Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

18 January 2024

Alaala Ni Mike Enriquez

01/17/2024 04:52:09 PM

Photo credits: GMA News

Okay. It's been close to three weeks as I write this series of essays, but I can only wonder: why only now? I guess it's because I now have the time needed since the past month and these past couple of weeks had been too busy for me to collate and compile all those thoughts that ran into my head for 2023.  

It is safe to say that after three years, the world is really back to its normalcy. In TV lingo, we call it “back to regular programming.” For what its worth, 2023 didn't just had a roller coaster ride – there's also a see-saw and a swing. It was a carousel-like experience. I'm just glad I still manage to get back into writing because after all, who still reads blogs today – at the era when reels and vlogs became the name of the game in content creation?

Well, never say never, as resilient people would tell; so that being said, here is just one of the pieces that contain my sentiments on whatever issue or event I have experienced during 2023.

Marami nang haka-haka nung hapon na yun. Pero tuluyang nakumpira nung gabi. Nagulantang ang lahat, hindi lang sa pamayanan ng GMA, kundi sa pangakalahatan ng media sa Pilipinas. Grabe, ang dami ko nang nabalitaan na namatay ng taon na 'to – lalo na nung buwan ng Agosto. Bakit hindi ka ba naman maululungkot nun, e nawala na nga sila Tina Turner, Bob Barker ilang buwan ang nakararaan, tapos noong Agosto ay magkasunod pang pumanaw sila Terry Funk at Bray Wyatt, at nung kalaunan ng taon naman ay sila Matthew Perry at Ronaldo Valdez, at marami pang iba.

Tapos, malaman na lang natin bago magwakas ang broadcast ng 24 Oras noong Martes na gabi na yun, ayun na nga. Ang batikang brodkaster na si Mike Enriquez, pumanaw noong araw na din na yun, Agosto 29, 2023. 

Grabe. Parang at the time maiisip mo na lang na yung mga pinapanood mo o pinapakinggan na inidolo mo rin at some point (o baka hate mo dahil lang di mo trip) ay nawawala na. As in ikaw ba naman na pag nasaktuhan mo na mapanood ang balitaan sa GMA noong mid-90s sa oras na alas-5:30 ng hapon eh magtataka ka lang kung sino tong matanda na 'to na todo ngiti pa sa kamera kahit medyo taliwas ang emosyon ng mga binabalita niya sa ere nun and not to mention, boses lata – ang naging staple o signature sound ng DZBB mula noong siya nama'y naging isa sa mga pinaka-ehekutibo ng radio division ng GMA.

For sure, marami din ang na-bad trip nung nag-reformat ang 97.1 at mula Campus Radio ay naging Barangay LS sa termino nya noong 2007. Well, call of business na rin kasi eh, kaya ganon.

At panigurado na marami rin ang naging samu't sari ang reaksyon mula sa mga banter nya na gaing either patawa o matinding patama sa politika at lipinan.

Ngunit kahit ano pa ang persepsyon ng bawat tao, hindi makakaila na ang boses niya sa radyo, ang tono ng pananalita nya sa paghahatid ng balita, at ang matitinding catchphrase niya sa telebisyon ay humubog sa landscape ng jornalismo at brodkasting media sa kasalukuyan. Hindi rin biro yung dedikasyon niya sa trabaho, kahit sa panahon na may-sakit pa siya. Nakakahanga para sa edad niya nun. Ikaw ba naman halos dalawang dekada mong hawakan ang 24 Oras eh, tapos ikaw din ang nag-anchor ng Saksi sa TV nang halos isang buong dekada. Idagdag mo pa yung Ibestigador na kahit nasagwaan na ko sa recent format niya ay isa pa rin siya sa mga naging matunog na pangalan sa laranagan ng investigative journalism at ang panimula sa umaga na Saksi Sa Dobol B na mula hayskul life ko hanggang sa mga nagdaang mga taon at dekada ay naabutan ko pag nakikinig ako ng AM radio.

Parang ang mga katagang Rest In Peace ay kulang para masabi kung gaano siya kahanga-hanga bagamat isa rin siya sa mga talagang nananampalataya talaga sa Simbahang Katolika. Rest In Power din siguro, kasi hindi biro ang halos limang dekada na serbisyo sa larangan ng pamamahayag, mula sa pagiging DJ Baby Mike hanggang sa Imbestigador Ng Bayan. Isang alamat na maituturing. 

Parang sa dinami-rami ng mga nangyari noong katapusan ng Agosto, ang maisasambit mo na lang ay, “Excuse me po!”

Author: slickmaster | © 2024 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!