08/24/2020 02:17:03 AM
Ang hirap magising sa isang Linggo ng gabi kung saan puno ng emosyon at pamamaalam ang mga nangyayari. Pustahan: baka marami pa sa atin ang naiyak noong nalaman ang balitang yan. Parang noong nakaraang dekada, noong nagbabay sa ere ang NU 107 dahil sa dami ng tao sa labas ng studio nila sa Ortigas at ilan sa atin na nakatutok nun sa mga radyo.
Halos saglit lang pagkamulat ng mata at pagtingin sa news feed sa Facebook, ay ang balita ng pagsasara ng isang bar ang bumungad kagad.
Para sa mga hindi nakakaalam, isa ang Route 196 sa mga lugar na tinatambayan ko halos gabi-gabi. Simula noong 2015, noong sinusubaybayan ko na ang eksena ng live music natin, tanging Route 196 lamang ang pinakamalapit sa aking bahay—so parang tahanan ko na rin ba kasi nilalakad ko lang sa halos kada pagkakataon na pumunta ako dun.
Teka lang. Parang mas akma yata kung sasabihin ko na isa siyang kapitbahay.
Teka lang. Parang mas akma yata kung sasabihin ko na isa siyang kapitbahay.
At sa loob ng kalahating dekada na yun, maraming nangyari: naging bantay ako sa entrance, kumuha ng litrato, natuklasan ang samu't-saring magagaling na musikero. Pucha, naki-jam pa nga ko minsan eh. Maliban dun? Dami pa, kumain ng mga tira-tira (hi pala, EJ, hahaha!), makatanggap ng maling order ng alak, tumambay hanggang sa patayan na kami ng ilaw.
Marami rin akong nakilala sa lugar na ito, ke bandista man, producer, kapwa gig-goer, at ultimo mga service staff na napakabait. Maraming pagkakaibigan ang nabuo. Pati na rin siguro ang kasalimuotan ng relasyon. Ay, teka, baka maraming matamaan dito.
At ang pinagkaiba ng Route 196 mula sa ibang mga music hall na pinupuntahan ko ay kadalasan ko itong nilalakad—papunta at pabalik. Oo nga, pwera biro, hindi naman ako natatakot maglakad sa kalye pag alas-tres ng madaling-araw eh. Halos kalahating oras din na workout yun ah.
Malamang sa malamang ay maraming mamimiss sa Route 196. Kanya-kanyang pananaw nga lang kung ano o anu-ano ang mga yun. Isipin mo, sa lugar na ito noong Elements Jam Night (Mayo 2015) ko napansin kung gaano kagaling bilang manlilikha ng awit ang mag-utol na Miguel at Paolo—kilala mo ngayon bilang kasama ng bandang Ben&Ben. Yun din yung unang gabi na nakilala ko ng personal si Japo ng Tanya Markova, isa sa mga malalapit ko na kaibigan.
Sa bar na din ito una kong napanood ang mga magagaling na banda—batikan man, kasalukuyang nangingibabaw, o ultimo yung mga nag-hiatus na—gaya ng Autotelic, MilesExperience, SUD, Jensen and The Flips, Flying Ipis, The Bed Bites, Farewell Fair Weather, Banna Harbera, BennyBunnyBand, Brass Pas Pas Pas Pas, One Click Straight, UBE, Ang Bandang Shirley, Dayaw, Rob and The Hitmen, The Benjamins, Alasmedya, Tonight We Sleep, TheSunManager, si Anj Florendo (noong nag full-band setup), Never The Strangers, Tom's Story, Runway Hits at ang pinakapaborito kong Paranoid City, Itchyworms, Aia De Leon, ang acoustic duo ng Urbandub, Boldstar, Top Junk, Stereodeal, Covert, Maya's Anklet, Eaaasy, Gatilyo (mula Dubai) at kung sinu-sino pa. Pati na rin yung mga soloista gaya nila Mic Llave, Marc Abaya (noong nag-solo flight din siya para sa single niya), Dax Balmeo, Niki Colet, Ebe Dancel, Bullet Dumas, Johnoy Danao, Alex Corner, atbp.
Hahaba lalo ang listahan pag binanggit ko lahat kaya pasensya na at hindi ko mabanggit lahat.
Dito ko rin naka-jam si Brod Pete sa entablado, kahit na wala nang nanonood nun. Sa venue na rin ito una kong napanood ang thesis ni Direk Adrian Arcega (na still work in progress pa rin) tungkol sa live music scene noon at ngayon.
Sa Route 196 din nagsimula ang buhay-prod ko nun, dahil Docdef Productions yung nagorganzsa ng gig na una kong pinuntahan. Marami-rami din siguro yung mga gabi na nagsilbi akong gate-keeper ng mga gig—ke SRO man o zero in attendance.
