At alam ko, hindi ito pangkaraniwan sa mga tulad ko na
ipinanganak sa dekada ’90, at lalong hindi sa mga kahenerasyon ko na umiikot
ang plaka at tainga sa mga makabagong tugtugin. Pero anyway…
Balik-tanaw sa dekada ’80. Panahon pa ‘to ng mga matitinding
pasabog at kontrobersiya sa pamahalaan, at kasikatan naman ng mga lokal na
musika sa kabilang banda. Sa malamang, umusbong na ang kantang ito noong bata
pa lang ang mga nakakatandang kapatid ko. Ni hindi ko nga natanong kung kelan
nabili ng aking erpat ‘tong 2-part album ni “Mr. Pure Energy” Gary Valenciano. Basta, ang alam ko lang po
ay ito ang isa sa mga naunang paborito ko lalo na noong pinapatugtog to sa CD
counterpart ng aming Panasonic Karaoke.