16 June 2020

A Fete-less Year?!

06/15/2020 11:32:45 PM

Parang ang hirap ma-imagine na walang Fete de la Musique para sa taon na 'to, no? 


As in mula noong umandar ang jeskeng Corona Virus noong pagputok ng bagong dekada, halos bawat bansa ay nasa state of emergency. Bawat lugar ay may ipinapatupad na lockdown – at karamihan sa mga ito ay napakahhigpit talaga. 

Mula sa bwakananginang virus na kumalat sa sangakatuhan ay naparalisa ang mga negosyo at mga aktibidad mula sa iba't ibang larangan o industriya – kabilang na ang mga nasa musika. Kaya nga na-postpone ang halos lahat ng mga konsyerto sa mundo e. Ang ending tuloy, halos lahat – mula mga musikero hanggang production people hanggang ultimo mga roadie o PA ng banda – ay tila nganga. Swerte mo nga lang siguro kung may trabaho ka pa rin at hindi ka nawalan ng mga raket bilang freelancer. 

Imagine mo na lang: sa ikatlong Sabado ng buwan na ito sa kasalukuyang taon, wala kang mapupuntahan na mga gig. Walang street party sa Poblacion. Ang mga tao ay nasa mga bahay nila. At kung may maganap man na tugutugan, sa malamang ay nasa internet na yan. Good luck nga lang kung hindi mag-lag, considering na napakalala ng internet connection natin sa bansa. 

So mukhang walang Fete, ano naman na? I mean ano na gagawin natin ngayon? 

Mukhang marami na lang mag-iinuman o manunood ng konsyerto sa DVD o YouTube. Kung may mag-FB Live, gaya ng sinabi ko, good luck dahil baka sa dami ng tao  na dumagsa, mamroblema naman sa internet, lalo na kung may ZOOM, Messenger, o Skype e-numan pa kayo ng mga kasama mo sa gig.

Yun nga lang, hindi makakaila na kaya nitong tumbasan – o lalong higitan – ang live music bilang kabuoan. 

Isipin mo: sa taon na to, na walang Fete de la Musique, wala kang pupuntahan na stage. Hindi ka mag-iisip kung saan ka mapapadpad, dahil wala kang mapupuntahan talaga eh. Mag-aabang ka na lang siguro sa mga panibagong mga bagay-bagay na gaya ng online concert. Madalas libre, pero kung may bayad, kailangan mo ng mga modernong cashless na pamamaraan gaya ng GCash at PayMaya o mag-mobile banking ka. Nakakamiss yung tila sauna ang mga bar na pinupuntahan mo. Mala-People Power ang populasyon ng mga kalye at mga establisyamento. Hindi ka maggugutom o mauuhaw, pwera na lang kung mauubusan sila ng stock ng pagkain o inumin, na kadalasan ay dagdag na kalbayro sa possibleng haba ng pila at mabagal na paglalakad.

Hindi gaano mabubulabog tenga mo dahil walang maingay eh. Pero nakakamiss kaya yung may marinig ka mula soloista na busker hanggang mga tila crowd o collective o malalaking grupo ng mga mahihilig tumambol. Siguro, yung trapiko sa kalsada lang ang pinaka-hassle na makapagpaubos ng pasensya mo.

Dahil walang Fete, hindi mo rin makaksama mga crush mo sa gig, o yung mga kabarkada mo na puro naman madadldal kahit may tumutugtog sa entablado, at pati na rin yung mga iniidolo mong musikero kung sakali mang maispatan mo sa isang sulok ng venue. Oo, as in yung hindi lang sa online mo sila makakausap. Pwede pa magpapiktyur nun.

Wala e. Putanginang COVID yan. Mukhang aabutin pa ng ilang linggo o buwan bago magkaroon ulit ng tugutugan na gaya ng ating nakagisnan. Saklap.

Next year na lang siguro, kung usapang pisikal live gigs. Panigurado may online yan. Tiyagaan na lang panoorin.

Author: slickmaster | © 2020 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.