Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

14 February 2019

Valentine's Day na! E Ano Ngayon? (v. 2019)

02/14/2019 06:24:21 PM

So ito na nga, Feburary 14 na naman sa kalendaryo. At ang daming pagpipilian. Sa tipikal na mata, ngayon ay Huwebes. Sda mata ng mga hindi makamove-on, ito ay #thrbowbackthursday sa kanila; at sa mata ng mga fans ng wrestling ngayon ay... Rusev Day. Plus nagse-celebrate pala ng birthday ang tropa kong musikerong itago na lang natin sa pangalang Adrian Arcega, gayundin ang mga taong nagbe-birthday ngayon. Sweet.

Ay, Valentine's Day pala ngayon? Weh, ano naman?

Araw na naman ng mga puso. At wag na tayo magtanong kung may araw ba ng utak, mata, tenga, bibig, at ultimo ang mga sex organ; dahil sa kung meron man ay wala namant alaga tayong pakialam. Yan kasi ang hirap sa karamihan sa eh, mga walang pakialam sa kalusugan.

Kung relihiyoso ka, ito ang pista ni St. Valentine of Rome, ang sinsab nilang patron ng pa-ibig. Pero kung hindi ka naman naniniwala, sabagay, sabi nga nila, ang Diyos ay pag-ibig. May punto nga naman kahit papaano.

Valentine's Day na! E ano naman ngayon? Pustahan: halos kahit saan ka maglakad ay may makikita ka na nagbebenta ng mga bulaklak (partikular ang mga rosas), mas lalo na siguro sa mga mall kanina. Tubong-lugaw na naman ang mga dampa dahil dyan. Ganun din ang mga restaurant, sinehan, at ultimo ang mga motel – lalo na doon sa bandang Sta. Mesa at Pasig. Guys, pag lumindol dun, alam niyo na ang ibig sabihin ha?

And as usual, mata-traffic na naman. Well, hindi pa ba tayo sanay na ang byahe mula Marikina hanggang Makati ay halos singhaba na ng Manila papuntang Gapo?

Mahihirapan pa yata sumakay. Imagine mo na lang kung nakabook ka ng Grab ng mag-jowa tapos mauuna pa sila bumaba... sa either Mariposa, Sogo, Daisy, Dahlia, Anito Inn, Mahal Kita, Woodtsock, at sa kung saan pang motel yan.

Tangina, ang awkward, no? Sana naman angbook sila ng sarili nilang ride sa halip na share. Hindi excuse ang budget, pucha naman sasahod naman kayo kinabukasan eh.

At hindi nagse-sale ang mga gaya ng condom pero baka naman maubusan ka sa pagbili sa araw na 'to ha. Saklap naman kung mangyari yun.

Tapos ang dami na naman dyan ang nagpapabreezy pag ganitong araw. Ngayon lang malakas ang loob eh. Kung hindi mo maaya noong sembreak at Christmas, dyan sila babawi. May dahilan eh. Pero hoy, seryosong date lang ba o pampalipas lang ng init ng katawan at oras?

Punyeta, huwag nyo ngang gawing excuse ang Valentine's Day para lang may mai-sex kayo. Hindi yan espeysal just so you know. Parang one-night stand lang ginawa mo at hindi ka pa ba nadadala sa dami ng nakikita mong nako-call out na mga sexual predator at abuser nitong mga nakaraang taon? Ops, hindi excuse ang pagiging absent mo sa Twitter.

Valentine's Day na naman. Ang dami na namang lalanggamin sa paligid. Ang daming maiirita kung makakita ng magjowa. At ang dami rin ang kunwaring attached.

E ano naman?

Single ka? Bakit hindi mo i-date sarili mo? Hindi mo ba mahal ang sarili mo? Kung oo, e yun naman pala eh. Gawin mo lang ang mga trip mo. Huwag ka masyado magpapakadesperado kung dateless ka dahil minsan ang pag-ibig ay darating na lang sa panahon na hindi mo inaasahan. Yan nag destiny ng iilan sa atin, sa totoo lang. Besides, may UP Fair naman. Good luck nga lang sa mahaba ang pila sa paligid ng Sunken Garden. May mga bar gig din, yun mas okay.

Ah, gusto mo talaga may kasama ka? Eh di i-date mo barkada mo, o pamilya mo. Mahal mo naman sila, 'di ba? O i-date mo rin yung alaga mong aso o pusa, pero huwag mong i-sex ha? Bad yun. Kung libog lang talaga ang mararamdaman mo magpunta ka na lang sa kwarto mo at i-jakol mo na lang yan.

Kung may kasintahan ka naman, eh di i-date mo... kung prefer niyo pareho. Pero kung hindi naman, okay lang yan. Tangina, sinong herodes ba ang nag-require na dapat ay may ka-date ang bawat tao pagsapit ng ika-14 na Pebrero? Wala naman ata, di ba?

Valentine's Day na! E ano naman ngayon? Lilipas din yan. Pucha, 'no akala mo, holiday to? Baka feeling holiday para sa iilan. Feeling long weekend na rin para sa iba kasi Biyernes a-15 bukas at sahod na naman sa malaman, pero siyempre dahil marami dyan ang may hangover sa kaka-sexy time, alam na, kaya pala absent.

Nyeta ka. Ang bitter mo na naman.

Mali. Mga tanga lang talaga kayo. Mga mapagpanggap na nagpapakaromantiko sa isang araw at wala nang pake sa susunod. Memasabi lang na may ka-date ako. Blah, blah, blah!

Huwag ka ngang basag trip.

Ah? Talaga? Kailan pa? Hindi siya basag-trip as long as hindi ka pinapakialaman ng punyetang lipunang ito at halos ipalamon na ang braso niya sa bunganga mo at sabihing dapat may kapareha ka ngayong Valentine's Day. Putanginang yan. Ang hihilig niyo kasi makiuso eh. Nagpapaldala masyado sa komersyalismo na in a way ay nakakasira ng purpose ng araw na 'to.

Now tell me kung hindi siya basag-trip sa iilang tao na natatamaan ng mga nauusong kabaduyan niyo, ano!

Author: slickmaster | © 2019 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!