07/18/2023 01:36:36 PM
Akalain mo, sa halos isang dekada mula nung sinulat natin ang Malanding Fanboy Problems, mukhang may na-miss out pa ata tayo ah.
Oo, may nakalimutan tayong ilagay. Pero masyado nang paso pag idagdag natin ang mga 'to sa post natin noong 2013. Well, tutal napapanahon rin naman dahil sa: una, may umatake na wrestling fan kay Don Callis sa Mexico; at pangalawa, yung viral video na tila pagsita ni Lea Salonga sa isang lupon ng mga taong gusto magpapiktyur sa kanya pero nagtangka na pumasok sa dressing room ng batikan na aktres; at may pangatlo pa pala – yung pagiging Peenoise ng iba sa laro ni Kai Sotto sa NBA Summer League bilang parte ng Orlando Magic
Sa mundo ng wrestling o sports entertainment, isang sagradong lugar ang wrestling ring at ang entrance ramp. Ilang tao na siguro ang nagtangkang sumugod dun tapos ang ending ay either na-echapwera lang sila ng security team ng arena at ng promotion – o ang pinakamalala, ang mga wrestler mismo ang nakipag-salpukan na sa kanila. Natural, combat port pa rin yun kahit scripted. Hindi mo alam kung may dala ba ang mga ungas na bigla na lang eepal sa promo niyo o sa pagtatanghal ng mismong match eh.
Pero pag kamalas-malasan lang naman, sa labas pa ng arena pa nangyayari. Yikes! Iba talaga nagagawa ng mga kontrabida, e no? Kahit trabaho lang ang ginawa nila, may mga malalandi – este, siraulo – na fanboy na magpapadala na lang sa bugso ng emosyon nila. Tsk, tsk.
Doon naman tayo sa mas pasikat na grupo ng mga (wait, allowed pa ba tayo na sabihin yung term na yun? Baka magsi-alburoto yung iba kahit hindi sila affected eh) … ah basta, mga malalanding fan din na basta-basta na lang dumayo sa dressing room at gumamit pa ng pangalan ng isang sikat.
Lea Salonga (Photo credits: PhilStar LIFE) |
I'll say tama lang ang ginawa ni Lea. In fact, napakabait pa nga ng tono niya eh. Wag niyo nga lang tapusin yung bidyo kasi mauurat lang kayo sa mga maririnig niyo, Diyos ko!
Ang nakalulungkot sa mga ganito ay sobrang umaandar ang pagiging entitled ng mga Pinoy, bagay na hindi na bago. Pero tangina naman, 2023 na, ganyan pa rin kayo – tapos sa ibang lugar o lupain pa gaya Broadway, New York kung saan tinanghal ang Here Lies Love? Kakapal naman ata ng mga pagmumukha niyo, no? Sabay pa-good shot – este, kiss ass – nung napagalitan kahit na nasa caption ay rabid Sharonian daw. Oh, please, ayokong umastang gatekeeper pero una at huli sa lahat, hindi kayo tunay na fan kung ganito ang caption niyo, mahiya naman kayo sa mga balat niyo baka dahil ultimo ibang kahanay niyo ay sinusuka na kayo.
At 'wag na 'wag niyo kong hihirit-hiritan nang “Ano ba naman yung isang saglit lang na magpapiktyur si madam Lea sa mga 'fans' na yun?” dahil again, walang matinong fan ang basta-basta na lang pupunta sa isang pribado (at sagradong) lugar ng mga performer gaya ng dressing room na akala mo ay nasa sugod-bahay sila ng dating Eat Bulaga. Ay, hindi niyo alam yun? Hindi niyo kasi kailangan aralin ang mga pormal na etiketa sa teatro o pagtatanghal. In fact, basic na nga yung dapat alam mo kung ao ang dapat mong lugar sa hindi eh. Kung off-limits, eh 'di off-limits, ganon kasimple! Kung gusto may meet and greet ka na espesyal? Bayad kang ticket na may VIP at meet and greet privilege. Ay wait, mga buraot nga pala kasi kayo, ano, na kesyo babaratin nyo yung presyo ng ticket tapos aasahan niyo na mala-VIP treatement sa inyo? Asa, mga gurl at boy.
Kai Sotto. (Photo credits: Garrett Ellwood/NBAE via Getty Images/AFP; Obtained via Manila Times) |
But wait, there's more. Of course, dahil Pinoy Pride pa rin naman tyao kahit na madalas ay scoreless si Kai Sotto. Hahaha! Wala kasing macontent nang matino yung mga naging sports vlogger dyan kahit hindi naman sila marurunong mag-dribol. Baka yung iba dyan, namutakte lang either kay Kai o sa coash ng Orlando Magic.
Una sa lahat, bawat liga at bawat lugar, magkakaiba ang playing style. Kung magaling ka magbasa ng play at feeling mo mas matalino ka kesa sa coach nila na si Dylan Murphy, aba, e di ikaw mag-coach. Ay wait, baka nga ultimo liga sa barangay, umandar lang ang pagiging bano mo.
Pangalawa, hindi porket bangko ay bano na. Minsan nga, nasa kanila pa nakasalalay ang kritikal na strathiya sa gameplay. At kahit sa limitadong oras nila, expected na makakapagdeliver sila. Pero 'wag niyo ring tatawaging secret weapon mina yung sentro natin. Ano siya, si Sakuragi?
At magpakaprangka tayo, kahit si Kai ang nag-iisang natural na sentro dun sa roster ng team nila sa 2k24 NBA Summer League, wala pa rin siyang bilang. Hayaan na lang natin maglaro yung bata keas i-pressure niyo yung mga team at siya mismo sa social media. Kawawa naman yung malaking mama oh, nasa-cyberbully in one way or another dahil sa kagunggungan niyo sa comment section.
Sabi nga ng tropa ko na manager ng mga banda pero tutok din sa sports, “Wala sa mga player at koponan ang problema sa basketball sa Pinas. Nasa fans mismo.” At alam mo, since time immemorial, tama yun.
Oo, ang puputangina ninyo eh. Mga hindi alam na may boundary din ang mga iniidilo niyo at tao din sila na gaya niyo.
Author: slickmaster | © 2023 The SlickMaster's Files
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!