04/06/2020 01:59:03 PM
Ika nga ng isang kasabihan, sa panahon ng kagipitan mo malalaman kung sino o sinu-sino ang mga tunay mong kaibigan. At sa konteksto ng mga pangyayari ngayon—dala ng naghahasik ng lagim na kung tawagin ay COVID-19—kung gaano kaseryoso sa pagtulong ang pamahalaan ng lupalop na iyong kinabibilangan, gayun din ang mga kapwa mo mamayan o mga kapitbahay; kung mabuti nga ba silang mamayan na tutulong sa'yo o baka sila'y mga hamak na ungas na hindi ka nga tutulungan, ipapahamak ka pa nila.
Alam ko, lahat ng bagay ay politikal; ngunit ang tanong sa ganitong mga pagkakataon, yan ba ang paiiralin mo, o isasantabi mo para lang pare-pareho tayo makatulong. Gising sa realidad: hindi ka nanonood ng pelikula, pero mayroong mga eksena dun na tila halaw sa mga nasabing kilos at sitwasyon.
Isa ka nga bang tao na handang tumulong o isa ka lang bwakananginang oportunista? At maliban sa mga tanong na yan...
Ano ang ambag mo?
Punyeta. Ang primerang bwelo ng mga tao na walang inatupag kundi ang maging matapang (kuno) sa internet – lalo na siguro ng mga taong sumusporta sa taga-dala ng fake news, at taga-bira sa mga umaangal na mga mamamayan.
Ano ang ambag mo?
Malamang, nagbabayad ako ng buwis. At sa totoo lang, lahat tayo ay nagbabayad ng buwis nang hindi mo nalalaman. Malamang, may Value-added tax sa mga produkto at serbosyop na tinatangkilik mo eh. Kahit tambay ka pa, oo, meron ka pang ambag.
Ika nga sa isang Word of The Lourd, “Nagbabayad ako ng buwis kaya may karapatan akong umangal” dahil totoo nga naman, saan napupunta ang pera mo: sa proyekto ba na ang pangakalahatan ng mga mamayan ay makikinabang o sa mga bulsa ng mga herodes ng mga taong hinalal niyo nung nakaraang eleksyon—bagay na dapat nga naman i-contest dahil pagnanakaw yan e. Speaking of which...
Ano pa ang ambag mo sa lipunan at pamahalaan?
Bumoto. Ang sinuman na ginagamit ang kanilang karapatan na sumali sa halalan o eleksyon sa pamamagitan ng pagboto sa mga personalidad na magsisilbing preresentante ng kanilang lugar at tagapamahala na magsisilbi sa kanila.
Ops. Take note: ang keyword ay 'public servant.' Ika nga ng isang dating presidente (o Dilawan, dahil ang ilan sa inyo ay tila bulag na yata) noong nakaraang dekada, tayong mga mamayan ang boss nila. Ang tanong nga lang: nasunod ba talaga? At sabagay, masusunod nga ba talaga e iba na ang administrasyon eh.
Besides, ang boto ng isa ay boses ng isa. Sieympre, pag masa, parang segment na yan sa Unang Hirit. Ganon.
Ano pa ang ambag mo sa lipunan?
Sa simpleng pagsunod sa batas, nagkakaroon ka ng ambag. Maliit na bagay? Oo, pero nakakatulong pa rin, kahit pagtatapon pa yan ng basura sa tamang lugar.
Ang hirap din kasi sa ilan sa madla, panay reklamo pero ultimong ganitong kaliit na bagay, hindi magawa. Hindi naman sa sinasabi ko na hipokrito ang ilan sa inyo, pero... pucha, sige na nga.
Bagamat siyempre, marami din ang batas na problematic sa kani-kanilang pamamaraan. Kaya...
Ang pa ang ambag mo?
Ang magsalita—o sa termino ng mga showbiz political fantards ay "umangal" o "magreklamo." Hindi mo ba napapansin na ang ilan sa mga sinasabi ng mga mamayan ay nagkakaroon ng epekto sa mga kilos at proyekto ng pamahalaan ngayon? Na-improve pa nga e. Napabuti ba.
Walang masama sa pagbibigay ng negatibong feedback kung ang isang proyekto naman o serbisyo ay sobrang pangit—lalo na kung may mga batas o alintuntunin na sobrang erratic. Hindi naman siguro dapat ay nasa master-slavery era pa rin tayo, ano? Teacher nga ine-evaluate e.
Siguro, nasa kung paano pinipili ang mga salita at ang tono ng pananalita magkakiba. At 'yan ang isang manipis na linya na naghihiwalay sa pagitan ng kritisimo at pangbabash.
Kayo rin kasi e. 'Wag masyadong exaggerated, mga ghorl. Kung magsalita naman kasi ang ilan sa inyo ay parang ang sama-sama talaga nila at napakasama na ng ginawa nila.
Lipunan tayo ng mga "lahat ay ma say" pero ang bottom line dito ay hindi lahat ng mga reklamo ay intensyon na manira sa pamahalaan at bagkus yan din ang ambag nila (nagbabakasakaling makatulong ba), kaya hinay-hinay din sa pag-rebutt against sa kanila. Hindi kaya constitutional na i-curtail ang right to free speech nila, ano? Yan na nga lang libre para sa ilan, pipigilan mo pa.
Ano ang ambag mo?
Simple. Gawin ang tungkulin ng mga mamayang Pilipino – at hindi maging mamamayan ng mga Dilawan at mga kaDDS. Nabasa mo naman siguro ang iilan sa kanila sa itaas, di ba?
Ay hindi ba? 'Yan ang problema sa inyo. 2020 na, mga mapaghusgang tanga pa rin kayo.
Ambagan ba kamo? Singilan ba, o sumbatan? Siguraduhin mong wala kang utang sa paluwagan at nakihati ka sa pambayad sa inuman, ha?
Hay. Minsan talaga, sa reading comprehension nagkakatalo.
At oo, may bag din ako. Punyeta!
Author: slickmaster | © 2020 The SlickMaster's Files
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!