Imagine mo na lang ang isang dalampasigan sa tabi ng Maynila na napakalinis at maaliwalas. As in yung makakapag-swimming ka, maliban pa sa pagtanaw sa bayside pag oras na ng sunset. Ibang-iba sa (malamang) na prespektibo mo tungkol sa Manila Bay.
Sarap, no? Parang nagbibigay-sigla o buhay muli sa mga tao na kaya naman pala mapanatili ang pag-aalaga sa kalikasan kahit pa sa panahon ng rapidong modernisasyon sa lugar natin.
Ayon sa ilang balita, binabalak ng Department of Environment and Natural Resoures (DENR) na magsagawa ng isang task force na naglalayon na linisin ang hyperpoulluted na Manila Bay.
Uy, magandang balita naman ito pag nagkataon, 'di ba? Ani Roy Cimatu, ang kasalukyang sekretarya ng DENR, isang interagency task force ang mangangasiwa para maisakatpuaran ang proyektong ito. Nagkakahalaga nga lang ng 47 bilyong piso ang naturang rehabilitasyon kung saan balak na ilimita ang kontaminasyon ng coliform sa nararapat nitong antas.
Usapang agham nga lang siguro ito: ayon kasi sa pinakahuling water test na ginawa sa Manila Bay, ang fecal coliform level sa naturang katubigan ay aabot sa 330 million kada 100mL. At ang target diumano ay pababain ito sa 270 MPN (o mas maganda kung mababa pa) bago matapos ang taon, bagamat ang pinaka-acceptable level ay nasa 100MPN/100ML para mas maging akma sa tinatawag nilang Class Sb o recreational water, yung para ba maging akma ito sa pagligo o paglangoy, pagsisid sa kalaliman at ultimo ang pangingisda.
Pero mas higit pa rito, kailangan siguro ng stirktong impelmentasyon sa RA 9275 o ang Philippine Cleaner Watrer Act of 2004. At sa hindi kabutihang palad, ay tila napakaliit na progreso lang ang naging epekto nito para sa Manila Bay. Kaya nga naman kasama na rin ang iba pang ahensya para lang maisakatuparan ang proyektong ito. Sinasabi na magkakaroon ng 3-phase action plan ang gobyerno ukol rito, kung saan ay kabilang sa unang hakbang nito ay ang paglilinis sa mga estero at iba pang daluyan ng tubig at pag-relocate pa sa mga informal settler.
Ang bigat ng hakbang, kung tutuusin, lalo na't madalas ay nauuwi pa sa marahas ang pagpapalayas sa mga iskwater. Lalo na't ang dumi pa naman ng ilang mga estero sa lungsod ng Maynila. Mabuti na lamang ay kahit papaano ay nagkakaroon ng magandang resulta ang pag-rehab sa Ilog Pasig.
Subalit aminin natin, huwag natin siguro asahan na magiging kasinglinis yan ng Boracay. Or at least, hindi kagad mapapakita ang ganoong resulta. Gaya siguro ng ilang beses na clean up noon, which obviously ay maganda nga naman na kada taon ay nagagwa ng ganun, subalit sa paglipas ng panahon ay hindi masasabi na well-maintained ang nautrang Manila Bay dahil sa... alam mo na. Ang hirap nga lang sa ganito ay masislip na diumano na timing pa sa darating na eleksyon sa Mayo.
Umamin na nga kung sino yung mga pa-pogi gun.
Saka isa pa siguro, hindi lang sana sesentro sa Kamaynilaan ang paglilinis nito. Mararaming mga bayan dun ang saklaw ng naturang katubigan.
Umamin na nga kung sino yung mga pa-pogi gun.
Saka isa pa siguro, hindi lang sana sesentro sa Kamaynilaan ang paglilinis nito. Mararaming mga bayan dun ang saklaw ng naturang katubigan.
Pero... mas okay kung mangyari, e no? Kung ano ang ikinalinis ng Boracay mula nitong nakaraang taon, sana naman mangyari din sa dalampasigan ng Kamaynilaan. May budget naman na. Yun nga lang, matinding political will ang kailangan nito.
At umiwas din sa pa-PR kuno. Grabe yung alaklde dun ah.
Author: slickmaster | © 2019 The SlickMaster's Files
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!