08 August 2019

Chismax Overload v. 2019

08/08/2019 05:12:04 PM

Magagandang araw, mga punyetang chismo't chismosa ng Pilipinas. Habang ang iba ay nagkakaproblema (at mangilang nangamamatay) sa kaka-deklara lanmg na Dengue Outbreak, ang bansa ay nagpupunyagi at namumutakte sa isang isyu ng mga artista na – pustahan – ay hindi naman talaga kilala.


O, kilala mo talaga? Baka sa pangalan lang o kaya'y Twitter handle sa Instagram. Nanunood ka? E sa pagkakaalala ko, nababaduyan ka nun sa Budoy ah. Fan ka ng Four Sisters and a Wedding? Baka naman dahil lang sa meme tapos naging relevant pa nung may eksena na kinalakdkad yung paborito mong political blogger palabas ng 70s Bistro? Hell, baka nga sa Twitter mo lang naririnig ang JoshLia love team na as if sikat talaga sila? Ay, shet di ko pala dapat sinulat... naalala ko wrestling lang ang iniisip – este, pinapanood ko (sorry, Tutan).

Ang dami nang problema ng Pilipinas – mula EJK, fake news, pakikipag-sagupaan ng mga Dilawan at DDS (mga punyeta, magsitigil nga rin kayo)... hanggang sa mga kababawan ng isyu kila Gerald Anderson, Bea Alonzo, at Julia Barretto – sakto sa timing na uso ang #hugot at call-out culture sa social media.

Ayos sa execution, no? Good luck kung ma-cancel niyo talaga sila d'yan, eh if we all know here, crush mo din yan.

Yung dalawang babae nagpapatutsadhan na sa social media, yung angkan ng isa, kanya-kanyang kampi  na. At siyempre, dahil likas nang mga mahihilig sa chismis ang mga Pinoy in general, sumawsaw na. As if ikauunlad ng Pilipinas yan, no? 

Sakit sa ulo siguro ng mga PR tong mga nababalita sa kanila, no? Kahit sabihin pa na “bad publicity is still good publicity” yan.

At gaya ng paghahati-hati ng mga dibisyon sa pulitika, siyempre meron din silang dapat na pinapanigan. Tangina, eto na naman tayo, no? Namumuhay sa black-and-white. Hindi ka team Bea? Team Julia ka. At vice versa?

Eh nasa team-wala-akong-pake-dyan ako – short for Team-mga-putangina-niyo-tigil-tigilan-niyo-yang-isyu-sa-kanila. 

Oo, mga punyeta kayo, dami niyong time makipag-intrigahan ha? Sabagay, kesa naman magtrabaho sila habang naiipit sa MRT at bus sa EDSA, ano? Imbes na mauurat ka na lang sa pagiging incompetent ng MMDA na ihandle ang traffic policies nila, ayan naghahanap na lang na ma-entertain sila maliban sa 'you do note' at pag-aadik sa Kadenang Ginto, K-drama, at Mobile Legends.

Kaya hindi kayo crush ng crush niyo eh, puro kayo showbiz... maliban pa sa puro kayo hugot.

Author: slickmaster | © 2019 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.