Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label COMELEC. Show all posts
Showing posts with label COMELEC. Show all posts

09 May 2016

Selfie Pa More (Kahit Bawal)!

05/09/2016 12:05:14 PM

Isa sa mga pangunahing alintuntunin ng Commission on Elections (COMELEC) ay ang diumano'y pagbawal sa pagkuha ng litrato ng sarili na may hawak na balota.

In short, bawal ang selfie. Ayos di ba? 

Pero, bakit may nangyaring ganito?

zeibiz.com

24 April 2016

Tirada Ni SlickMaster: PiliPinas Debates 2016 - Part 2

4/23/2016 9:16:19 PM

Interaksyon
Isang buwan rin ang pagitan ng mga ginaganap na presidential debate na inorganisa ng Commission of Elections (COMELEC), ano? Parang kailan lang, nasa Cagayan De Oro sila sa pagsisimula ng debate-seryeng ito. Samantalang parang kailan lang din ay nasa Cebu sila para sa ikalawang leg nito.

Sa darating na Linggo ng hapon, kung pagbabasehan ay ang oras ng aking pagsulat nito, ay gaganapin ang huling PiliPinas presidential debate sa Dagupan, Pangasinan.

Pero bago ang lahat, ano nga bang nangyari sa Unibersidad ng Pilipinas sa Cebu?

09 March 2016

Re-Qualified!

3/9/2016 8:26:16 PM

Photo credits: Rappler
So matapos ang limang buwang kalbaryo, tuloy na tuloy na nga ang pagtakbo ni Grace Poe. Yan ay matapos umanong hatulan ng Korte Suprema ang disqualification case na naunang inapela ng kanyang kampo laban sa Commission of Elections. Sa botong 9-6, napatunayang unconstitutional ang paghatol ng COMELEC na kanselahin ang kanyang certificate of candidacy.

02 December 2015

Tirada Ni SlickMaster: Disqualified!

12/1/2015 8:41:19 PM

So diskwalipikado na si Sen. Grace Poe na tumakbo sa halalang pampanguluhan nngayong Mayo 2016. Aba, unang pasabog yan sa huling buwan ng taon na ito ah. Masyadong maaga para sa Pasko, pero sa larangan ng pulitika ay nasa gitna pa lamang din ng digmaan para sa kagustuhan na maging pinuno ng bansa.

31 October 2015

Tirada Ni SlickMaster: "Extend" Pa More? Extend N'yo Mukha N'yo!

10/31/2015 12:53:05 PM

Photo credits: Walkah Walkah; Inquirer
Nakakalokang lipunang ito. Puno ng bunganga’t panay reklamo ang laman. 

Oo, wala sanang masama sa pagbubunganga kung gaano kamiserable ang mga bagay-bagay sa ating bansa. 

Parang kung gaano ba kapangit ang serbisyo ng ilang ahensya; kung gaano tayo pinaghihintay sa pila na diaig pa ang mala-forver na pagmamahalan sa mga paborito nating tetleserye’t pelikula. Kung gaano tayo nababagot sa pakikipagtalo kung may forever o wala, habang naisastuck sa trapiko sa EDSA at alinmang pangunahing kalsada. Kung bakit ang bababaw ng mga panukalang ipinapasa sa kongreso (kung tutuusin, kasingbabaw nga lang yan ng kwentong pinapanood natin e) At higit sa lahat, kung bakit ang mga nuknukan nang kakupalan at kaungasan ang nakaupo sa pamahalaan na naglilingkod dapat sa ating mga mamamyan.

Ayos sana ang pagrereklamo natin e. Ito nga lang ang mas malala: ilan naman sa atin ay may ugali na hindi naman natin dapat ginagawang parte ng ating kaugalian. Nagrereklamo tayo sa pagiging malambot ng otoridad pero hindi naman sumusunod sa batas? Nagrereklamo tayo kung bakit baha inaabot natin sa tuwing sumasapit ang tag-ulan samantalang tayo naman ay nagtatapon ng basura sa mga estero?

Nagrereklamo tayo kung bakit tiwali at incompetent ang mga nakaupo samanatalang hindi naman tayo bumoto?

At nagrereklamo tayo ng extension sa deadline samantalang hindi natin pinapansin ang voter’s registration program ng Commission of Election (COMELEC) nung nagsimula ito noong 2014?

27 May 2014

Mag-rehistro Din Pag May Time

5/24/2014 5:47:53 AM

Isa sa mga pinaka-karapatan nating mga Pilipino ang bumoto, o maghalal ng isang tao na karapat-dapat na maging representante natin sa pamahalaan (dahil isa tayong malayang lipunan, este, demoratikong republika), at ito ay naisasagawa sa pamamgitan ng mga elesyon, o sa ibang termino sa kaparehong wika ay halalan.

Kaya naman kamakailanlang, noong simula ng buwan na ito ay inulunsad muli ng Commission of Elections ang registration para sa darating na 2016 Presidential Elections.

12 May 2013

It’s More “Ban” In The Philippines


1:53:49 PM | 5/12/2013| Sunday

Ang pamagat ng post na ito ay hango sa post ni Albay Governor Joey Salceda. (https://www.facebook.com/jose.salceda.92/posts/10151688310671756)

Since uso rin lang naman ang panahon ng eleksyon sa Pilipinas, uso din ang mga tinatawag na “ban." At sa sobrang uso nito, ang dami pa rin ang nagiging pasaway. Pero meron din naman ang umaalma sa sinasabing ban. Kunsabagay, may gun ban nga e marami pa rin ang lumalapastangan sa kanilang kapwa gamit ang baril na ‘yan e. What more pa ang “liquor ban,” and “money ban.”