Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

13 February 2020

Valentine's Day na! E ano ngayon?! (v. 2020)

02/13/2020 07:15:23 PM

Bagong dekada na, pero wala pa ring pinagbago sa kalokohan. As in 2020 na, ang taon ng kalinawan (pustahan, marami na ring 'woke' dyan), pero same old shit pa rin. 


O, tutal puro naman kayo naghahanapan ng mga butas sa lahat ng mga bagay, ano na? Mga kunwaring mapagmahal kayong mga nilalang bigla ngayong araw? Mga kunwaring marupok, naghahanap ng ka-date, ka-HHWW, at ultimo ka-one night stand?  Nakalimutan niyo bigla ang pamumulitika, e no? Sa loob ng isang araw, sawi ka't desperadong magka-jowa – taliwas sa usual stance mo na either ikaw ay Dilawan o ka-DDS. Naging romantiko ka bigla at pakunwaring aktibista, lalo na noong bumanat ka ng saksakan ng kakornihan.

Yung totoo, feeling niyo ay napag-iiwanan ba kayo o sadyang tinamaan kayo ng pagkatigang lalo na't lumalamig ang panahon kamakailanlang? 

Woke pa kayong nalalaman ampota, mga marurupok din naman.

Sabagay, lilipas din naman yan pag na-ekis na sa kalendaryo ang ika-14 na Pebrero, ano? 

Valentine's Day na naman! Araw ng mga puso, ika nga. Kung saradong Katoliko ka, pista ni San Valentin, ang sinasabing patron ng mga nagmamahalan. At kung ikaw naman ay alipin ng kumpanya, (ika nga ng kanta ni Apoc, ay 'pieysa ng makina'), payday Friday. Siyempre, kung freelancer ka, sobrang busy mo din, e no? Walang holi-holiday, kahit gaya pa ng “feeling holiday” na Valentine's Day.

Naku. Punyeta, maliban sa palagian na lang mas malala ang trapiko pag pumatak ang Payday Friday, mukhang doble o triple pa ang magiging kalbaryo dahil punuan lalo mga motel, resto, at bar. Pahirapan pa makauwi dahil sa jeskeng estado ng mass transportation. Stressed ka na sa traffic ng umaga, tapos masestress ka pa lalo pauwi, e no? More so kung fully-booked pa mga lugar na pupuntahan mo. Nak ng tokwa naman. 

Gusto mo lang naman na makapag-samgyup pero wala nang table dahil lahat ay kinuha na ng mga barkadang magkakajowa. Wawa ka naman boy, no? Wala ka nang choice kung umuwi na lang at mag-Netflix and chill. Pero yun nga mukhang maglalakad ka na pauwi dahil wala ding ma-book na Grab o Angkas.

Hoy, ungas, hindi porket Valentine's Day at single ka ay otomatikong outcast ka na sa lipunan. Tanginang lipunang to, mga kunwaring inaaway ang gobyerno't kapitalista e sila din mismo ay tumatangkilik? Hala, hipokrito pala ang mga putangina. 

Gising, hoy. Ang hilig mo kasing makiuso e.

Kung ako sa'yo, pumuna ka na lang ng gig. Ay, wala nga palang lamesa, no? Baka-fire and sugar hazard na rin ang ilang lugar dahil sa maraming naglalandian at naubusan ka pa ng lamesa.

Valentine's Day na! E ano ngayon? Hoy, di ba may worldwide outbreak dahil sa bwakananginang corona virus? Kinansela na nga yung ibang mga ganap eh. Tapos mangko-call out na naman kayo sa social media pag nagkasakit kayo bigla – or at least pag napraning na naman dahil sa pagiging kupal ng pamahalaan sa mga pinagsasabi nila? Nahirapan for a while makabili ng N95 mask, pati alcohol. Pero kung maubos mga condom sa hardware, botika at convenience store, mukhang good news na rin dahil 
at least natututo na rin kayong mag-practice ng safe sex.

Besides, kung desperadong single ka talaga, e may sarili ka namang kwarto, di ba? Saka kamay na rin. Oks na yun. Lilipas din ang valentine's day – pero ang pagka-hayok mo, nakupo. 

Ay, ibig mo bang sabihin ay naghihintay ka lang sa crush mo na ayain ka -idate? Bakit hindi ikaw gumawa ng paraan? Ah, kasi babae ka  at dapat gentleman ang mga lalaki? Eh putangina, akala ko ba nasa panahon na tayo ng “gender equality”? So ano na? 

Ah, kasi wala kang pera. Bakit kasi puro kayo bulaklak ang trip niyong ibigay kay gurlalu? 2020 na, masyado ka nang napag-iiwanan. Tangina, magpaka-practical ka naman. Bigas kaya ibigay mo, no? Trip mo ang mamahaling restoran? E fully-booked na nga e. Anong magagawa mo? Ni hindi nga sasapat yan para sa sarili mong kagutuman e. Mag-karinderya ka na lang tutal tinitira mo naman ang mga fastfood kasi panay contractualization sila. Feeling mayaman ka kasi ampota.

At speaking of practical, sa halip na gumastos ka kaka-date dyan sa taong most likely ay babastedin ka naman ngayong V-day, bakit hindi ka na lang mag-ipon tutal may savings account ka naman? Pwede mo rin namang itago yan sa GCash o PayMaya account mo; o dili kaya ay mag-invest ka para sa future mo, tutal ang pinaglalaban mo namang keyboard warrior ka ay ang future ng sangkatauhan. 

Valentine's Day na! E ano ngayon? Malamang, maliban sa mga magde-date dyan ay baka magkaroon pa ng mga wedding proposal. Bakit kanyo? Malamang, araw ng mga puso e. Araw para maging romantiko kayo (oo kayo lang, wag niyo kong idamay).

Ha? Wedding proposal pa sa V-day? Puta, kadiri. Ano to, for the clout na lang ba at hindi for the real love? Para makalikom ng sandamukal na heart reacts yang sobrang tumal mong Facebook account? Para mag-viral ka naman, kahit papano? Desperado much? 

Tangina naman nyan.

May gusto ka bang bigyan ng rosas o tsokolate pero hindi yun para sa crush mo? E bakit hindi mo bigyan ermat mo, tutal nasa isang bansa naman tayo na pinapahalagahan nating ang pamilya. Oo, tutal binibigyan ka naman nila ng baon, inaalagaan ka, at pinagbubuksan ka pa rin ng pinto o binibigyan ng susi sa twing nagpupuyat ka kakapunta ng gig. Ano kala mo, ang Valentine's Day – at pag-ibig, in general – ay para lamang sa mga magsing-irog? Hunghang ka kung ganyan ka mag-isip.

At lalo na, ang Valentine's Day ay para sa pag-ibig, hindi para magkaroon ka ng dahilan na ipressure ang partner mo na makipagtalik sayo. Parang nanghaharass ka na mana yata niyan in a way, no? Baka mamaya niyan may ma-call out pa sa social media na diumano'y sexual predator.

At kung lahat na lang yata ng kulay ay may kahulugan sa dress code ngayong Valentine's Day, parang mas okay pa na mag-topless na lang pagpasok, ano? Oo, dahil walang damit means “wala akong pake sa mga pautot niyo.”

Bitter? Mali, mga tanga lang talaga kayo. Masyado kaya kayong bulag – parang yung mga tinitira niyong mga ka-DDS, ka-Dilawan, mga ka-JaDine, ka-Kathniel, ka-AlDub Nation, at ka-BTS – yan ay kung hindi niyo napapansin ang inyong mga sarili, ano? 

Author: slickmaster | © 2020 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!