Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

14 February 2024

Valentine's Day Na! E Ano Ngayon? (v. 2024)

02/14/2024 01:17:01 AM


It's 2024. Apat na taon na mula noong nagbago ang dekada at nung biglang nagshut down ang mundo dahil sa bwakananginang virus na yan na hindi lang kumitil ng buhay ng tao ay pati na rin ng mga relasyon at negosyo ng sansinukob. Balik na nga tayo sa normal talaga kahit noong 2022 pa eh. Kaya no wonder na kahit ayaw ko na dapat magsulat tungkol sa araw na ito for the 11th time... ay, ginawa ko na naman. Tangina kasi nitong mga tropa kong mala-budol kung mag-udyok eh.

Pero diyos ko naman, magpaka-prangka ba tayo: Ano naman ngayon kung Valentine's Day na? At lalo, ano namang bago kung sumapit na naman ang petsa na to? 

Eh mas malala lang naman ang traffic at lalong pahirapan ang byahe pauwi. Imagine mo na lang kung pupunta ka ng bar gig sa Sucat tapos ang ending mo ay no choice kayo kundi mag-Grab pauwi ng Norte dahil wala nang bus mula Alabang kahit hanggang pa-Makati man lang. Oo, kahit may Skyway extension pa yan, same banana, este, much worse banana pala.

Pero other than that, kahit ang dami nang nagsisulputan na mga resto at motel, eh fully booked pa rin yan panigurado, lalo na yung nasasarapan sa pansit bago magsitikiman ang mga malalandutay na nilalang dyan. 

Of course, lagi namang oorderan ng mga bulaklak yan e. Lalo na kung sa dangwa. Baka mamaya bago tanghali, out of stock na. Pero hindi na rin siguro ako magtataka kung out of stock mga condom sa drug store, no? 

Valentine's Day na naman ngayong 2024? So ano na? Ika nga ng tropa ko sa CD's Atbp., NUGAGAWEN? Lalo na kung hindi kayo makapunta sa resto, makacheck in sa hotel? 

Fishball na lang, friend, saka tungga ng Red Horse pero 'wag sa kalye ah kahit tahimik ang paligid ng saGuijo.

Or better yet, punta kayo ng gig ng mga trip niyong musikero. Pucha, kayo 'tong todo reklamo kung bakit puro sa music festival na lang sa Circuit, Enchanted Kingdom o sa kung saan na mall niyo nakikita mga idol niyong banda, samantalang hindi naman kayo nagpupunta ng bar gig nila. Nakngtokwa naman, yan ba ang tinatawag niyong 'support local'? Tangina niyo, gago, ipakita niyo wag lang sa salita ay bagkus kundi sa gawa! Ano ba naman ang 500 pesos na door charge plus 1-2K na food and drinks combo kesa sa 5-10K na order sa resto? Pucha, pakatotoo nga tayo dito, 'uy!

Eh paano kung wala na palang available na lamesa sa bistro na pinupuntahan mo? 'Oy, kung ako sayo, enjoy mo na lang ang music kahit nakatayo kayo pareho at sa bar naka-puwesto. Pucha, 'di mo lang alam, baka mas romantic pa yun kesa sa inaakala mo. Pustahan tayo, wink wink.

O kung gusto mo, gaming date kayo. Yun nga lang, 'wag kang cancer, baka naman kasi ginagamit mo yung oracle kahit hindi naman gaya ni Estes yung hero mo. Tangina, kung may mga nagmi-meet man na naging mag-jowa dahil sa mga gaya ng ML, panigurado na nag-aaway din ang mga couple na 'to dahil sa kabobohan ng isa sa kanila. LOLZ!

Pero ano naman kung February 14 na? Hindi lang naman Valentine's Day ang idinaraos ngayon ah. Kung Sarado Katoliko ka (tapos pareho kayong single? Nako, 'wag kayo muna mag-sex), Ash Wednesday din ngayon eh. So ang hirap naman nun kung may abo ka tapos gagawa kayo ng makamundong bagay, eh buti sana kung mag-asawa na kayo pareho. LOL. 

For sure, may mga tao pa rin na hindi maka-get over sa Super Bowl 58, regardless kung fan ka ng football ng Kano o sadyang pinagpantasyahan mo lang si Usher. Baka yan pa maging topic niyo para bonding sa date niyo. Hahaha! Baka sa Grammys din; saka lalo na kung gusto ng boyfriend na Cody Crybaby pala na ma-Finish The Story. Not to mention, isang siglo na pala si Manong Johnny. 

Aba, akalain mo yun. Parang yun dapat ang mas headline ngayong araw kesa sa Valentine's Day ah. Like oo, tangina, lagi ka namang sine-celebrate eh samantalang si tandang politiko, minsan lang maging 100 years old (na as in).

Pero higit sa lahat kasi, tangina niyong lahat: ang salitang 'pagmamahal' ay hindi lang pang-mag jowa, at kahit hindi man Valentine's Day mismo ay pwede pa ring maging espesyal. Mindset ba. Tangina niyo rin kasi eh, ang hihilig makiuso kahit hindi akma sa katauhan niyo, sa nararamdaman niyo at kahit sa katunayan ay fuck buddies lang talaga ang tingin niyo sa isa't isa. Saka kung hindi ka mahal ng crush mo kasi, baka yung may crush sa'yo. Ikaw kasi, choosy ka pa kahit hindi ka naman yummy in all aspects, diyos ko. Joke! 

Kidding aside: I've always said na kahit hindi Valentine's Day ay magmahalan na as in itrato every single day as precious o special. More than that, kung single ka, marami naman dyan nagmamahal pa rin sa'yo eh, kahit pilitin mong magpakabitter sa mundo (which I recommend against kasi tangina, dumaan na rin ako sa ganyan noon and hindi siya maganda in the long run). See what I mean? Tangina wala namang halos bago sa irarant ko tungkol sa araw na ito eh. I've been over it for so long, so, sa iilang tao (na mabibilang ko lang sa daliri ng isang kamay ko) na nag-clamor sa akin na gawan ng 2024 version ang “Valentine's Day Na! E Ano Ngayon?” tangina guys, get over it. The feeling is valid, of course, pero pucha, pare, we all can't be fucking bitter (no position intended) all the time. 

Wala eh, that's just the way it is. I hate the over-commercialization, too, but what matters the most about sa araw na ito is that kung makikipagdate ka man (ke wholesome yan or baka sex lang, kaso trip niyo pareho yan at wala akong karapatan husgahan), it has to be as real or genuine as you can. Besides, you all have other 365 days (kasi leap year tayo ngayong 2024) to show you love. Just do it, bruhs. 

Eh kungs single ka naman, okay lang yan, at least mahal mo sarili mo. Besides, may kamay ka naman, saka kwarto (o CR man lang) siguro, no?

So, again, in 2024, and for the 11th time, Valentine's Day na! E ano ngayon?

Live and let live, boys and girls. Peace out!

Author: slickmaster | © 2024 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!