On The Wall, UdoU, Inside Manila, Indie Manila, at kung anu-ano pang mga mga website na tumatalakay sa lokal na musika.
Oo, kayo na eksperto, kayo na ang may alam sa mga tema ng lyrics nila at kung paano sila kalinis sa mixing at mastering, gaya din ng mga kwento at halaga ng bawat tambol at riff ng gitara, gayun din naman ang tono ng boses. At ang sinumang mag-disagreee sa inyo – o kahit yung mga nagsabi na wala kaming trip o pake (pero kung tutuusin ay hindi naman ibig sabihin na hater na sila) ay automatically “cancelledt” dahil either wala silang matinong taste sa music – o tasteless talaga sila.
Ows, 'di nga? Talaga lang na tasteless sila ha? Cancelledt?! Ni hindi niyo nga maayos spelling niyo ng salitang yan? Leche, tigilan niyo nga ko.
And puta, if we all know here, baka nga iba dyan ay naging fan kayo dahil sa mga itsura nila at hindi sa craft na ginagawa nila.
O, heRe aRe tHe OPm bANds YOu SHOuLd LiSTeN To. Blah, Blah, Blah! Panay rewind and play na naman kayo, ano po?
Oo, alam na namin nyan. Pucha, paulit-ulit naman ang pangalan. Paulit-ulit yung mga Twitter handle na minemention. Iniiba lang ang pagkakaayos. Ano 'to, survey tweet o entry niyo sa Top 10 ng The Morning Rush? Botohan ba 'to sa countdown ng mga istasyon gaya ng nasa Magic 89.9, RX 93.1 atbp.?
O mga sadyang papansin lang talaga kayo?
Sila lang kasi ang bumubuhay sa OPM.
Ah. Talaga? Sila lang?
Kayo ang sumasalamin kung bakit tila nagkakaroon tuloy ng perception na “sila-sila” lang” ang mga nasa eksena ngayon. Oo, dahil sa mga ganyang klaseng thread. Tangina naman oh. Akala ko ba support local o support OPM kayo. E bakit ito lang? Ang sabihin niyo “support niyo na lang yung trip namin” kasi ito yung cool, o ito yung best. O sige nga kayo na yung Diyos ng mga kritiko dito! Feeling purista ang mga puta.
Kung sila at sila lang nasa listahan mo, baka naman hindi ka na maka-move on sa kasalukuyan dahil forever ka nang nakastuck sa nostalgia. Marami ka nang mamimiss out dahil sa mga mararami palang magaganda pang mga kanta na nagagawa pagkatapos ng kasikatan nila. Hindi lang siguro napapansin kasi may nakasanayan ba, na para bang sa epekto ng advertising kung saan ang isang kilalang brand ay nagiging salamin na ng isang generic na product.
At namatay ba ang OPM? Namatay ba ang local music scene natin? Weh? 'Di nga? Ang tagal na tong argumento na 'to. Sine time immeorial pa. Halos sumabay pa nga din 'to sa hype ng diumanong end of the world, pero diyos ko naman. O siya, maari siyang nag-lie low yun – o for the sake of argument, dying siya in artistic manner. Pero para sabihing “patay”? Baka naman kasi nag-iinarte ka't namamahala sa mga presyo ng gig noon pero wagas naman makawaldas pag may konsyerto. Baka naman kasi panay Limewire ka din nun at asa sa tropa mong bandista sa libreng merch.
Oy, tangina niyo, sinong niloko niyo? Bagong taon na. Magbagong buhay na tayo, uy! Pero bago yun...
O, ito yung mga dapat i-stan niyo ng mga OPM bands ngayong taon.
Teka nga, putangina naman, paulit-ulit! Para kayong mga sirang plaka! At redundant pa (“mga bands?” Plural pa 'to kung sa plural ah!).
2019 na. Pero hindi ba nakakasawa ang mga ganito? Well, wala sanang masama dahil lahat naman tayo ay may kanya-kanyang boses at kuro-kuro. At dahil nga sa mga gaya ng Twitter, lahat tayo ay mas may kakayahan na ihayag ang ating mga saloobin.
Oo nga naman, 'di ba?
Okay din sana yung ginagawa ng mga ito. Dahil mas nagakaroon din naman ng mga boost ng morale ang ilang artist lalo na pag namention sila ng kahit isang tao lang – kahit hindi sila fan pero natipuhan ang music nila ba.
At malay mo din, baka naman nakikipag-kaibigan lang. Alam mo naman na isa sa mga pamamaraan para maging kaibigan ang isang tao ay ang mga bagay na pagkakahalintulad nila gaya ng preference sa musika.
Isa pa, marami ding mga tao sa paligid na naghahanap ng suhestiyon. At pag nakakita sila ng mga ganitong post, kahit sabihin pa na stranger sila sa mata nila, baka mapa-YouTube sila bigla o Spotify para lang panoorin o pakinggan. At kung pasok sa panlasa o trip ng tenga nila yung naturang banda o artista, e 'di ayos. Nakatulong pa siya. Naging influencer pa siya nang hindi pa niya nalalaman.
Pero dumarating rin kasi tayo sa saturation point ng mga nakikita natin. Gaya ng mga “first” na comment, mga naglalabasang salita na pautot lang naman ng ilang mga personalidad, at ultimong mga kuro-kuro sa pulitika na nakaka-cancer na. Mas information overload pa sa information overload. Mas TMI pa sa TMI. Lalo na kung sila at sila lang naman ang mga binabanggit.
But again, uso mag-mute o mag-unfollow, di ba? Pero hindi kasi lahat ay nadadaan sa ganyan. Lalo na kung sobrang dami nila. Para bang epidemya.
Aray ko. Ang sakit naman nun.
O ito na lang pakinggan niyo this 2019....
Pu. Tang. 'Na. Dinaig pa ang sirang plaka sa pagiging “unli.” Nakakasura na. I-cancel kita dyan eh.
Author: slickmaster | © 2019 The SlickMaster's Files
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!