Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

02 July 2021

Alaala ni PNoy

06/27/2021 01:54:43 PM

Former Pres. Benigno Simeon Aquino IIII. (Photo credits: Britannica)

Ika-3 ng Hunyo 2010. Isang maulan na Miyerkules ng umaga sa kalakhang Maynila. Halos walang tao sa mga tao bandang Balic-Balic at kanto ng Mendiola-Recto-Legarda. Nakatambay sa dormitoryo ng mga kaklase-slash-bakarkada-slash-kasama sa thesis. Habang nagpa-plano para sa mga gagawin sa thesis at tumo-toma ng Emperador, isang balita ang umarangkada sa national media at sa pausbong pa lang na social media — ang panibagong Aquino sa trono o ang may titulo bilang pinakamataas sa sibilyang opisyal o sa pangakalahatan na estado ng Pinas.

Sa pagbaba ng Gloria Macapagal-Arroyo sa puwesto matapos ang siyam na taon na binalot ng samu't saring kontrobersiya (karamihan ay katiwalian), umusbong ang isang pinuno na hinalal ng madla dala ng simpatiya at pagkabagot — at gayun din ng mga taong sabik, uhaw, at atat na sa pagbabago. Aba, halos isang dekada ba naman nakaupo ang ate mong kinakantiyawan ng labandera eh. 

At para sa isang emosyonal na nasyon gaya ng Pilipinas? Mukhang stratehiya na yata sa politika yan na parang yan din nagdidkta din ng sa kung anuman ang pangkalahatan na gusto natin pagdating sa musika, pelikula at mga palatuntunan sa radyo at telebisyon. Kung maalala, isang batikang politiko mula sa hanay ng Liberal Party ang nakatakda dapat na tumakbo — isang Mar Roxas na kasing-cool pa ang imahe, katapat ang mga gaya ni Gibo Teodoro (ok sana tong isang 'to, kaso dahil nas atiket ng administrasyon, wala, ligwak ka na talag sa karera, no), Dick Gordon (yungpanahon na hindi pa iniisip ng taong ikampanya ang #IpasokSiDick at naging ending ay nag-host na lamang ng programa sa AksyonTV), Manny Villar (dahil sa malamang, yung ad n'ya na sa sobrang lakas ng hatak, hindi tayo aware na mga poverty porn na pelikula).

Pero maalala na matinding shift ng drama ang naganap mula noong namatay ang ermat ni Noynoy na si Cory. Ika nga sa mga programa na may kinalaman sa love traingle, may nagparaya o may nagbigay-daan. And the rest is, malamang, history; dahil nahalal si PNoy sa kauna-unahang national automated election. 

Sa taon na umusbong ang album ni Katy Perry, na naglipana sa YouTube ang maraming 'cover artist', na nagreformat ang channel 9 at napunta sa Studio 23 ang pagcover ng PBA at NBA, at obviously ang tuloy-tuloy na paglipat ng tao mula Friendster papuntang Facebook at Twitter, malamang, wala pang gaano pake ang mga Pinoy sa mas malawakang diskurso sa pulitika — maliban na lamang kung nasa network mo ang ilang mga nasa alta at maalam. Pero aminin man natin o hindi, as much as hinihimok natin ang lahat na makisakay sa pagbibigay ng kuro-kuro, umabot naman ito sa sukdulang wala sa ayos sa loob lamang ng iilang taon.

So, sa kauna-unahang pagkakataon mula noong 1998 ay nasa pamunuan tayo ng isang pangulo sa loob ng isang kumpletong termino — walang labis at walang kulang sa anim na taon para kay Benigno Smeon Aquiono III. Hindi man kasing-kulay ng mga nakaraan administrasyon, at lalong hindi rin kaperpe-perpekto ang mga naganap, pero may iniwan pa rin na magagagnda at meron ding hindi kaaya-aya. Balanse ba ang dating? Maari. 