Route 196 ang naging tahanan ng ilang mga production group sa eksena gaya ng Red Ninja, Docdef, The Rest Is Noise/Vandals On The Wall, Gabi Na Naman, Indie Manila, March of the Penguins, Chocolatey, Raccoon, Break Curfew, Attraction! Reaction!, Revolution Baby, Terno Inferno, A Spur of the Moment Project, at iba pa. Minsan din, dito ginaganap kada buwan ang Quiz Night, sale, karaoke night, at ilang art exhibit.
Ang dating Jack Room. Minsan, art exhibit; minsan, alernate stage; at minsan din, tambayan at tambakan ng mga gamit. |
Route man ang tawag, pero naging bahay na ito para sa ilan sa amin. Hindi lang ako naging taga-singil ng entrance (o sa ibang termino ay 'door bitch') ng ilang gig dito. Naging photographer din ako, media partner, at ultimong showrunner na rin (sa saGuijo ko madalas nagagawa ang role na ito eh). Ay, oo nga pala, literal na nakapagproduce pala ako ng gig dito—yung pinaka-una kong event, kasama ang Indie Manila. Kasama na rin siguro yung paggawa ko ng mga poster para sa gig ni Cris para sa DNA Music.
Ilan sa mga pinakamalulupit na launching event na naganap dito ay ang Love Supreme ng MilesExperience, Gising ng Autotelic, Sayang ng Ube, New Jersey ng Stereodeal, Profanities ng SUD, Hatinggabi ng The Bed Bites (bilang single nga lang) at marami pang iba na hindi ko na mabanggit kasi hindi ko na gaano maalala sa dami nila.
Pinaka-unang gig na binuo ko sa talambuhay. Salamat sa tulong at suporta, Bel Certeza ng Indie Manila. |
Pati na rin pala EP ng Oh, Flamingo dahil yun yung gabi kung saan nakita ko na nag-stage dive at crowd surf si Raimund Maraisgan nun.
Isama mo na rin yung pagsu-Zumba ni Iwa Motors ng Tanya Markova noong tumugtog sila para sa Docdef noong 2019.
Maliban sa musika, pagkain ang malamang mababanggit ng ilang tao na mamimiss nila sa lugar na ito. Aba'y bakit naman hindi? Signature na best-seller dish na nila ang deviled chicken dito. Isa sa mga pinaka-solid na bar chow. Minsan nga umoorder pa ko ng takeout pag hindi ako dadalo ng mga tugtugan eh (salamat sa tip, Pabs!). O dili kaya'y pag walang togs dun, dadaan lang ako, oorder akong dalawa nun at (malamang) lalamon habang tumutungga ng serbesa.
Deviled Chicken saka Pizza na hindi ko na maalala kung anong flavor niyan. P.S. Oo alam ko, bano ako sa food shots. Sorry na. |
May pizza din pala sila, saka sisig. Iba nga sa atin, trip pa yung deviled tofu saka yung salted egg chicken.
Noong bago sila magbago ng setup, madami pa silang nakahain sa menu. Naalala ko may tapsilog nun dahil sa minsan nakita ko si Mic-Mic ng Farewell Fair Weather na umorder nun sa dating kitchen.
Meron ding barbeque nun. Tangina, nakakatakam naman.
Maliban sa musika at combo ng pagkain at alak (bagamat isa sila sa mga 'saktong afford lang' sa lahat ng mga bar sa Metro Manila), ay siyempre, yun na, good times. Marami na ko nabanggit sa itaas. Maliban dun, siyempre, yung mga panahon na nakabukas na ang pinto dahil hindi na kasya para sa mga tao na gustong manood ng gig. Tangina, ang hirap kaya nun.
Mas mahirap pa siguro kung either staff ka ng event o ng bar mismo. Kaya saludo din ako kila Kuya Madz. I mean, imagine mo kung lagpas 100 ang tao sa event, chances are abot sa takilya ang order mo, pero siyempre dahil matao ay masikip ang daaanan para lang makarating sa table. Ako nga, sa bar na ko pumupuwesto nun eh. Hahaha!
Ano na kaya mangayayari pagkatapos nito? I mean, nakalulungkot na ang daming mga lugar at negosyo ang nagsasarado, at domino effect pa yan dahil maraming nawalan ng trabaho gaya nila Kuya Madz, Ryan, Dennis, atbp. Pati na rin yung mga naunang nagsara na bar gaya ng Today x Future, NoKal, at ultimo ang sikat rin na puntahan na Upperhouse?
Ano na? Tangina kasi nitong pandemya na 'to eh, na naging ugat ng malawakang lockdown at economical recession sa buong mundo, at pati na rin ang ideya na maraming tao na tila magiging malungkot lalo. Kapit lang tayo, mga tsong at tsang. Lilipas din 'to.
Sana nga lang 'pag manumbalik sa normal, bumalik din sigla ng tao at musika. 'Wag nga lang sana may sumunod pa sa mga namaalam. Bagamat mahirap-hirap yan dahil sa aftermath na rin ng jeskeng COVID na 'to.
