Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

10 March 2025

U CAN C THROUGH HIM

03/10/2025 03:47:28 PM


Matapos ang lagpas dalawang dekada ay isa na namang ganap na kontrabida si John Cena, isa sa mga pinakatanyag na superstar na binabandera ng World Wrestling Entertainment.

Oo nga, huling nangyari na 'heel' (ang term na tawag sa mga kontrabida) si Cena noong 2003 – o dalawamput dalawang taon ang nakararaan. Isang eksplosibong panapos sa Elimination Chamber na event ng WWE nitong nakaraang Sabado sa Rogers Center sa Toronto (sa kaparehong gusali – bagamat ang pangalan nun ay SkyDome – na nagtuos nun si Hulk Hogan at Ultimate Warrior noong WrestleMania 6).

Sa isang 17-minutong segment na ito pagkatapos ng main event match ay naging saksi ang mundo sa isa sa mga pinakamalaking heel turn sa kasaysayan ng sports entertainment – una sa 29 na taon, o mula noong nasaksihan natin ang pagbuo ng New World Order dahil naging heel si Hulk Hogan. Sa sobrang tindi, nasapawan na nya ang lahat ng mga naganap pa noong gabi na ayun, at bakit naman hindi? Ikaw ba naman ang nagbenta ng kaluluwa kay The Final Boss at Travis Scott eh, matapos mong yakapin ay pasimpleng traydurin ang kasalukyang WWE Champion na si Cody Rhodes na kakalabanin mo sa darating na WrestleMania 41 sa Las Vegas sa darating na Abril?

Sa totoo lang, ang kaganapan na ito ay hindi lang sa WWE at sa buong industriya ng professional wrestling gumulantang, kundi sa mundo na rin ng popular na kultura. At bakit naman hindi? Si Cena ay hindi lang basta-basta WWE Superstar na umusbong mula Ohio Valley Wrestling at naging isa sa mga batikang pangalan ng Ruthless Aggression era na naislba ang karera (oo, muntik na siyang ma-tsugi sa WWE) dahil sa kanyang gimik na Doctor Of Thuganomics.

Isa na rin siyang celebrity matapos umarte sa pelikula at magkaroon ng mga signature na role sa Hollywood gaya ng utol ni Torretto sa Fast & Furious na movie series at Pacemaker; maliban pa yan sa pagkilanlan sa kanya bilang pinakamaraming napatupad na wish sa Make-A-Wish Foundation (650+ ba naman eh, mukhang quota na rin, LOL). 

Sa madaling sabi, role model na rin dahil karamihan sa mga bata – lalo na't mga fan din sila ng WWE –  ay siya ang nilu-look up. Kaya masasabi ng marami na si Cena ay ang kasalukyang bersyon ni Hulkamania.

Eh paano yan, bad guy na siya? Nugagawen?

Satisfied ka naman ba na naging heel na siya ulit after 20+ years? Oo naman, and I think hindi naman niya to ginawa para lang sa mema na dahilan, o yung masabi ng karamihan sa atin na “finally heel na ulit si Cena! I know this day would come!” (Bagamat yun ang initial thoughts ko nun). Kasi kahit siya mismo, gusto na niyang gawin yun noong feud nila ni The Rock noong 2012. Nahsut down lang yung idea dahil sa potential na galawan ni Cena sa merchandise niya sa WWE nun - kahit preparado na ang batikang superstar sa pagbabago sa kanyang karakter nun.

To say na pinagbigyan may be a bit valid but largely, it's been a long time coming na rin talaga out of his own choice. Well, do you expect a Cena heel turn under Vince's watch if the latter's still in the post today? Bomalabs, pre.

Yun nga lang, is this heel run gonna take its course for only 10 months? Or baka maextend pa ang kanyang karera dahil may mga nagdududa na rin, like of course, you wanna end your career being a bad guy? That ain't a 'goodbye,' LOL!

Author: slickmaster | © 2025 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!