05/09/2024 03:06:25 PM
Pauna: Isinulat ang piyesa na ito bago pa man nauso yung 4-point line ng PBA, which is... yeah, hindi ko alam kung game-changer nga ba o ridiculous move ng liga. Anyway....
Magsisingkwenta anyos na ang PBA next year. Pero ang magdang tanong, bilang fan ng isport na basketball at kahit ng liga mismo: Paano mo aayusin ang PBA?
For context, dahil baka akala ng mga ungas dito ay isang hamak na keyboard warrior lang ako: nanunood ako ng basketball mula pa noong tinedyer ako. Nanood ako minsan sa Araneta Coliseum ng mga live basketball game noong high school pa ko, ke PBA man yan o yung mga collegiate league. Not to mention, naging isa ako sa mga kandidato sa sports writing contest ng liga na yan noong nasa 3rd year college ako. Hindi man ako nanunood regularly mula noong 2010s (dahil life happens and everyone needs to get a life, including ako) ay panaka-naka ako tumitingin pa rin. Hell, huling beses nga ata na nakanood ako ay noong 2022 pa, pero ang tumal kahit na Manila Classico pa yun on a Sunday Night sa Big Dome. Anyway, mabalik lang...
Oo. Magkakalatahing siglo na sila pero mukhang sa hindi kabutihang palad ay pinukol sila ng tila kamalasan at kontrobersiya sa mga nakalipas na buwan at kahit taon. Ang masama nga lang dyan, ay ilang taon na rin matumal sa gate attendance ang halos lahat ng mga laro nila – maliban na lang siguro kung malalakihang mga event gaya ng Finals saka All-Star game. As in bago pa huminto ang mundo sa pandemya, medyo lumalamya na.
Lalo na siguro ngayon. Parang tila sa panahon na nagkaroon ng rebirth ang event scene which means mas kaya na ulit magkaroon ng sporting events at music festivals na dinudumog talaga ng tao, parang napag-iwanan ang PBA tungkol rito.
May mga sablay ba? Halatang meron. Kung gaano? Sa malamang ay marami. Like hello, 'di ka ba magtataka na ang basketball ang pinakasikat na sport sa Pilipinas and yet nauungusan na sila sa crowd attendance ng ibang sports at liga? No hate on them: ang sinasabi ko lang ay hindi na nakakasabay ang PBA talaga lately in terms na paramihin ang audience base. Parang that alone, speaks up kung gaano karami ang nagbibigay ng shit – este, kung gaano karami o kakaunti ang interesado – sa minsang naturingang liga ng bayan.
Hell, even yung semi-pro league na MPBL ay mas interesado na ang madla dun. Hindi ko na isasama sa argumento ang collegiate leagues na UAAP at NCAA, kasi for so long naman, mas consistent na may crowd dun kesa sa PBA sa mga nakalipas na tao at kahit dekada pa nga eh.
Maaring hindi na nga ganon kataasan ng presyo ng tickets para manood ng PBA pero bakit ang tumal pa rin? Mas marami pa yatang taon ang manunood sa isang average na gig sa saGuijo nyan kesa sa kanila (eh kaliit liit na lugar na yun kung ikukumpara mo sa 98 na nanood sa dating ULTRA).
Pang lumang tao na kasi mentalidad ng liga na to e, lalo na sa marketing. Tangina, ano ba akala ng mga 'to? Gagana pa rin ang stratehiya na ginagawa nila since time immemorial? Lahat nga ng bagay nag-aadjust e, including ang mga liga sa professional sports. Eto, ewan ko. Mukhang kailangan ng matinding reassessment kasi akala ba natin ay pang-masa ang PBA? Or at the very least, tinatry din gawan ng international treatment since may designated na English commentary? Pero at most kasi, nasa classes CDE pa rin ang mga fan nila. Parang hindi na ata magiging counted ang excuse na kesyo traffic o dahil may internet naman.
Speaking of which, parang mas okay din na mas accessible ang mga laro sa internet ngayon talaga na hindi kinakailangan na i-direkta sa isang specific na streaming service o app. Sure, may arghumento, para mapromote yung local version na mga streaming service natin, pero let's be fucking real here: ano at sinu-sino ba ang audience mo? Sigurado ka ba na willing sila manood sa Cignal Play na app, knowing na masa ang demographics mo at sa malamang ay gusto nila ng mas madaliang access sana sa panunood ng mga palabas na trip nila? Kaya di magtataka na yung mga Boy GCash a la FB Live dyan ang nagiging way nila kahit may super annoying na sound fx saka AI na voiceover sa kada shoutout sa mga nagdodonate eh. Kahit mukhang hindi legit, papatusin na nila.