Besides, hindi naman perpekto ang kahit anong lugar, kasama ang mga live music hall gaya ng Route 196. Aminin natin: Para sa ilan, ang hirap niya puntahan dahil 3-5 minuto ang lakad na aabutin mo mula kanto ng Boni Serrano at Katipunan. Makikipag-patintero ka pa sa pagtawid kung manggagaling ka ng Rajah Matanda sa Project 4 dahil sa walang footbridge na malapit dito (until binuksan yun noong 2018). Hindi masasabing accessible sa public transport ang naturang venue unless naka-taxi/Grab/Uber/Angkas ka o matiyempuhan yung kulay berde na traysikel na ang ruta ay mula amin hanggang Labor Hospital (or in short, QMMC) sa maagang oras ng gabi.
Pahirapan pa mag-parking. Tsambahan ba kung makagarahe ka sa espasyo sa tabi ng Route mismo, kasi madalas either sa UCPB (yung bangko bago dumating ng gate ng Blue Ridge) o sa underground parking ng McDo mo maipaparada yang sasakyan mo.
Maliban dun, isa rin naman ang Route 196 sa mga medyo may kamahalan ang presyo ng alak (mej lang), at maliit pa ang espasyo para sa isang event na mala-mini music festival ang lineup. Madaming tao eh, so chances are kung may isyu ka sa lugar na talagang siksikan, pawisan, at baka mahirapan ka pa huminga, baka mapatambay ka na lang sa labas o magback-door exit ka.
Subali't sa kabila ng mga ganitong bagay, okay lang yan. That makes up for the experience pa nga eh. D'yan ko nakita kung gaano katindi umusbong ang live music scene ng Manila. Kung bakit napakadali na para sa atin na barahin ang mga bumibira ng "OPM is dead" at hindi rin ito tinawag na "Metro North's best live music hall" dahil sa wala lang.
Isa ang Route 196 sa mga nagsisilbing platform para sa mga banda—sikat man o nagsisimula pa lang—para marinig ng madlang pipol. Ito na rin ang naging mala-Mayric's o Club Dredd para sa ilan na late-bloomer na sumubaybay sa eksena, gaya ko.
Sa bar na ito maraming pangarap ang nakamtan at umusbong na karera, bagay na nagsilbi na rin para sa ilang mga baguhan na sana ay maabot nila ito balang araw, ke musikero ka man, o ibang larangan ang ginagalawan.
Pahirapan pa mag-parking. Tsambahan ba kung makagarahe ka sa espasyo sa tabi ng Route mismo, kasi madalas either sa UCPB (yung bangko bago dumating ng gate ng Blue Ridge) o sa underground parking ng McDo mo maipaparada yang sasakyan mo.
Maliban dun, isa rin naman ang Route 196 sa mga medyo may kamahalan ang presyo ng alak (mej lang), at maliit pa ang espasyo para sa isang event na mala-mini music festival ang lineup. Madaming tao eh, so chances are kung may isyu ka sa lugar na talagang siksikan, pawisan, at baka mahirapan ka pa huminga, baka mapatambay ka na lang sa labas o magback-door exit ka.
Subali't sa kabila ng mga ganitong bagay, okay lang yan. That makes up for the experience pa nga eh. D'yan ko nakita kung gaano katindi umusbong ang live music scene ng Manila. Kung bakit napakadali na para sa atin na barahin ang mga bumibira ng "OPM is dead" at hindi rin ito tinawag na "Metro North's best live music hall" dahil sa wala lang.
Isa ang Route 196 sa mga nagsisilbing platform para sa mga banda—sikat man o nagsisimula pa lang—para marinig ng madlang pipol. Ito na rin ang naging mala-Mayric's o Club Dredd para sa ilan na late-bloomer na sumubaybay sa eksena, gaya ko.
Sa bar na ito maraming pangarap ang nakamtan at umusbong na karera, bagay na nagsilbi na rin para sa ilang mga baguhan na sana ay maabot nila ito balang araw, ke musikero ka man, o ibang larangan ang ginagalawan.
Nakalulungkot. Inabot na ko ng ilang oras para lang tapusin ang pagsusulat ng piyesa na ito.
Mahaba-haba na rin ang paglalakabay ng live music hall na ito. Isa't kalahati dekada ba naman. Yun nga lang, hindi na ko maglalakad papunta kung saan may ako dalhin ng tugtugan. Well, wala na yung paboritong kapitbahay ko eh.
Paalam. Padayon, Route 196.
By the way, may pa-farewell T-Shirt sila on sale. Gawa ni Rob Cham. Puntahan niyo na lang ang manilatakeout.com para maka-iskor kayo.
By the way, may pa-farewell T-Shirt sila on sale. Gawa ni Rob Cham. Puntahan niyo na lang ang manilatakeout.com para maka-iskor kayo.
Author: slickmaster | © 2020 The SlickMaster's Files
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!