09/30/2019 06:23:26 PM
Kung tutuusin, mas okay ang social media sa panahon ngayon. Sana.
I mean, don't get me wrong: yung mga gaya ng Facebook at Twitter ngayon ay tila nagsisilbing “voice of the voiceless” (sorry, CM Punk). At pustahan pa tayo; mas maraming tao ngayon ang game na makipag-talastsan sa mga seryosong bagay gaya ng pulitika.
Yun nga lang, parang kulang na lang ay magsuntukan na lang kayong dalawa dyan. Dinaig niyo pa ang mga fans sa showbiz na nagbabangayan sa kung sinong love team ang pinakamalupet sa kasalukuyan.
At ang masaklap pa? Ang call-out culture, na tila nasira ang dapat na pinaka-pakay niyan dahil sa pakikisawsaw ng iba. Yan ang problema sa bansa na napakaubod ng mga “mema” o me-masabi lang.
I mean, okay sana ang pag-call out. Sa kasamaang palad nga lang, hindi lahat ng tao ay may kakayahan na maging responsible sa mga sinasabi nila. Hindi rin lahat ay kayang umintindi o alamin ang dahilan. As in walang pake. Well, at your discretion kung talaga namang “wala kang pake,” pero since mamababto ka na nga lang ng baho sa iba, try mo naman gawin yan as an educated rant. Suggestion lang naman. Baka mas matulungan mo pa yang kinakalaban mo – lalo na kung ang purpose mo talaga ay sabihing “Dude, may kailangan kang baguhin sa sarili mo. Mali yang ginagawa mo.”
Ika nga ng isang pamosong kasabihan “the internet remembers.” Oo, andyan na yan forever eh, kahit mamatay ka pa kinabukasan. Sira ang legacy at reputasyon mo. At yan ang problema sa birtwal na mundo – nagiging immortalize ang bawat tao. Plus dahil likas tayong mga negastar (or at least ang karamihan sa atin), nabubura pa natin ang mga magagandang nagawa ng isa nang dahil lamang sa mga pagkakamali nila. Baka mamaya pala, mapabilang siya sa mga nagpatiwakal dahil sa labis na kahihiyan, at dahil may dinadala pala siya na hindi lang natin napapansin.
Hindi kasi lahat ng tao ay may pare-parehong kilos at pananaw sa lahat ng oras at larangan. Siguro, sa iilan pero again, hindi “lahat.”
Kung ano ang ikinatalim ng bunganga at ikinatulis ng utak, ganun naman kapurol ang ugali't kamalayan. Kinapos ba sa pag-unawa. Ingat kayo, baka hindi niyo namamalayan na nagaganyan na pala kayo. Hindi napapansin na nagiging hipokrito dahil nahuhulma kayo sa mga bagay na ayaw na ayaw niyo. Imagine mo na lang: ayaw mo sa sinuman na cyber-bully pero ikaw mismo ay isang napaka-halimbawa nito, sampu pa ng iyong mga katropa at kulto ng mga fans at followers sa social media. Isang epitome ba ng sakit ng lipunan na patuloy pa na lumalala sa halip na gumagaling.
Rant responsibly na nga lang. Dumarami pa naman ang mga mapaghusgang tanga.
Author: slickmaster | © 2019 The SlickMaster's Files
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!