12/13/2024 08:07:16 PM
For the longest time, okay lang naman kung hindi mo trip yung napanood mo o napakinggan mo, lalo na't nasa panahon tayo na mas may kalayaan tayo maghayag ng mga kuro-kuro o saloobin natin.
Pero sadyang lumalabis din kayong mga tao kayo, eh no?
Bagamat hindi na bago yung pagiging pala-pintas natin, mas tumindi nga lang 'to pag may sumisikat na mga tao na hindi natin trip. Oo, as in since time immemorial pa, at lalo na noong lahat na lang kahit nuknukan ng mga tanga at hilig mang-troll ay may account sa social media.
Is it normal ba na magkaroon ng dislike? Oo, pero yung may mala-hate campaign? Patingin ka na, 'tol. Baka kailangan mo na ng tulong.
Hell, kahit naman ako, masasabi ko na karamihan sa mga patok na banda o artist ngayon ay hindi ko rin mga trip – 'not my jam' ika nga. At siyempre, hindi ko na sila babanggitin kung sinu-sino sila dito; tangina niyo ring mga low-lifer na mahihilig gumawa ng isyu porket kain-tulog-tikol lang inaatupag niyo araw-araw, e no?
Sa taon na 'to? Parang napansin ko ata na pinuputakte yung mga batang sikat ngayon ang nasa-subject ng pangba-bash. Specifically, isa dun ay si Dionela porket may mga patok na kanta ngayon sa Spotify and even sa ibang platform ng social media like TikTok. And aminado ako, may mga piling kanta lang ang trip ko sa kanya and yung ilan sa latest niya ay something na madalang ko lang papakinggan kasi di ko naman ganon ka-trip.
Pero ayos lang yun. Hindi naman kailangan mambasag ng trip o gumawa ng “tanginang music yan” na post. Ano to, nasa 2010s pa ba tayo na porket di natin trip ang mga gaya ng NESE YE ENG LEHET? Besides, hindi rin naman ako ang audience ng mga kanta nya sa recording at hanga ako sa minsang mapanood ko siya nang live. I don't think necessary yung nakukuha niya na hatred sa mga pahina. Lalo na kung ang mga magrereact pa dyan ay mga wannabe songwriting expert pa na wala sa kahit katiting ang abilidad
Siguro nga, ika nga ng lumang kasabihan na nilagay pa sa isang kanta ng Brownman Revival nun, namamato (silang mga asal-talangka) pag ika'y “hitik sa bunga.” Eh nataon na nakayanan nyang gumawa ng kanta na sobrang hindi conventional ang panulat nya at kumonek nga naman sa madlang nakikinig sa kanya. May masama ba kung yun ang tingin sa ganong bagay? Wala sana. Pero may pagkakaiba kasi yung 'pagsasabi lang ng opinyon o kritisismo mo' dun sa mga salita na masasabi ng sinuman na "Tangina, hate speech na yang ginagawa mo eh." Ingat ka, baka 'di mo na namalayan andun ka na pala.
Kung artist ka siguro na hindi mo naaming naiinsecure ka sa craft niya, baka may kailangan kang gawin sa mga susunod mong awitin – na baka sakaling ma-level up pa ang kalidad ng gawa mo – sa halip na makiputakte pa sa social media na as if makakatulong yan sa publicity o presensya mo.
I mean gaya sa hindi mo trip na mga pangalan at palabas – lalo na pag nasa mainstream na sila – kung hindi mo prefer pakinggan, eh 'di wag mo na ilagay sa player mo, lalo na't kung naka-subscribe ka naman sa Spotify Premium, Apple Music, Tidal, o sa kung saang streaming platform na may kontrol ka naman sa mga patutugtugin mo. Unless na lang kung bukas ang kamalayan mong itry music nila pero still not an excuse.
Besides, the more you gonna hate on them, the more na mapapansin mo lang sila. Alam mo naman ang algorithm ng social media ngayon, para rin siyang isang patok na kanta ng New Wave noon. At least si Dionela, kahit sabihin mong two-hit wonder yan sa ngayon, kaya niya pang gumawa ng pangatlo at marami pa. Eh ikaw? Baka habang panahon ka na lang low-lifer dyan na digital creator kuno pero puro either shared post ang laman o 'original reel' kuno pero actually ay ninakaw mo lang sa ibang Facebook page – to which I say “Aba'y putangina ang kapal ata ng mukha ng putanginamo, ano po?”
Author: slickmaster | © 2024 The SlickMaster's Files
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!