Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label Anti-meme bill. Show all posts
Showing posts with label Anti-meme bill. Show all posts

10 August 2013

Just My Opinion: Anti-Meme Bill

8/9/2013 9:41:13 AM

Sa kabila ng mga pang-aasar na ibinabato sa kanya, marami namang naiisip na bagong panukala ang bagitong senador na si Nancy Binay. Nariyan ang pagkakaroon ng 15-minute break para sa mga taong maghapon na nakatayo ang trabaho, ang e-VAW o Electronic Violence Against Women bill. Pero ito ang mas lumikha ng ingay sa lahat ng kanyang ipinanukala sa ngayon – ang tinaguriang anti-Meme bill.

Naglalayon ang kontrobersyal na panukala na ipagbawal sa social media ang pagpopost ng nakakatawang litrato. Bagay naman na inalmahan ng karamihan.

Aba, ang mga meme o katatawang litrato sa Facebook, Twitter, Tumblr at iba pang social networking account, ipagbabawal mo? Seryoso ba ‘to? Sa ganitong panukala ni Binay ay mapapansin ang dalawa sa mga unang rekasyon ng mga kumokontra: