7/19/2013 8:31:35 AM Saturday
Mainit-init na balita sa social media ang patutsada ng
batikang TV host na si Bianca Gonzalez sa Twitter kamakailanlang.
Ang dami nating nagtatrabaho para makaipon para sa prime lot at bahay plus buwis pa. Bakit nga ba bine-baby ang mga informal settlers?— Bianca Gonzalez (@iamsuperbianca) July 1, 2013
Oo nga naman kasi, bakit nga ba kasi bine-baby ng gobyerno ang
mga iskwater? Maraming dahilan, maliban pa sa mapulitkang motibo ng ilan sa mga
taong nakaupo.
Ang dami kayang nagkukumahog na maghanap-buhay para lang
magkaroon ng sariling bahay. Nakakalungkot nga naman isipin kasi. Lalo na’t karamihan
sa mga nagtatrabahong nilalang sa gitnang antas at pati na rin sa lower class
(na may sariling bahay at pamumuhay) ang lubos-lubos na nahihirapan. Nagbabayad
sila ng buwis, tapos hindi naman sila ang nakikinabang. Parang ang datingan
tuloy sa kanila ay “Ano ‘to? Charitable institution ang pinopondohan namin?
Asan yung sa amin dapat?”
Alam ba ito ng madla?
O dahil saydang walang boses ang nasa gitna? Walang bayag para magsalita ng
kanilang hinaing? Buti nga nay mag-voice out na tulad ni Bianca e.