4/15/2013 12:40:43 PM
Ngayon nakatakda
ang huling araw para sa sinumang mangggagawang Pinoy na magbayad ng buwis.
Okay, ano
naman ngayon?
Aba, huwag kang mang-aaangal ng ganyan lalo na kung palamunin ka
lang sa mata ng lipunan at ng pamahalaan. Dalawa ang posibleng mangyari kung
hindi ka magbabayad ng buwis: either makasuhan ka ng tax evasion, o mas malala
kahit hindi siya saklaw ng batas at karapatang pantao – WALA KANG KARAPATANG
MAGREKLAMO SA ANUMANG ANOMALYA SA GOBYERNO.
Oo, kahit nasa demokratikong bansa
pa tayo. May gana kang magngawa pero wala kang ginawang kapaki-pakinabang para
sa bayan mo?
Ulol. Lokohin mo ang lelong mong panot. Wala talaga.
Bakit naman
ganun?