Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

26 February 2020

Mamba Out, Mamba Lives On.

02/25/2020 12:31:09 PM

Isang buwan na ang nakalipas mula noong ginulantang ang buong mundo ng balita ng kanyang biglaang pagkamatay. Pero ang sakit pa rin, pre. 

Habang pinapanood ang tribute sa kanya ng National Basketball Association sa YouTube, grabe, napaisip ako, halos dalawang dekada din pala mula noong sinundan ko ang liga na ito – gayun din ang karera niya, kahit hindi ako isang tagahanga.


Sa panahon na sinubaybayan ko ang NBA noong 2000s, si Kobe Bryant ay isa lamang sa mga pinakamatunog ang pangalan dahil sa angking angas at kagalingan niya. Ang premiyadong scorer na nakapagtala ng 81 points noong 2005 – pangalawa kay Wilt Chamberlain bilang nakapagbuslo ng maraming puntos sa isang basketball game (na may 100 naman noong Marso 15, 1962). At ginawa niya ito sa dekada na halos pababa na karera ni The Answer, umuusbong naman ang mga bata mula sa Class of '03, umaarangkada si Vince Carter sa New Jersey, naglalaban para sa domination ang Detroit Pistons, San Antonio Spurs, at ang Los Angeles Lakers, at sa kasamaang palad ng pagkapilay nila Tracy McGrady at Yao Ming. Aminado ako, hindi ako naging fan kagad. Mas fan pa nga ko nila Allen Iverson at LeBron James – dalawa sa mga naging matitinding karibal nya sa laro. 

Nakalulungkot pa rin, dahil sa isang aksidente, tila siya'y na-fade away. Sa hindi inaasahang Linggo ng umaga (oras as Estados Unidos) noong Enero 2020, ilang oras bago sumahimpapawid ang WWE Royal Rumble at ang 2020 Grammy Awards, pumanaw si Kobe Bryant, ang kanyang anak na si Giannna, at ang ilan sa kanyang mga kaibigan na lulan ng isang helicopter nang bumagsak ito sa California.

Isipin mo: sa edad na 41, marami pa sana siya magagawa off the court. Producer na siya ng kanyang sariling palatuntunan e, nanlo pa ng Osacr yan. Pwede pa siya maging coach gaya ng paggabay niya sa kanyang anak, o broadcaster sa mga laro ng NBA gaya ng mga kapwa alamat. Gayun din ang kanyang pagiging butihing asawa, ama, at kung anu-ano pa. 

Subalit nang dahil sa isang aksidente, nawala na para bang iglap ang lahat ng yan. Gone too soon, ika nga. Isa sa mga pinakabiglaang balita ng pagkamatay sa loob ng halos isa't kalahating dekada, gaya ng nangyari kila Eddie Guerrero (2007) Michael Jackson (2009), Whitney Houston (2012), Amy Whitehouse, Paul Walker (2013), at sa lokalidad natin, si Tado Jimenez (2014).

Maliban sa pagiging NBA Champion, parte ng top all-time leading scorers sa liga, All-STar MVP, at kung anu-ano pa, si Kobe Bryant na malamang ay matituturing na isa sa mga makukulay na tao sa larangan ng sports. Maangas ang simula, nasangkot sa samu't saring kontrobersiya, pero mas lalong gumaling at mas lalong tumino. Hoy, hindi rin biro na maging tao na minahal ng marami ngayon kesa sa ano ka noon ha? Lalo na siguro kung palagi kang “bwawkaw “ sa bola, nakipagsuntukan ka kay Chris Childs, nakipatutsadahan kay Shaquille O'Neal pag off-season, at lalo na noong naakusahan pa ng panggagahasa. 

Bagamat not guilty ang hinatol, tila ito lang ang bahid ng dumi na nakasakay na sa kanyang legasiya bilang Hall of Fame na atleta – lalo na sa panahon na mahihilig mag-hukay ang ilang mga tao ng mga “ghosts of the dark past.” As in kahit nagbago na ang tao for good, sila pa rin 'tong iniisip na napaka-linis dapat ng mga tao – sikat ka man o pawang ordinaryong nilalang lamang. 

Walang masama kung maalala ang masasamang bagay kung ang tanging pakay lamang ay “huwag sanang pamarisan ang pagkakamaling nagawa” sa halip na ipalaganap ang “cancel culture” dahil hindi lahat ng mga sumasablay tao ay dapat otomatikong i-kansel panghabang-buhay. Maliban na lang siguro kung diktador ka na under de saya, tahasang pumapatay ng maraming tao, o kung anu-ano pang kabalastugan ang ginawa tapos hindi pa rin nagtatanda kalaunan. Pero kung may mabuti naman siyang matino at higit na marami ito at mas mabigat pa kesa sa mga pagkakasala niya, dapat rin naman alalahanin. Lahat yata tayo bilang tao ay hindi namamatay na hindi nakakagawa ng pagkakamali ni minsan man lang sa buhay nila–kahit gaano pa yan kabigat o karami.

Ang hirap imagine ang mundo ng basketball ngayon na walang Kobe Bryant, lalo na mula noong minuto pagkatapos maibalita ang kanyang pagpanaw. Kaliwa't kanang tribute sa NBA aty ultimong ibang mga event – sports-related man o hindi. Minsan nga, kahit sa labas pa ng court ay ang lakas ng impluwensya ni Black Mamba. Imagine mo na lang na yung mga tao na kahit hindi naman naglalaro talaga ay umaarte na nagsushoot ng bola, o tila ginagawang basketball court ang isang krinampol na papel at ang trash can, o basta, umaarte ang braso parang may binatong bola sa ere. Ang daming antics na makikita mo ito, mula sa mga barkada mo sa kalye, hanggang sa paborito mong rap battle league, hanggang sa mga kanta at ang paborito mong cop sitcom, may mga maliit na elemento na kung tutuusin ay para bang reference bar sa hip-hop lyrics linggo – may koneksyon kay Kobe Bryant. 

Hindi mo inaasahan para sa isang tao na kahanay ay ang mga malulupit na nilalang na naglaro ng sport na ito, gaya na lamang nila Bill Russell, Michael Jordan, Magic Johnson, Kareem Abdul-Jabbar at kung sinu-sino pa. 

Hindi na kataka-taka na ang sinumang magcha-champion ngayong NBA season – ay ide-dedicate na ito para kay Kobe – ke Lakers man ito o hindi. Nararapat lang din, dahil marami ding mga tao na naimppluwensyahan ni Black Mamba na maglaro ng naturang sport. 

Mamba out. Mamba Forever. 


Author: slickmaster | © 2020 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!