Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Monday, June 10, 2024

PlayBack: Tanya Markova – Ang Mga Awitin Ng Normal Na Tao (album)

05/09/2024 11:38:54 AM


Mas masaya – at kung minsan talaga ay masakit na rin – pag may Tanya Markova.

Sa halos walong taon na sinubaybayan ko ang bandang ito, napatunayan nila na ang kakayahan nilang sumabay sa agos ng panahon sa laranagan ng pop music. Hindi naman obvious na iba-iba ang tunog ng mga kanta nila sa kada rekord na nagagawa nila, no, mula sa 'shock pop' era ng self-titled album nila hanggang sa mas synth pop na dominante na Mister Tililing... hanggang sa puro melodramatic at hugot na lyrics ng Mga Awitin Ng Normal Na Tao

Medyo ironic lang para sa isang banda na naka-cosplay palagi na payaso sa entablado, pero hayaan natin, dahil dyan lumalabas ang mga salamangka sa mga awitin na inakda at inareglo nila para sa madalang Tanyakis.

Aba, ang mga payasong ito, puro na rin mga seryosong labsong ang nagagawa? Well, patunay lamg siguro na kahit ang mga 'clown' sa mata mo ay alam nila na hindi ginagawang biro ang pag-ibig, lalo na sa musika.

Kung may isang bagay na nananatili sa istruktura ng album nila – yun ang mga panaka-nakang lagay ng humor nila sa mga filler track – ang elememnto na tila palaging makakapagtrato sa bawat album nila na tila isang palabas o konsyerto nila. So, para ka na ring nakapanood sa kanila nang live. Mas na-expose pa nga ang kapabilidad ng boses ng ibang miyembro gaya nila Iwa Motors at pagra-rap nila ni Mowmow at kahit si Isable Ole. 

Hindi biro ang magsulat ng kanta, pero nagawa ito ng ibang miyembro maliban pa sa mga karaniwang songwriter nila na si Iwa Motors, Robot Jaworski, Skrobak Iskopanjo at kahit ang dati nilang kasapi na si Norma Love. Mas nahubog ang grupo na 'ito in a way na mas maging malikhain pa sa kanilang mga gawa, bagay naman na nagresulta sa isang magandang a;bum kahit sabihin pa na inabot ng 6 o 7 taon bago nailimbag at idinaan sa puros mga single na awitin ang mga ito, lalo na noong kalagitnaan ng pandemya.   

Kudos sa Tanya Markova, dahil kahit masaya man sa live at matinding kirot sa paglapat, pinatunayan lang nila na kahit masingitan pa sila ng ibang banda, makikipagsabayan pa rin sila para magtanghal at magbigay-aliw sa mga lupon ng kanilang mga tagahanga. 

P.S. Sana may ilabas na physical copy ng album niyo soon. Panigurado (if not meron) maraming bibili n'yan. Pramis.

The Verdict: 9/10

The Fave Ones: Bituin, Selosnydrome, HulogIglap, Annie (Jeep Rap on Christmas Day Remix), Pipino



Author: slickmaster | © 2024 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!