01/12/2022 01:21:27 PM
Wala nang mas nakakairita pa kesa sa dalawang salita na 'to na halatang nagpapakita ng pagkainggit.
Weh. “Sana all” talaga?
Oo, sana all. Mga pa-konyo para sabihin na nawa'y lahat, sana lahat, o hope all. Mga sinasabi din ng mga masyadong pa-cool na tao.
Okay sana nung una eh. Nasa parehong wavelength ng “emergerd!!!” kasi sa totoo lang, ang konyo pakinggan. Kaso lumala din gaya ng ilang mga pautot ng mga nagdaang taon. The more na sinasabi, the more na mas nakaririndi siyang marinig. Parang sikat na kanta na kalaunan ay makakaumay at tila sirang plaka.
Nakakairita na sa tenga. Ang sakit sa bangs pag binasa. Kahit sa sobrang hit pa nyan, ay maliban sa naging catchphrase ay may pelikula pa na ganyan ang pamagat (O teka, doon ba galing yun? Wala na kong pakialam).
Sana All talaga? Tapos ang bibira pa nyan ay yung mga 'mapalad'—mga taong sineswerte?
Parang hindi siya nakakainsulto, no?
Lalo na kung ikaw naman ay minsan lang maka-jackpot o manalo sa raffle? Tapos may mga pasimpleng inggitero sa social media na magkukumento nyan sa'yo, lalo na kung sila tong payabang na pagpopost sa social media mula token, Christmas Gfit, ayuda ng gobyerno, Birthday Cake, at kung anu-ano pang perk na kung tutuusin ay baka binigay lang sa kanila in a silver platter kesa sa'yo na pinaghirapan talaga.
Oo, alam ko. Sana lahat talaga tayo ay nabibiyayaan at palagiang nakakaiskor ng goodies o nakakakuha ng mga lucky break sa mga kanya-kanya nating buhay. Pero hindi niyo kailangan ipangalandakan pa na parang halata namang naiinggit kayo o kung anumang dahilan. Pucha naman. Kulang na lang ay mang-gaslight kayo at umandar yang pagiging narcissist niyo, e no?
At anong Sana all? Sana all niyo mga mukha niyo!
Author: slickmaster | © 2022 The SlickMaster's Files
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!