10:58:44 AM
| 6/5/2013 | Wednesday
Usapang
Awit Awards naman. Nilabas kamakailanlang ng Philippine Association of
Recording Industry (o PARI) ang listahan ng mga nominado para sa ika-26 na Awit
Awards.
Sa mga
hindi nakakaalam, ang Awit Awards ay isa sa mga prestiyosong award-giving body
sa laranagan ng musika. Kumikilala ito sa mga akda ng mga taong sadyang may
passion sa kanilang ginagawa. Sa mga taong nilalako ang kanilang produkto,
produkto na hindi lang halaga ng pera ay katumbas kundi ang tinatamasang
popularidad, ang mataas na pagtingin ng mga kritiko, at ang mga substansya na
makukuha ng sinuman na makikinig nito.
Isa rin ito
sa mga aktibidad na naghahangad rin na palaganapin ang OPM sa ating bansa,
bagay na talaganag kailangan natin sa panahon ngayon. Panahon na tila
kinakalaban natin ang mga kabaduyang bagay tulad ng karamihan sa mga pautot ng
mainstream tulad ng masa stations sa radyo, ang walang kato-atoryang musika
mula sa mundo ng mga banyaga, ang walang-kamatayang pamimirata, at iba pa.
Tignan ang
buong listahan sa website ng philnews.ph