Mula sa pag-usbong ng ekonomiya, matindihang pag-crackdown sa mga korap sa pamahalaan, pagligtas ng isang buhay sa death row, at magpirma ng mga kontrobersyal batas sa kabila ng samu't saring batikos mula sa ilang sektor; hanggang sa mga masasalimuot na pangyyari gaya ng nangyari sa SAF44, ang aftermath ng bagyong Yolanda (o Haiyan bilang international na pangalan), kaliwa't kanang panunumbat sa nakalipas, at kasama yung mga kahit hindi niya direktang saklaw gaya ng problema sa MRT, ang pag-expose ng voter's data bago ang May 2016 elections, at yung hostage drama sa Maynila na nagpakit ang kapalpakan ng parehong kapulisan at media; lahat yan nangyari sa panahon niya. 

Maaring makulay dahil sa ay pagka-'dull' ang dating ng ledaership niya, pero typical pa rin. Marami pa rin naman naipasang batas, nagawang proyekto, kaliwa't kanang balita mula sa pagkagusto ng tao at ang pagkadismaya sa kanya. I-reserarch niyo na lang, tutal nasa pandemic pa rin naman tayo kaya matuto naman kayong hindi maging spoon-fed, pota. 

Pero bagama't may kulay man, Anong bago dun? Siguro dahil sa kabuuan ay maging siklo ang lahat. Vicious cycle ba, bagamat ang pangakalatahng rating sa kanya ay positibo kahit papaano hindi gaya nung sinundan niya. Kahit papano ay satisfied daw ba. For a while, mukhang siyang cool na tito dahil madalas siya nagsasalita ng Tagalog sa mga talumpati niya at may mga panahon rin naman sa sobrang pormal niya na Ingles. Mas sinusubukan niyang magparating ng mensahe sa mga nasa ibaba kahit minsan ay mukha pa rin siyang untouchable na boomer.

At yun nga lang, sa kabila ng kanyang paninisi sa Arroyo administration at pati na rin sa pagkastigo niya kay Kabayan Noli De Castro sa ika-25 annibersaryo ng TV Patrol nun, siya mismo ay may mga panalong soudbyte at mangilan-ngilang beses na hindi nagbibigay ng paumanhin — bagay na parehong tama at mali base sa timbangan ng mga dahilan at anumang dinadala ng inyong mga perspektibong may halong bias (aminin man natin o hindi, lahat tayo ay may kanya-kanyang ganyan).

Biyrnes ng tanghali, ika-30 ng Enero, taong 2016. Habang naging tambay na muna ng bahay dala ng matinding burnout at pag-alis sa buhay-empleyado ay naging pinakamalaking balita ang pag-sumpa ng ika-16 na presidente ng Pilipinas na nanalo din via landslide. Sa isa sa mga lopsided sa pampanguluhan (at ang pinaka-tight race naman sa vice presidential) isang populist na tinaguriang The Punisher noon mula sa kanyang ilang dekadang panunungkulan sa lungsod ng Davao ang humalili at tinaguriang unang Mindanawon na naging pangulo ng Republika ng Pilipinas. Masasabi rin na ang matinding bukambibig ng parehong madla, media, at ultoimo ang kanyang mga katunggali sa karera sa loob ng tatlong taon ay nagbunga.

Sa loob ng anim na taon, iniwan ni PNoy na malakas ang economic standing natin at bilang isa sa mga bansa na nanalo laban sa mala-Goliath na bully na gaya ng China. Bagamat sa ngayon ay marami rin namang naipapatayong mga proyekto para madevelop ang ibang mga lugar at sektor ng lipunan (at bagamat disputable ang karamihan sa mga groundbreaking ceremony nito ay naganap pa noong mga nakaraang administrasyon), ang kasalukuyang pamahalaan ay pinuputakte rin ng mas maraming kontrobersiya, mula sa kanyang kaliwa't kanang pagbubunganga, pagpaglibing ng dating diktador, ang ilang kasablayan sa pag-responde sa COVID-19, pagpasara ng isang TV network, at iba pa.

Ang mas mahirap pa dun ay ang minsang nagkaisang bansa ay nagkawatak-watak dala ng mga taong  umaasal sanggano sa ngalan ng pulitika at gayun din ang mga relasyong nasira dala ng kaparehong kadahilanan. Basta pulitika ang ipairal, sira talaga ang sistema, ano?

