21 December 2023

PAALALA SA MAGULANG NG MGA INAANAK

12/21/2023 03:48:47 PM

Iba na talaga ang panahon ngayon. Dati, pinagalitan natin yung mga tao na halos kalalagpas pa lang sa pagiging paslit ay demanding na materyalistik na sila. O minsan pa nga, gusto ay 'cash lang' ang matanggap na pamasko.

Hindi ko alam kung dahil ba matanda na ako (brooooo) o sadyang iba na talaga rin ang takbo ng utak ng mga tao. Pero sabagay, kung magsulat pa rin ako minsan ay parang nasa 2012 pa rin ako, ano?

Wala eh. Pasko na naman. Panahon na naman para umere mga kanta ni Jose Mari Chan. Panahon rin ng mga walang humpay (pero mas matindi) na trapik sa Kamaynilaan, samahan mo pa ng sandamukal na mga weekend holidat sale at kaliwa't kanan na Christmas Party (ika niyo nga, 'naol.'). Kaya ang hirap din lumagare kung blogger ka na uma-attend ng mga event o musikero ka na may dalawa o tatlong gig ka sa iisang gabi sa magkaka-ibang lugar.

Pero 'wag ka. Kung ang mga bata noon ay “gusto ko ng iPod, Ninong,” iba na ngayon kasi si kumare na ang mga nagme-message sa inyo. Ika nga nila Linus (Kayfabe Cafe) at Iwa Motors (Tanya Markova), “BAKA NAMAN.”

Photo credit: Carbrazzer (Facebook)




Photo credit: Mommy MeLai (Facebook)


HA, HA, HA. IBANG KLASE TALAGA, ANO PO? May pa-GCash (o PayMaya pa nga ata) pang nalalaman ang mga gaga. Aba, kumbaga sa kanta ni JK, 'Nakakaputangina' nga naman talaga yan.

Tinatamad pa pumunta kasi kesyo matrapik daw. Okay, Newsflash: since time immemorial po matrapik sa Metro Manila at ultimo mga susunod na henerasyon natin ay mararanasan yan unless magkaroon ng matinding rapture sa planeta natin. 

Effort-effort din, mga Alpha Kapal Muks girls and boys. Aba, ni hindi mo nga ata kinumusta man lang ang friend mo na yan eh. Kala mo ba ATM kami at nagtatae ng pera from time to time? Hahaha! How I wish.

Eto lang siguro magandang tanong dyan eh, since magpaka-prangka tayo na kahit anong 'aral' pa ang isupalpal natin sa mga 'to ay hindi basta-basta mababasag ang mga nakagawian na persepsyon tungkol sa mga ninong at ninang: Sigurado ba na makararating sa mga inaanak mo yang pera na yan? Kumbaga, yan ba ay ilalagay mo sa alkansya o bank account niya? Yang aguinaldo ba na matatanggap n'ya (di umano) ay itatabi mo para sa kinabukasan niya?

O baka nangulimbat ka lang ng pera para may pambili ka ng laruan o pampa-salon mo o pang 123453465th honeymoon niyo kasama ang asawa mo?

Ayos mukha din, 'oy. Lumagpas na ata sa kapal 'yan, ano po? Pasimpleng tago pa ng motibo na dinaig pa ang Shopee at Lazada sa pag-budol kada buwan. Asal-stage mom/dad sa dami ng demand, pero ginawang pain lang pala ang anak para sa sariling luho na kaya namang gawan ng paraan ng kanilang 13th month pay, Christmas bonus o ultimo ang buwanang sahod.

Bwakananginang yan. Ilang araw na lang ay magte-2024 na pero asal-ungas pa rin ang mga wannabe mature na magulang, oo, ano po? 

Tapos manggi-guity trip pa kesyo marami daw pera sila ninong o ninang at sasabihing "Share Your Blessings." Diyos ko, 'day. Palamunin yarn? Parang hindi naman ata nila kasalanan kung nai-inggit ka dahil sila nagsumikap kahit papaano para lang mapaganda buhay nila habang ikaw naman ay puro 'sana all' at 'manifesting...' pero ni singko duling na effort, wala kang pinapalabas Pasimpleng manipulative din kayo, 'no? 

Ang masama pa lalo siguro ay dito pa nagiging hudyat ng pagtatapos ng friendship nila, ano po? Like tipoing solian ng kandila at Friendship Over levels dahil lang tinanggihan na bigyan ng pamasko?PAKABABAW AMPOTA. Hindi ata alam kung ano talaga ang tunay na pakahulugan ng mga ninong at ninang, ano po?

Sige, dial back tayo:  Hindi inimbento ang “godparents” – o sa ating wika ay “ninong” at “ninang” – para maging taga-provide ng anumang makamundong materyal na bagay. Take note ha, “godfather” at “godmother” sila, hindi mo sila “sugar mommy” o “sugar daddy” na may instant money from their pocket. 

O, 'di ka pa rin aware? Eh problema mo na 'yan. Oo, ikaw, yang reading comprehension skills mo, saka yang maturity levels mo. Galawang Stage Parents na gagamtiin ang friendship card kahit binabandera nya ang pagiging vocal laban sa nepotismo (at may gana ka pang mang-call out sa dating Twitter) amputa. Kaya hindi pa rin umuunlad ang Pilipinas eh. 

Author: slickmaster | © 2023 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.