10/16/2012 | 11:04 AM
“Asunto o Areglo?”
Ang pinakatanyag na linya pagdating sa
mga hearing o mediation na napapanood ko sa isang palabas na tumatalakay sa mga
nangyayaring sigalot sa legal na pamamaraan: ang Public Atorni.
Madalas ko mapanood ito dati tuwing Huwebes ng gabi sa isang
TV network. Ang pinakauna ay noong estudyante pa ako at nakatambay sa bahay ng
kaklase ko bago ako umuwi. Pero dahil nakita ko na isa ito sa mga tila
magagandang kalidad na palatuntunan sa panahon ngayon, ayos ito para sa akin.
Bagamat lately ay ilang episodes na lamang yata ang nirereplay nila at maraming
binago sa mga portion ng pagsasalaysay ng mga kinabibilangan na partido.