6:44:27 AM | 4/4/2013 | Thursday
“Hindi lahat ng mahina, nananatiling mahina. Hindi lahat
ng malakas, palaging malakas. Hindi lahat ng mahina, mananatiling mahina. Mata
mo’y iyong buksan, bumangon ka’t makialam.”
Hindi ko mawari kung paano ako nabighani sa
boses ni Zia Quizon sa pagkanta ng chorus part ng kantang ito. Pero mas
namangha ako sa mensaheng dala ng mga rap ni Gloc-9. Naglalarawan ng mga
masasalimuot na karanasan ng isang batang tahasanag nilalait, inaalipusta, o
sinisindak ng kapwa niyang kamag-aral. Kung ano ang epekto nito sa kanyang
buhay, at pakikitungo sa tao. Sa sobrang lakas lang ng pangtitrip sa kanya, ito
ay maituturing na isang kaso ng bullying.
Basta ang alam ko lang ay may matitiding
mensahe ang nilalaman ng kantang ito. Parang pakikibaka ba? Oo, pero isang
matinding hakbang laban sa hindi matapos-tapos na pakikidigma sa kaso ng
paninindak.
Nagsama ang dalawa para sa isang awitin na
may pinaparating na mensahe mula sa isang organisasyon na may adbokasiyang
labanan ang pangbubully.