06/02/2021 09:27:44 PM
Photo obtained from Manila Bulletin. |
Grabe. Nang dahil sa sinabi sa isang podcast, naging usapan ang pagiging 'tropa' after so long. Oo, kahit dalawang buwan na yun nakalagay sa Spotify.
Noong nakaraang linggo, naging laman ng mga artikulo ang sinabi ng batikang musikero na si Ely Buendia sa podcast na Wake Up with Jim & Saab, sa kalagitnaang pag-uusap tungkol sa kantang Minsan ng banda dati ni Buendia na The Eraserheads. Aniya, ang tinutukoy sa kantang yun ang ang mga kaibigan ni Ely sa dormitoryo na Kalayaan kung saan siya namalagi noong estudyante pa siya ng Unibersidad ng Pilipinas.
“I don't wanna break any hearts again, but we were never close. We were never friends—as in 'tight friends'—that's why we broke up. I mean we weren't Itchyworms. We weren't Parokya Ni Edgar, but you know, it was good while it last we have a very good working relationship.”
Medyo marahas, pero gets ko naman. At higit sa lahat, ano namang bago dun? As in... eh ano naman ngayon kung hindi sila friends?
Oh sure, maraming nagsasabi na sa kabila ng mahigit isang dekada na pagsasama nila bilang banda, hindi sila magkakaibigan? My childhood is ruined!? Bakit ganun? At valid rin naman kahit papaano ang reaksyon na 'yun.
Ngunit basahin mo kaya muna yung sinabi ni Ely, no? As in 'tight friends.' Marahil ay for this sake of argument ay magkaibigan sila pero hindi sila yung tipo na 'ride or die' o yung tipo na aayain mong tumambay at uminom o kausapin sa telepono kung may pinagdaraanan ka.
At maari rin kasi na hindi sila 'friends' at all – yan ay kung talagang ang likot mo mag-isip at kung anu-anong anggulo na lang ang iisipin mo. Kadalasan sa mga toxic na tagahanga, ganyan takbo ng utak. As in yung mga tipong ginagawa na nilang diyos o bagay na pinagnanasahan ang sinumang hinahangaan nila.
Aysus, parang hindi naman normal yung ganito 'no? Maaring para sa ilan, ang pagpasok sa grupo o banda ay parang pagpasok sa opisina. Inaasahan mo ba na lahat ng mga makakasalubong mo dun ay magiging kaibigan mo?
Sabagay, pinalaki kasi tayo sa lipunan na parte ng pagiging mabait sa kapwa ay yung pagiging palakaibigan sa bawat tao na nakakasalamuha natin.
Ok sana, kasi dapat nga naman ay nasa mabuting asal tayo at mabait sa kahit sinuman na nakakasalamuha natin. Kaso ang realidad na lang ang nagturo sa atin na hindi lahat ng tao ay makakasundo mo kalaunan, at lalong hindi lahat ng tao ay magiging iyong kaibigan. Pero kung ipipilit mo ang puntong yan, aba, ano akala mo sa sarili mo, PR strategist, pulitiko, o kandidato para maging Mr. o Ms. Congeniality? Aba, kahit ang pinakamamahal mong superhero ay hindi kasundo ang lahat ng mga nilalang, no!
Pero hindi gaya ng mga iniiyakan mong pelikula, palabas ng telebisyon, at ultimong komiks, hindi lahat ng tao na 'hindi mo kasundo' ay kaaway mo na kaagad. Parang musika lang din, hindi mo nga hate yung banda, pero maari kasi na hindi mo lang jam ang mga tugtugan nila. Ganon.
Kaya hindi lahat ng kaibigan mo ngayong araw ay magiging kaibigan mo talaga pagdating ng panahon. Maraming bagay at dahilan kung magiging solid mong ka-tropa mga yan o maa-unfriend ka lang na mas higit pa sa pag-unfriend sa'yo sa Facebook. Pananaw sa relihiyon, politika, relasyon, ultimo ang pagpili kung may pinya ba dapat sa pizza o wala, at kung anu-ano pa na kababawan at kalaliman.
Mahirap tantiyahin. Kaya siguro, sa pagtanda niyo, eventually matututo rin kayo na manal o dili kaya'y mamili kung sino sa mga mga tao na nakakasalamuha mo ay ang best friend mo, at sino naman ay nasa ganitong level lang naman ng friendship. At walang masama doon.
Pero mabalik tayo sa usapang 'not friends.' Ano naman kung pagkalipas ng 13 taon ay hindi talaga sila magkakaibigan? Anong magagawa n'yo maliban sa magngawa sa pagkadismaya at iisipin na lang na lahat nang binnaggit na salita ay bullshit pala?
Dahil ba sa karamihan sa mga nagbabanda ay magkakaibigan talaga? Tama nga naman, kasi may common goal at trip sila bilang mga artist o musikero. Kaya, sa kaso siguro ng e-heads, nagkataon na ganon talaga ang dikta ng buhay nila. Nagkataon na magagaling sila kahit na ang panahon para sila magka-konekta sa isa't isa ay pag nasa studio na at either nagbabangayan sila sa mga dorm nila o wala talagang nag-aaya ng inuman.
At oo, iskandalo ba para sa inyo pag mag nag-aaway na banda sa either backstage o bar? Sus, parang yan lang eh. May nakita na nga ko na nag-walk out sa banda matapos ang matinding away dati. Pucha naman (at 'wag na rin kayo magdi-DM dahil wala rin mapapala yang pagka-chismoso niyo, no).
It doesn't matter kung parang tunog marketing ploy to para sa susunod na yugto ng buhay nila o ano pa (dahil malabo yun either way). Tapos na reunion phase nila. Besides, kung fan ka talaga ng Eraserheads noong dekada '90 (something na hindi ako ganun), mas alam niyo na rin dapat ang mga nangyayari sa grupo nila kahit hindi pa panahon ng Yahoo! Groups, Pinoy Exchange, at Friendster. Hello!
Ang dadali kasi maging mema sa internet. Anuman na pwede mong sabihin ay madaling ma-take out of the context at mamaya niyan. Lalo na yung mga tamad makinig ng podcast at palaasa sa mga nakikita sa Facebook at madaling mauto sa mga nababasa sa mga mala-clickbait na headline, samahan pa ng mga namimis-quote o kulang sa quote na ginagawa ng ilang mga kolumnista't manunulat. Kaya tayo nababansagan kung minsan eh, ha?
Pero hoy, 2021 na. Sa ilang buwan ay makakaalpas na tayo sa jeskeng pandemya na 'to. Kaya magbago naman kayo, mga amputa.
Author: slickmaster | © 2021 The SlickMaster's Files
Hahaha!
ReplyDeleteEraserheads is an iconic band, Ely Buendia is a music genius. But beyond music balato na dapat yun kung Sino sila sa stage. Hindi rin naman makikilala Ang mga Gaya Nila kundi sa music. Ewan, parang same as actor... Ano naman kung halimbawa di naliligo, iba preference, o Hindi palakibo. Eh nanood lang naman movie nya na magaling Ang acting nya. As if it's economy and society level na...
To be honest sa masugid na mambabasa ng slickmastersfiles
Maraming artists na naturally weird and imperfect (Gaya ng lahat). Kanya-kanya type and level lang yan.