14 February 2021

Valentine's Day Na! E Ano Ngayon? (v. 2021)

02/13/2021 02:20:52 PM

Babala: ... 

Weh? Kailangan pa ba nun, eh likas naman na pasaway ang karamihan sa atin eh, mga tipong nagrereact nang mas malala kahit hindi naman nila binasa ang mga buong artikulo. O Diyos ko, 2021 na, ang dadami pa ring mga nagpapanggap na tanga at mangmang, at sa totoo lang ay dinaig niyo pa yung mga nagbabangayan para sa mga iniidolo nila sa politika at showbiz. 

At punyeta, may pandemya pa na nagaganap sa mundo ngayon, pero Valentine's Day pa rin ba naiisip mo?  

Sabagay, ang dami ngang pasaway nung Pasko eh. May namamasko pa na mga bata kahit bawal sila lumabas. May tao nga na ngangapitbahay pero walang suot na face shield at face mask, at lapit pa nang lapit sa mga tao na 'bisita.' Kung hindi ba naman nakakairita.

Bago na ang kalarakaran ng pagiging normal, ika nga, bagamat mas gusto ko pang isipin na panasamantala lang ito dahil likas sa atin ang pagiging ma-social at emosyonal. So... Valentine's day na nga, ang araw ng mga puso, pero sa totoo lang ay araw lang ito para sa ilan na magbigay ng exaggerated at extra special na date. 

Ows? Di nga? Talaga lang ah, kahit bagong dekada na at tila nagbago na nga ang takbo ng pamumuhay  ng karamihan sa mga tao, yan pa rin ang depinisyon mo ng 'Valentines' day' na tila napaglumaan na ng panahon? 'Oy, 2021 na, pero para inapangalandakan mo pa rin na ang Valentine's day ay para lang sa mga mag-jowa at tila may pasimpleng pamamahiya sa mga dateless na single dyan?

Aba'y deputang 'to. Paulit-ulit ka na lang, boy. Uso rin mag-evolve at magbago ng pananaw, no? Kahit slight lang na ikabubuti mo.

Valentine's day na, pero ano magagawa mo kung napaka-skeptic, sobrang takot, o praning pa rin ang crush o jowa mo lumabas na kesyo baka magka-COVID kayong dalawa? Ano na gagawin mo ngayon?

Well, una sa lahat, wala naman masama na maging mindful sa kalusugan natin muna. Aanhin mo nga naman kasi ang napaka-romantikong date kung mamaya naman ay naging istastistika na rin kayo ng mga ulat na may virus na yun, o dili kaya'y nagkasakit – as in nakitaan ng sintomas, nawalan ng panlasa at magtetake kayo ng sandamukal na gamot at pagkain habang naka-isolate sa loob ng 10 araw hanggang dalawang linggo o higit pa? Not to mention, maliban sa iyong ilong, masakit din sa pitaka ang swab test.

Besides, ang hassle kaya na ang Valentine's Day ay isa sa mga araw na nilamon na ng kommersyalismo. Natapat pa 'to ng weekend, sabay sa long weekend dahil Chinese New year noong nakaraang Biyernes. Kung may 3-day sale pa yan, patay tayo dyan.

Siguro, ang consolation prize lang sa ngayon ay sarado pa rin ang mga estbalisyamento na apektado ng direktiba ng IATF hanggang a-15 ng Perbero – o sa madaling sabi, Lunes; which means wala pang sinehan na bukas so mas okay din siguro na Netflix and chill muna sa mga bahay, at bakit ka nga ba magrereserve ng kwarto sa motel para makapag-sexy time kung sobrang sketchhy ka every time na ikaw ay nasa labas ng bahay? And while it's good na magreresume na ang ilang mga negosyo nung araw na yun, may lagim pa rin sa mundo na hindi natin nakikita at hindi pa nga pinapaniwalaan ng iba porket either hindi sila natatamaan ng sakit na yun o saydang mga idiota lang talaga sila. 

Maliban dun: madaling mapuno ang mga resto dahil may karampatang porsyento lang ng seating capacity o customer na maari lang na nasa loob. Either tutumal ang bentahan o madaling mapupuno ang mga reservation para dito. 

At since lahat naman ng bagay ay nagiging digital – mula pag-aaral, trabaho, at ultimo mga tugtugan at iba pang mga event – pwede rin naman ang dating sa ganun muna pansamantala. Ha, may nilalandi ka nga sa Yahoo Messenger, Friendster, Tinder, at ultimo sa Ragnarok nun kahit hindi mo pa nakikita sa personal eh. Oo, tangina, marupok na rin kayo since time immemorial. Aminin! 

Di nga? Oo nga, pucha, may mga magbabarkada nga na nag-iirganisa ng game nights sa Discord at Zoom e. May mga watch-along din, as in magsistream ng isang pelikula o palabas tapos lahat ng andun ay nanunood lang habang nakikipagchat. Maliban dun, may mga food delivery app namn na pwede mong konchabahin na uumorder at ipadleiver sa kan'ya. Maghanda ka nga lang ng pera sa wallet mo sa Gcash o PayMaya.

Ayaw mo lumabas eh, at wala naman masama dun dahil may mga paraan din naman na mag-aya ng date... siguraduhin mo nga lang na gagawin mo yan dahil type mo siya at hindi dahil masabi lang na “may ka-date” ka ngayong  V-day (Sisipain kita kung yan lang ang magiging dahilan mo).

At kung date lang naman hanap mo, bakit hindi mo i-date parents mo, o kapatid, sa ara na yun? O pwede ring barkada? Hello, ang salitang 'pag-ibig' ba ay exclusive lang sa mga kapareha o partner? 'Inamorin e no? Nasobrahan ka na sa pagiging marupok.

Besides, lilipas din yan. Ma-excite ka na lang sa darating na Lunes dahil payday niyo. Unless, kung yang kumpanya mo ay may pamanhiin na hindi nagpapasahod tuwing Lunes (oo, merong ganun, akala n'yo ba?). 

Valentine's Day na! E ano naman ngayon? Punyeta, nagkapandemya na nga lahat-lahat, V-day pa rin kayo?! 

Hayst. Wala pang bakuna, 'uy!  

Author: slickmaster | © 2021 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.