Nag-resign na si Senator Juan Ponce Enrile bilang pangulo ng
kinatawan ng Senado. Nangyari ito sa kahuli-hulihang pagpupulong ng ika-15
Kongreso, nitong nakaraang araw lang.
Aniya, ang 1,661 araw ng paglilingod ng isang 88-taong
gulang na mambabatas ay tapos na.
Ano ‘to? Dahil sa katandaan? Hindi.
Dahil sa “gusto n’ya ay happy tayo?” Hindi rin.
E ano? Dahil sa mga tilang kabaluktutang kinasangkutan n’ya
dati? Hmmm, pwede rin.
Ah, okay. Pulitika pala ang dahilan. Ay, hindi rin pala.
“As a matter of personal honor and dignity.” Wow, lakas
maka-English ha? Pero malalim ang ibig sabihin niyan (malamang, sa kada
talumpati naman nila ay lagi naman may pinaghuhugtuan ang mga nagsasalta na
tulad nila).