Hindi ba obvious na tumatak ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), yung dating Metropolitan Basketball Association saka kahit yung ibang liga gaya ng dating National Basketball Conference (NBC) at Philippine Basketball League (PBL)? Kasi tatlo sa apat na liga na yan ay may home and away format, at walang kinalaman ang colonial mentality dahil kesyo nakikita sa ibang liga gaya ng NBA at Euroleague? Pero kasi kahit logistically challenging ang mag travel para magset ng basketball show, mas nanunood ng basketball ang mga nasa probinsya ngayon kesa sa always-busy na NCR. Mas ramdam ang diwa ng laro ba. Pucha, baka di na jko magtaka kung utlimo yung Super Liga version ng basketball dito sa atin ay maungusan pa ang PBA pagdating ng panahon.
Pero one thing's for sure na mas alam ng mga tao: walang parity sa liga dahil sa farm teams at lopsided trades. Hindi siya nakakatulong na mag-prosper ang liga e. Walang kumpeitsyon ba, which means wala rin gaanong excitement. Hindi siya dayaan to a legal extent, pero mukhang ganoon kasi parang ite-trade lang ang player na superstar mula sa isang independent franchise para maging superstar sa isa sa dalawang conglomorate ng mga koponan. Magiging superstar sa isang sister team tapos mapupunta sa isang super-team kapalit ang mga role player ng kupas o paos na ang standing sa team. Hell, baka magtaka ka nga dyan na kahit yung isa o ilang fan ng mga crowd-favorite team ay magsabi nyan na walang halong bias.
Siguro the only way para maresolba ang kwetsiyuanbleng integridad ng liga pagdating sa kumpetisyon ay ang pagkakaroon ng isang kumisyoner (o siguro isang tao na sa assigned sa pagtingin ng mga trade, at the very least) na kaya talagang magdesisyon na may otoridad at pagmamahal talaga sa asosasyon. Not saying na wala yan sa mga nakaupo sa kasalukuyan pero kailangan ata nila i-ehersisyo ang kapangyarihan nila sa naturang larangan.
Kung may mas marami pang kumpanya na interesado maging parte ng PBA kahit may direct competition sa alinman sa mga kasalukuyan na kasapi-koponan, parang mas okay din yun para sa business. Maaring maging win-win yun e, lalo na sa parehong brand kasi magutunggalian sila para sa spirit ng sport na 'to. Yun nga lang, siyempre, need din ng longevity, so dapat may plano pa rin.
May mga oportunidad din sana na binibigyan para sa mga manlalaro ng mga liga na may koneksyon sa PBA. Slam Dunk king nga ng NBA ay isang G-League Player e, samantalang dito porket naijure ang mga kalahok, ikakansela na? Sabagay, kojonti lang kasi sa numero ang mga dunker e (hindi lang sa PBA, kundi sa Pinas as a whole), pero kung may willing naman magpakitang-gilas? Sana pinagbigyan, di ba? Diyos ko, yung 3-point shootout naman ngayon ay practically mas applicable sa halos bawat manlalaro kasi kahit big man sa ibang pro league ay nagtetres na talaga (impluwensya ng mga European yan e).
Idadgdag mo pa 'to: yung height limit ng mga import. Porket nasyon tayo ng mga pandak – este, mga nasa 5-footer lang by average at sobrang dalang ng lagpas 6 ½ feet – ay tingin mo ba ay para hindi masapawan ang mga manalalro na pinalad maging matangkad? Hindi ba dapat, since nasa panahon tayo na sinusubukan nating lumevel up lalo sa international play, ay dapat mapagbigyan ang mga foreign guest player na halos nasa 7 feet na? Tangina, si Dwight Howard na nagsabing interesado sya maglaro sa PBA ha? Ayaw lang ng liga na to dahil sa jeskeng height limit na yan. Mga naturalized player na nga para sa RP Team – este, Gilas Pilipinas – ayaw din ata pagbigyan na maging kabilang ng roster talaga ng PBA e.
Labo. Parang tumatandang paurong tuloy ang datingan.
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!