Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

26 May 2019

Remake Mo Mukha Mo

05/26/2019 06:48:22 PM

Una sa lahat, hindi ako fan ng Game Of Thrones o alinmang sikat na palabas sa telebisyon sa kasalukuyan. Bagamat nanunood ako paminsan-minsan, depende sa mood o trip ko.


At kung tuutuusin, yung isang episode nga ng Game Of Thrones na nadatnan namin, na-meh na rin ako. Pero okay lang. I mean hindi naman siya umabot sa extent na hindi ko na lang papanoorin o susubaybayan to. Hindi ko nga lang siya yung tipo ko na papanoorin palagi na halos sumamba na ko sa isang mala-Diyos na kwento.

Sa kabila nito, hindi makakaila kasi kung gaano diumano kalala ang naging ending ng GoT season 8. Pano nga ba nagtapos? Kayo na lang bahala manood. Sobrang pangit daw ng ending, dapat daw i-remakr muli ang season?

Bakit ganun? Dami daw ang dismayado eh.

Putanginang yan. I guess masasabi na rin na kanya-kanyang pamantayan o double standard na to.

Weh, hindi ba? Pag yung iba pang mga palabas ay nagkaroon ng ending na hinding-hindi pabor sa ekspektasyon mo, hindi mo rin ba sasabihan na gagawan ng remake? Pero sabagay, baka nga hindi ka nagreact nun o, lalo na't yung mga nakalipas na taon naman ay in fariness uso ang mga patok na TV series pero kahit sobrang clusterfuck ng conclusion, hindi ka nag-react ng “pucha, remake naman diyan.”

Pucha. Hipokrito.

Ang pangit daw kasi ng pagkakasulat. Mukhang minadali. Ang pangit tuloy ng kinalabasan. Ang lala.

And I think ito ang problema pag sobrang hinahabol na ng madla ang iyong produkto. Oo, chances are tumaas kasi ekspektasyon nila, malaki rin ang tiyansa na madisappoint sila. Hindi lang ito usapin ng pagiging kritikal. Kahit hindi nila kalebel – kahit nga casual fan lang eh, madidismaya na din. Gaya ng mga idol niyo. Gaya ng ginagawa din ng ilan media: pasisikatin yung tao, tapos pag sikat na, hahanapan ng butas tapos halos ipapahiya na sa ere. Ahh, humanizing ba? Ganun sana, pero hindi ganun kinalalabasan eh.

Pero kung ang pangit talaga ng season, bakit parang tuwang-tuwa pa kayo sa halos 2/3 ng naturang season na yan? Napagod ka nga sa Long Night pero natuwa ka pa rin sa mahaba-habang digmaan nila. Kagaguhan. Ano kaya yun?

Maliban diyan, may tinatawag kasi na pantser approach sa pagsusulat ng kwento. Aniya, mas nabubuo ang mga plot as it happens at contrast ito sa tipikal na pamamaraan kung saan nakabase ang lahat sa sinusundan na outline; kaya kung minsan, ang ending ay sparang sobrang hilaw at sobrang pangit ng pagkakalatag, bagamat may iba na ok pa rin naman dahil nagagawan ng paraan sa continuity ng script.

Pustahan: hindi lang naman Game Of Thrones ang nag-take ng ganito eh. Tignan mo na lang yung ibang palabas – lokal man o international. Hell, feeling ko nga ganito din sa WWE RAW at SmackDown eh, kaya kung minsan ang shitty ng output ng mga episode nila.

Ineksplika yan ng mamang ito. Tignanniyo na lang yung artikulo. Ay, wait, mga tamad nga pala kayo na magbasa ng mhahaba, no? Hindi ko na problema yan, mga punyeta kayo.

Ah, pinetisyon daw kasi ng isa sa mga artista na gumanap dun. Aniya, nabalewala lang daw ang mga effort ng mga tao sa pagproduce nito.

Pero natapos na din eh. Sana noon pa, naging isyu na yan no? Besides, hindi naman ata applicable sa Cable TV ang pagiging “immersive inteactive” dahil hindi siya gaya ng isang Black Mirror episode.

Siguro, antayin niyo na lang ang sequel, kung magkakaroon man. Hayaan niyo na lang sila bumawi. Dahil hindi na rin makakaila na ang feedback na din ng audience ang may factor din sa mga kinagagalawan sa iilang palabas eh. Subalit of course, may pagkakaiba rin naman ang kritisimo't suhesityon sa labis-labis na pagdedemand.

Pero kahit gaano ka pa ka-entitled bilang tao ay hindi maga-adjust sayo ang isang palabas, maliban na lang kung sila mismo ang gagawa ng hahakbang. Hindi lang ikaw ang nanunood. Hindi lang opinyon mo ang pinakamahalaga at tama sa lahat.

Nasobrahan yata kayo sa pagkalulong sa instant gratification ah. Gumawa na lang kayo ng sarili niyong palabas tutal kayo naman nasusunod at Diyos eh.


Lahat na lang nakaka-offend ampota.

Author: slickmaster | © 2019 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!