01/06/2022 01:26:02 PM
Okay na sana eh. Medyo nakakabawi na tayo. Maliban sa pagbaba ng kaso, nagkakaroon na ng sense ng normalcy sa kapaligiran, bagamat may pagka-konting discrepancy sa pagreport ng mga araw-araw na kaso ng COVID-19 dahil sa late or non-operational yung iba. Pero okay na rin sana eh...
Kaso biglang may nagpaka-Thyroid Mary nitong nakaraang taon sa Makati. Aray naman. Dahil sa jeskeng pag-disregard sa mandato na quarantine protocol na inatas ng mga ahensya ng pamahalaan. Mula LA, lumipad pa-Pinas. Lumanding sa Clark, dumeretso sa quarantine facitility, pero umalis. Nag-party pa nga sa mga bar sa malapit na Poblacion pagkalayas ng isang hotel. Hinatid-sundo pa ng magulang.
Ang lakas ng loob ah, lalo na noong bumalik ang RT-PCR test niya, positive pala siya sa Corona Virus na yan.
Aba'y bastusan ha?
Ayun, halos karamihan sa mga nakasalamuha ni ateng ay nagkasakit. Naharap din sa habla ang Berjaya dahil sa breach of protocol, pati ang mga kunsintidor na magulang. Ang masama pa talaga nito, naging masama ang epekto sa pangakalahatan. Sa malamang, maraming nakansela na lakad sa Pob o Pobla (depende kung gaano ka kaarte tumawag sa Poblacion). Kung may bukas man na establisyamento, kailangan nila lalo maghigpit. Yung isa nga dun ay sa pamamagitan ng pagtest sa lahat ng mga patron o bisita na pupunta doon—ke fully vaxxed ka man o antivaxxer—para lang makaiwas sa jeskeng virus na yan.
Bwakanangina, ang sakit, no?
Napadeklara tuloy bigla na balik sa mas medyo mahigpit na quarantine community status ang Metro Manila at pati ibang mga negosoyo sa ibang lugar y napilitan magsara. Gayun din ang lalong paghigpit sa turismo sa ibang lugar gaya ng Baguio.
Bagama't sinasabi rin naman noong Disyembre na posible pa rin tumaas ang bilang na magkakaroon ng COVID dahil nga sa nagluwag at ayaw rin naman ng pamahalaan na maging party pooper nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon, eh mukha tuloy na naging scapegoat ang lola mo na si Gwyneth.
Pero teka, scapegoat nga ba? Eh noong simula pa lang na magkaroon ng lockdown sa atin ay may isang Senador na pinutakte dahil sa similar na violation, gayundin ang isang dating hepe ng kapulisan dahil sa kanyang maƱanita?
Ah, so porket may titulo at nasa katungkulan ay tila exempted na sila, o dili kaya'y madi-dismiss na lang ang mga reklamo dahil sa kakulangan diumano ng ebidensya at kung ano pa man ang dahilan? Sa teknikalidad siguro. Eto rin hirap sa trial by publicity eh.
Pero masisisi mo ba ang karamihan sa atin na tila nagngingitngit na sa galit sa bruhildang yan, sa kahit anumang dahilan na maari niyang sabihin sa media? Bottomline is nag-pasaway siya at inamin naman niya yun, at nagyabang pa nga eh dahil siya ay may “kuh-nek-shuns.”
Dapat lang na umamin siya, ano? Tangina, ang dami niyang naperwisyo.
Ibang klase talaga ang nepotismo. Hayop! Kaya nga sabi ng ilan, ay dapat rin naman madamay sa asunto alinsunod sa paglabag sa RA No. 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act. Imagine mo kung ang babaitang yan at ang 15 tao na nahawahan sa tila 'superspreader' party na yun ay makukulong (mula isa hanggang anim na buwan) o magmumulta (mula bente mil hanggang tumataginting na singkwenta mil) dahil lang sa reklamo na yan.
What more pa ang possibleng paglabag sa Artikulo 151 ng Revised Penal Code na may saklawa sa tahasang di pagsunod sa kinauukulan?
Dapat nga na ideklara na persona non grata yan eh (pero hindi ata gagawin yan ng pamahalaan ng Makati). Pero maliban dun, siguro hanggang doon na lang ang maari nating isumpa sa kanya. For sure, sa araw-araw na trending siya, ilang “tangina mo, Poblacion Girl” na rin ang natatanggap nya kada minuto. Tangina, panigurado, off-the-grid na rin siya sa paggamit ng social media kasi in one way or another, sirang-sira ang pangalan niya. Araw-araw ka ba naman na nakakatikim ng malulutong na mura at masasakit na salita eh, mula sa mga ordinaryong mamayan at sa mga batikang personalidad, ke sa showbiz man o politika.
Oh well, mukhang hindi naman din masaya ang new year niya—gaya natin na parang halos back to square one. Buti na lang, marami naman na ang bakunado, pero still. Tangina niya pa rin.
Author: slickmaster | © 2022 The SlickMaster's Files
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!