04/07/2019 08:35:46 PM
Noong nakaraang buwan, sa unang gabi ng Rakrakan Festival, naganap ang sandaling ito.
At obviously, nag-trend ng ilang araw.
Oo nga naman. Bakit ka nga naman kasi mang-aasar sa stage? Bagamat normal na ang mang-heckle sa mga palabas kung minsan, ayan tuloy, nakatikim ka.
Unprofessional man tignan, tama na lang din ginawa ni Juan Karlos. Hindi ka ba naman isa't kalahating gago eh. Alam mo na ngang bad trip yung tao sa dati niyang kasamahan sa The Voice Kids, nambalasubas ka pa. Nanggatong ka pa. Gumawa ka pa ng eksena na eventually ay magiging isyu na pinausapan ng ilang araw o linggo... dahil nga sa showbiz din ang pinanggalingan.
At yan ang problema sa ibang tao. Hindi kasi porket nagbayad ka ay magrereyna-reynahan ka na o maghahari-harian ka to the extent na nambabastos ka na ng mga banda o artistang nagtatangahal sa entablado. Mapera ka nga, kinulang ka naman sa tamang asta't ugali.
Rak lang, kamo? Ulol. At least alam ng ilan kung kailan ano ang sensitibo sa hindi. Alam lumugar.
Ah, nagrereklamo kayo dahil hindi siya ehemplo sa mga bata – porket nagmura? Ilang taon nanga ba ulit siya ngayon? At nawala siya sa showbiz, di ba? Hindi lang ahil sa kalaosan kundi sa iba ang gusto niyang gawin sa buhay. Balato niyo na sa kanya yun. Tangina naman eh. Saka hindi porket nagmura, balasubas na kagad. Maliban na lang siguro kung ikaw yung nasa palasyo, (though gets ko naman yung punto ng ilang sinasabi niya, pero ibang kaso kasi yun eh – hindi lang basta kaso ng double standard).
Yung iba nga dyan, hindi nagmumura pero mas matinding panggagago pa sa kapwa ang ginagawa. Tanginang yan.
At tangina, 'wag na tayo mamulitika. Ang lala na eh.
Author: slickmaster | © 2019 The SlickMaster's Files
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!