03/21/2024 05:36:37 PM
Mukhang wala na tayong magagawa. Nasa panahon nga tayo kung saan ang hari ng kalsada ay hindi na mga jeepney.
Kundi mga nasa dalawang gulong. Minsan nga, tatlo pa eh. AT kung tutuusin, mula pa noong nakaraang dekada ay mas pansinin to. Naalala mo yung mga paglipana ng mga balita ng krimen na ang karaniwang sangkot ay mga riding-in-tandem? Kaya nga nauso lalo mga checkpoint sa gabi, di ba?
Pero kasi, mas matindi rin ngayon, hindi nga lang krimen ang usapan (mabuti na rin) at sa halip ay aksidente at hanapan ng butas. Parang nung nasa gitna pa tayo ng pandemya, alam mo yung nausp mga cheapanggang version ng motovlog na kung tutuusin ay parang naghahanap lang nga mga kapwa kamote sa kalsada at mga halos insidente ng road rage.
Nakow, dumayo ka lang ng Marilaque ay makakatia ka na nyan. O baka nga pag nakatiyempo ka lang sa highway eh. Minsan nga, bago ako tumawid ng BGC, may nakita ako na dalawang motor na parang kakagaling lang sa harurot, ayun nagkasagian sila nang slight. Sa kabutihang palad ay hindi naman natumba ang alinman sa kanilang dalawa, pero alam mong mag-aaway ang mga 'to sa gitna ng kalsada kasi kaka-red light lang sa intersection at knowing BGC? Lagpas isang minuto yan bago mag-go, 'pre.
Kung itatanong mo sa akin kung humantong ba ito sa either sapakan, bulyawan, o paramihan ng beses magkamot ng ulo (sa taas) at magtanong “nugagawen?” ay hindi ko na inalam, dahil mas mahalaga para sa akin ng mga oras na yun ang makarating sa opisina ng kasintahan ko dahil inaya ko siya magkita pero kumakaripas na rin ako maglakad kasi “Anong petsa na SlickMaster at nasa 32nd Street ka pa rin?” Sa madaling sabi, hindi na ko umastang usisero dahil marami pang problema sa mundo ang dapat atupagin kesa sa road rage ng mga kamote.
Pero tangina, pare, grabe yung isang aksidente sa Skyway na ang sangkot ay isang motorista na lasing umano. Mantakin mong umakyat sa Skyway kahit walang helmet at akmang kadamitan sa pagmomotor tapos humarurot pa at nagcounterflow. Medyo trigger warning yung nakuha sa dashcam ah. Lakas maka-GTA driving eh, parang yung nangyari noong isang buwan nung tumilapon naman ang dalawang rider ng motor sa underpass ng Quezon Avenue.
Nawa'y matagpuan nuila ang kapayapaan sa kabilang buhay pero pucha naman mga pare, 2024 na, hindi pa rin kayo marunong magmaneho nang matiwasay, na ang isasangalang-alang mo ay kapakanan ng iyong sarili at kapwa mo mananakay?
Tignan mo, yung namangga sa Skyway, na-dedz at siya ang aktwal na may mali sa insidente. Pero dahil may casualty daw ayon sa kapulisan, na-asunto pa yung nasa Innova na nagmamaneho lang nang maitwasay at kahit sinubukan nyang umiwas ay siya pa 'tong binangga? Nak ng tokwang lohika na yan, nag-eexist pa rin ang ganitong batas, ano? Parang kesyo ikaw yung bigger man, ikaw dapat may responsibilidad. SOP daw eh.
Bagamat buti naman na-clear sa piskalya yung driver na yun. Kawawa naman. O baka na-pressure sa madla kasi alam na nga natin kung sino ang may mali pero parang hindi ginamitan ng common sense ang legalidad nun, ano? Kalokohan yun, if ever, at kailangan may ayusin sa batas. Yun yung tinatawag nila na House Bill (HB) No. 10123 o ang proposed Philippine Responsible Driving and Accountability Act.
Saka kung usapang accountability lang naman, dapat ata ang kasuhan dun ay ang pumunuan ng Skyway. Akala ba natin ay bawal ang mag-counterflow at bawal lalo yung mga nagda-drive ng motor na ang makina ay mas mababa pa sa 400cc? Eh, 150cc yung lumusot e.
Nakupo. May mangilan-ngilan pa naman na lumulusot sa mga tollway dito sa Kalakhang Maynila. Samahan mo pa ng mga humaharurot sa mga kurbada sa Marcos Highway sa Tanay at mga abanger dun? No wonder na maraming content sila Visor at pati na rin yung mga wannabe content creator kahit na ang aktwal na gamit lang nila ay cheappanggang Mio (o anuman ang counterpart nyan sa ibang brand) tapos cellphone na gagawin nilang 'dashcam,' at either ieexpose ang mga kalokohan nila o maging abanger ng mga kabaro nila. Oo, mga kapwa kamote nila sa isang kamote republic gaya ng Mega Manila.
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!