01/23/2020 01:08:45 PM
(Nadine Lustre's Instagram, Rappler) |
2020 na, pero ang dami pa ring mga taong patola sa mga bagay-bagay. Ok sana eh. I mean, magandang bagay na nga na maraming nagbabatuhan ng kuro-kuro sa mga seryosong balita (kahit na sa totoo lang ay nagiging cancer narin ang mga thread ng mga post sa social media dahil sa mga jeskeng patutsadahan ng mga Dilawan at mga ka-DDS).
Pero tangina naman, kung dati ay panay sex scandal ang naging mainit na tinapay, parang mas bumabaw pa naman yata tayo sa ngayon. Sabagay, madami kasing wholesome eh.
Ows? Di nga?!
So break na nga sila James Reid at Nadine Lustre. E ano naman na ngayon?
Kalia't kanan na ang angulo ng batuhan, at pinupuntirya na ang mga ibang mga artista na “sangkot” sa mga mata nila. May isang batikang manunulat pa nga eh. Malamang, may mga denial na magaganap. Malamang marami ring mga “fake news” na naglipana.
Pero marami pa ring mga supot ang utak at kamalayan. Yan ang problema sa mga Pinoy na fangirl at fanboy: Mga obsessed yet immature na nilalang. Akala yata nila pagmamay-ari na ang alinmang
personalidad na kilala na ng publiko. Tignan mo na lang yung mga diehard na AlDub fan na humihiyaw ng “AlDub pa rin!” kahit sa katunayan ay magkasintahan na nun sila Maine Mendoza at Arjo Atayde.
Parang wala na yata silang right to privacy at choice for personal decisions sa buhay, e no?
Mga leche.
Break na sila! E ano naman na ngayon?
Ano, maglulupasay ka na lang kasi yung pinakapaborito mong love team ay namatay nang biglaan? Wake up, at kailangan mo yata ng reality check. Kaya nga sabi ng ilan ay “walang forever” e (naging pelikula pa nga). Asang-asa kayo masyado sa mga tambalan na obyus naman ay “for the show” lang? Naghihimutok ka pa rin kahit na ilang beses mo nang naririnig yung kanta na yun ng Itchyworms at napanood ang mga ganitong eksena sa Hunger Games?
Tol, hindi ikaw yung nawalan. Hindi ikaw actually yung naging broken-hearted. 'Wag kang feeling, at lalong 'wag kang hihirit ng WE FAILED AS HUMANS. Kayo siguro, oo; pero wag niyo kaming idamay. Mga deputang 'to.
Ah, gimik daw siya ng network? So ano naman? Bumenta pa rin sa inyo? At iniyakan mo pa rin? E baka-fake news pala?
Ayan, either way, mga loko pa rin.
So break na sila! E ano naman na ngayon?
Grow up. Accept the fate. Wala ka sa sarili mong mundo na puno ng fairy tale. Tutal puros kayo “intindihin mo sya” sa mga kapwa niyo pag nagkakaproblema sila, might as well apply niyo yan sa mga iniidolo niyo. May sarili din silang buhay sa labas ng pinilakang tabing at telon, ano? Sabi nga, magpo-focus sa kani-kanilang career e. Ito yung mga panahon na dapat sinusuporthan niyo sila pareho.
At oo, get a life din. Puro kayo loveteams at social media eh. Nagpapakamatay sa pakikipagtalo sa mga bagay-bagay na sa totoo lang, hindi naman kayo maisasalba.
At tutal tinitingala niyo naman sila na parang “role model” niyo yang mga paborito niyong artista, might as well iemulate niyo na rin ang ilang halimbawa sa kanila, gaya ng maturity sa pagtingin sa mga bagay-bagay at pakikitungo sa tao.
“Sana all” fans ay mature, ano? 2020 na kasi eh, nakakahiya pa naman kayo.
Author: slickmaster | © 2020 The SlickMaster's Files
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!