Noong nakaraang Huwebes (Hunyo 25, 2021), dakong alas-6:30 ng umaga, namatay ang ika-15 pangulo ng Pilipinas. Renal disease secondary to diabetes ang may-sala, bagamat may mga haka-haka rin bago ang opisyal na deklarasyon—at isa pa dun mala-bobo pang sinabi. Sa una, mapapatanong na sinong magtataka na halos limang taon lang mula noong umalis siya sa puwesto ay sumakabilang-buhay na siya? Pero sa nakalipas na dalawang taon rin kasi, napapaulat na hindi na maganda ang kalagayan ng dating presidente. Bihira na lang din marinig ang pangalan niya dahil talaga namang umiwas na siya sa spotlight kahit na may hinarap din siyang mga reklamo noong 2018.

Ang pagputok ng balita noong umaga na yun ang gumalantang at umani ng samu't saring reaksyon. Pero gaya ng kanyang ina na pumanaw noong 2009 dahil sa colon cancer, tumanggi ang pamilya Aquino sa alok na state funeral, bagay na huling iginawad sa erpat ni Ate Glo na si Diosdado Macapagal noong 1997. 

Dalawang araw ang lumipas, at sa mabilisang biyahe mula Ateneo sa Katipunan hanggang Manila Memorial Park sa Sucat, ay agad din inilibing sa huling hantungan ang abo ng dating PNoy. Bagamat may media coverage sa pamumuno ng RTVM, mala-pribado ang seremonya at konting tao lamang ang nakasama. Downsized din ang numero ng military convoy dala ng nasa pandemya pa rin tayo. Tila malaking pagkakaiba mula noong namayapa ang kanyang mga magulang na parehong inabot ng magdamag at milyon-milyong tao na nakidalamhati.

Hindi perpekto ang pamamahala ni Noynoy Aquino. Given na yun. Pero sino nga ba ang perpektong presidente natin, sa totoo lang? Magsaysay? Pero halos pitong dekada na, naka-stuck pa rin tayo sa standard na yun? Wala rin namang masama dun. 

Pero may perpektong pangulo ba? Lalong hindi naman sagot dun yung sinsasabi nating “best in the solar system.”

At sa paglipas ng mga araw at ng panahon ng pakikidalamhati, malamang ay walang rin hindi makalilimot sa dating pangulo sa anuman at alinmang dahilan. Mula sa panalong soundbyte ba? Sa ilang beses na pag-ubo? Ilang beses na pamumutakte kay Gloria? Sa mga legasiya niya sa ekonomiya, politka, at diplomasiya? Sa mga panahon na sana ay sinisingil siya ng taumbayan dala ng kanyang kasablayan sa 'command responsibility' gaya ng SAF44 at Yolanda? Sa ilang beses na tila hindi siya marunong mag-sorry at bagkus ay hindi siya nagpaoakita ng emosyon sa madla? Sa ilang beses na kanyang pagpuna din sa media (bagamat hindi siya umabot sa pagpapasara o anumang pang-harass)? Sa hindi niya pagpapasagsa sa tren? Sa ilang beses na naumnsyaming lovelife? Sa kanyang dry humor na bagamat mas higit na okay kesa dun sa 'Bisaya humor (daw)' ay may pagak-baloney pa rin?

Maraming pagpipilian dala ng kanya-kanyang pananaw at kung paaano natin titimbangin ang mga bagay-bagay.  Siya ba ang huling 'disente' at Dilawan na pangulo ng bansa? Interesting kung paano ang magiging takbo ng drama sa mga sususnod na buwan habang papalapit na ang 2022 National Elections.

Pero sa ngayon, ok na yung purihin siya sa mga mabuting nagawa at punahin ang mga naging pagkukulang sa parehong pagkakataon, pero para matuto naman tyao bilang isang bansa, ano?

P.S.
Nagtataka din ako bakit ko isinulat ang mga ito. Dapat noong 2016 pa lang ay may isinula na ko na gaya nito (except siyempre dun sa part ng kamatayna). Siguro dahil unang beses ko ata naging mapagmasid sa mga bagay-bagay sa eksena ng politka sa atin kahit sa hindi ako malalim tumingin sa mga ito? Sabagay, pagdating naman ng 2022 o kung kailanman, baka makapaglahad din tayo sa mga nagawa at pangkalahatang epekto ni Duterte sa bansa. 

Pero tignan natin. Basta, makilahok kayo sa sususnod na eleksyon.

Author: slickmaster | © 2021 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!