11/27/2012 10:08 AM
|
balat14.blogspot.com |
Isa sa mga bagong libro na panay magkahalong komikal at
realidad ang tema ay ang isang babasahin na may kinalaman sa… well, payo sa
buhay lalo na sa mga suliranin sa pag-ibig. Ang akda ni Ramon Bautista na Bakit
Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?
Well, matanong talaga ang librong ito. As in maraming tanong
at sagot ang tinalakay dito mula sa kung bakit hindi ka crush ng crush mo (oo,
yung eksaktong pamagat mismo); kung paano mo sasabihin sa magulang mo na bagsak
ka sa studies mo; bakit ayaw na ayaw ni Monra ang LDR o kung tawagin ay Long
Distance Relationship; kung bakit ka dapat maging proud kahit NBSB (o No
Boyfriend Since Birth) ka; paano magmumove on sa mga sitwasyon na may nahuli ka
na may ka-kerngkeng siya na iba o kahit ultimo ang na-friendzone ka; at kung
anu-ano pa.
Ang halos lahat ng nilalaman ng librong “Bakit Hindi Ka
Crush Ng Crush Mo?” ay ang mga bagay-bagay na nakapaloob sa formspring account
ni Ramon Bautista mismo. Tanong ng kung sinu-sino, sinasagot niya sa paraan na
alam niya, ke may natutunan ang sinumang magbabasa niyan o katuwaan lamang.
Dito mo rin makikita ang komprehensibong
kahulugan ng mga terminong ginagamit ni RB sa kanyang palabas sa internet na “Tales
From The Friend Zone.” Kung ano ang mga pananaw niya na nais ilahad sa sinumang
magbabasa ng librong ito.
Maliban pa diyan ay may notebook pa ito na libre.