14 February 2023

Valentine's Day Na! Eh Ano Ngayon? (v. 2023)

02/14/2023 12:20:52 PM

Teka lang, akala ko ba tinigil na natin ang pagsusulat tungkol dito? Last year, ni-retire na natin 'to ah. May internal memo ka pa na pinakita. Anyare, aber?

Akala ko din eh. Anong taon na kaya, at eto na naman tayo, ano po, sa pangdi-diss natin sa mga tao na pautot ang araw na 'to as if Pasko na naman ulit. Except na, again, today is still a wannabe holiday. 

As always, Martes na naman. Marami pa rin sigurong hung up sa kakatapos lang na SuperBowl, ke nanood ka ng aktwal na laro sa pagitan ng Philadelphia Eagles at Kansas City Chiefs o andun ka lang para panoorin si preggy na Rihanna sa halftime show. Marami din siguro yung nakatutok sa Monday Night RAW ngayon at naastigan sa promo nila Cody Rhodes at Sami Zayn. At siguro marami din ang medyo naiinip na kaka-abang sa darating na NBA All Star Weekend. Not to mention, simula na nga ulit pala ng UP Fair mamaya, ano, na as in nasa Sunken Garden na ulit sila for the first time since 2020? Astig.

Ay, wait, Valentine's day din pala? Pucha, big deal na naman 'to after like two years? Oo, St. Valentine's Day eh, patron ng mga umiibig at nanliligaw. Araw na mga Puso, ika nga. Mas popular nga lang siya, kasi hindi nga natin alam kung may nag-eexist nga ba na araw ng mga utak, atay, balun-balunan, at ultimo sex organ (o baka hindi lang natin alam).

Kaya nga hindi kataka-taka na a few days ago, sa malamang ay eto na naman karamihan sa inyo na desperado magkaroon ng date, lalo na kung malaman mo na single pala ulit siya.


O Diyos ko naman, kung wala namang nagmamahal sa'yo, kawawa ka naman... ultimo sarili mo, hindi mo mahal? Besides, sino ba nagsabi na sa romansa lang ang pag-ibig? Hindi ko ba pwede i-date mga tropa mo na single din (na walang halong malisya), at pati na rin mga kapamilya mo? 

Ayan kasi, ang hihilig niyo makiuso eh.

Pero ano naman na kung Valentine's Day ngayon? Parang 'expect the expected' naman tayo as always eh. Kaliwa't kanan na naman ata yung nagbebenta ng rosas at tsokolate. Fully-booked na naman mga shala na lugar gaya ng restoran, hotel, at ultimo mga bar dahil mga espesyal na gig syempre.  Hell, baka nga mamaya, ubusan na naman ng mga contraceptive sa mga botika at convenience store nito – at ultimo ang mga gayuma sa Quiapo. Maliban sa mga yun? Of course, kanya-kanyang promo, mula resto, bar, cinema, motel, at ultimo mga TNVS. Ibang klase!

Obviously, ma-trapik na naman sa Kamaynilaan na madalas mong nakikita pag payday Friday – este, araw-araw at gabi-gabi nga pala yun. Kaya hindi na kataka-taka kung may mga LGU ata na nagbigay na ng traffic advisory.




Aba, anak ng pucha, ang sa lagay ba ay kami pang mga single, dateless, workaholic, at mga trip lang na gumala mag-isa ang mag-aaadjust na naman dahil sa mga pautot ng mga mag-jowa na araw-araw naman talagang naglalambingan pero feeling nila eto yung pinaka-honeymoon nila? In the great words ng mga batang musikero na kakakilala ko lang recently, “TANGINANG BUHAY 'TO OH.”

Lakas maka-basag-trip, e no, samantalang technically nasa normalan na ulit buhay natin. Oo, bakubado naman nakaramihan sa atin laban sa COVID-19, buhay na ulit ang events scene since summer last year. Kaya parang, live and let live na lang. Mas okay na 'to kesa naman nakastuck na naman tayo sa bahay dahil kesyo lockdown.

Kaya ano naman ngayon kahit Valentine's Day? Eh di Happy Valentine's Day.

Ay, may sarcasm ba? Buti naman na-gets mo.

Author: slickmaster | © 2023 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.