Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

14 February 2025

Valentine's Day Na! E Ano Ngayon? (v. 2025)

02/14/2025 12:08:07 PM

Some old habits never really die, no?

Kahit mas okay ka na sa buhay mo bilang tao, mas okay na ang partner mo at may similar na pananaw rin siya tungkol sa araw na 'to, may isang gawain ka talaga na hindi maisasawata na para bang bisyo (at hindi yung dating slogan ng Love Radio ang tinutukoy ko dito).

Pero for the 2025th time kasi (at least in Anno Domini), Valentine's Day na naman ulit. Pista ng San Valentin ba. At dahil saktong payday pa (at least sa karamihan) sa ika-7 Biyernes ng taon, sinsabing eto ang culmination ng Valentine's Week. Oo, kahit nasa kalagitnaan na tayo ng tinatawag na Love Month.

So Valentine's Day na nga. Eh ano naman ngayon? Parang hindi na bago kasi dahil payday naman at feeling holiday sa iilan ang mga ito, baka iba dyan ay nag-half day o early out na kasi paniguradong carmaggedon mamaya sa mga pupuntahan, ke restaurant man, bar, sinehan, at lalong lalo na mga motel. Siyempre, uso rin ang mga bentahan ng mga bulaklak at tsokolate mula sa bangketa hanggang sa mga magagarbong mall at hotel, isama mo na rin yung mga brand ng condom. Tiba-tiba na naman talaga ang mga negosyo. Sana nga lang hindi yan ma-out of stock.

Good luck sa Intensity 69 sa bandang Sta. Mesa at dun sa literal na payanigan sa Pasig (aba, nakatayo ba naman sa West Valley Fault line ang mga yun e). Good luck sa mga sandamukal na trabaho na lutuan mamaya, at lalong good luck sa mga bar at arena (lalo na't ang daming konsyerto na naganap nitong linggo na 'to) na most likely full house pa para 'date night' whule watching a gig. At least may kasama ka na at hindi ka na magpaparinig sa Twitter – este, X – ng “enGE kaSAMa sa GIGz.” Diyos ko, 2025 na, matuto naman kayo, ano po.

Pero araw kasi ng mga puso ngayon. At kung inaakala mo na asan yung araw ng mga atay, baga, balun-balunan, utak at kung anu-ano pang internal organ ng ating katawan? Eh, i-Google mo na lang. Tangina, may ChatGPT na nga saka CoPilot na puwedeng makasagot sa katanungan mo na yan eh. Hindi lang kasi sila masyado hinahype kasi mas emosyonal tayo bilang sanlahi (ma-puso ba, mga kapuso). Baka itanong mo pa yan kay Google Chromecast na speaker at bigla kang bigyan ng mga sagot sa pamamagitan ng Gemini AI.

Ayos, no?

Not to mention, ang daming naglabasan ng mga single (as in kanta, ha? Given na yung single na tao dun, pero we'll talk about that later). Check mo na lang siguro yung mga new release playlist ng mga streaming platform na pinapakinggan mo.

Other than that, yeah, it's another Friday – este, Valentine's Day. Pero ayusin niyo na nga lang ang pagtatanong sa mga tropa n'yo kung bakit dateless sila, ha? Wag kayong gumaya kay tita na nagtanong kung bakit mataba yung pamangkin niya, Yan tuloy, napawalk-out na nga dala ng napahiya siya, napost pa sa FB page na nagviral at nagmukhang na-bully pa a la blind item.

Also, ingat din dahil maulan daw. Wag lang yung maliit na rubber na kapote ang dalhin. Magdala rin ng payong. Baka sakali lang ba.

Yun lang. Happy Valentine's Day sa inyo. Oo, inyo lang. Kasi kahit hindi sa araw ng mga puso, ipaparamdam ko na lang na siya lang ang nasa puso ko.

Naks. Ang cheesy amputa.

Author: slickmaster | © 2025 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!