Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label 2013 elections. Show all posts
Showing posts with label 2013 elections. Show all posts

02 August 2013

The Problem with SK?!

8/2/2013 11:29:05 AM

Sinabi na ni Rizal noon na “Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.” Pero alam mo, kung buhay pa siguro ang mamang ito, baka magbago ito ng pananaw tulad ng sinuman sa atin na naging kabataan at nagmamasid sa kabataan.

Teka, ano nga bang problema sa Sangguniang Kabataan? Sinasabi na dito na rin nag-uugat ang corruption sa ating bansa. Simula sa kabtaan sa baranggay, na umuusbong pa diumano hanggang sa lokal at national level ng pulitika.

21 May 2013

Senador agad? Oo, senador agad.

9:06:32 PM | 5/21/2013 | Tuesday

Ang post na ito ay follow-up sequel sa post na Senador Agad? na nailimbag noong May 9, 2013.

Senador agad? Oo, senador agad.

Photo credits: The Spin Busters

17 May 2013

Halos Tapos Na Ang Eleksyon. E Ano Naman Ngayon?


12:31:54 AM | 5/17/2013 | Friday

Tatlong araw ang lumipas at matatapos na rin ang bilangan ng boto sa halalang ito, ang 2013 Midterm Elections. Ang kaso, e ano naman ngayon? May nabago ba at may mababago ba sa sistema ng ating bansa?

14 May 2013

Dissing To My Dismay


12:04:09 AM | 5/14/2013 | Tuesday

Naalala ko lang ang kantang “Mga Putangina N’yo” ni Batas. “Nagkataon lamang na ang dami n’yong nabenta dahil sobrang daming Pilipinong ubod ng tanga!”  Alam ko, masyadong harsh ang linyang yan. Pero sa totoo lang kasi, Ang daming mali e. Napakaraming mali. Isang nakakadismayang gabi.

Hay, naku. Siguro, kaunti lang ang nakapansin na mangyayari pala ito. Sa aking pagsbuaybay sa resulta ng botohang naganap nitong araw lamang, ang mga taong hindi deserving sa mata ng iilan na tulad ko ang siyang naging patok at naging kabilang sa mga nangunguna sa bilangan ng boto.

Hindi naman sa pagiging bitter o talangka. Pero anak ng pucha, bakit ako magngangawa na parang ganito? Siyempre, bumoto ako. Natural lang! Inexercise ko ang right of suffrage ko, no!

12 May 2013

Nasa Botante Na ‘Yan


5:44:52 PM | 5/12/2013 | Sunday

Sa totoo lang, tayo ang mas may hawak ng kapangyarihan sa ating bayan. Tayong mga mamayan na bumoboto sa kanila. Tayo ang gumuguhit ng ating sariling landas bilang isang lipunan. Kahalintulad nito ang kasabihang “You create your own destiny,” o ikaw mismo ang gumagawa ng sarili mong daan sa iyong buhay.

11 May 2013

Dapat Tama


8:27:43 AM | 5/11/2013 | Saturday

Dapat tama. Isa sa mga tampok na mga salita o parirala ngayong taon, lalo na’t nalalapit na ang panahon ng eleksyon. Dapat Tama, isang patotoong salita, hindi lamang sa larangan ng pulitika, kundi sa lahat ng aspeto ng ating buhay sa lipunang ito. 

17 April 2013

Campaign Jingle


5:15:07 AM | 4/17/2013 | Wednesday

Isa sa mga epektibong stratehiya sa panahon ng pangangampanya ang mga “campaign jingle.” Mas matindi ang mga salita sa lyrics, mas orihinal ang musika, mas epektibo (o kung hindi man, mas malaki ang tsansa na manalo) at mas tatatak sa isipan ng tao. Parang tulad lang ng kanta ni Manny Villar nun. Kung maalala n’yo ang campaign jingle ng presidential candidate na si Villar, ang mga linyang “nakaligo ka na ba sa dagat ng basura?” ang isa sa mga nagpatatak sa 2010 elections kung campaign jingles lang naman ang usapan.

Pero paano kung ihahalaw ang mga ito sa mga sikat na kanta?

13 March 2013

The Pick: Estrada Vs. Lim On-Air


11:36 PM | 03/13/2013

Isang mainit na debate na umalingawngaw sa umaga. Kaya siguro ito pa ang nakadagdag sa mala-impyernong trenta’y kwatrong antas ng sentigrado, no?

Ang salpukan ng dalawang kandidato para sa posisyon bilang alkalde ng lungsod ng Maynila. Sobrang init lang nila magbangayan sa ere, wala pang campaign period, nagsisi-ariba na ang mga maanghang na tirada ng mga ‘to ha? E what more pa ang naganap sa Umagang Harapan segment ni Anthony Taberna sa programang Umaga Kay Ganda ng ABS-CBN? Na ang patutsadahan nila Manila Mayor Alfredo Lim at Dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada.