Naalala ko ang isang grupo ng mga estudyante noon na
pinaunlakan ko ng panayam. Ukol kasi ito sa kanilang thesis na may kinalaman sa
citizen journalism.
Aba,
sa dinami-dami ba naman ng mga nilalang na pwedeng innterviewhin, bakit ako pa? Pero sa kabila ng pagdududa na unang naisip ng aking utak, tinanggap ko ang
alok dahil sa kahit papaano ay may bumibilib pala sa akin ukol sa pagba-blog
ko ukol sa mga kaganapan sa ating lipunan. Pasalamat pa ako dahil pakiramdam ko
tuloy ay may naiimpluwensyahan pa pala ako sa mga sinusulat ko. Pustahan,
karamihan sa mga mahihilig magabasa ng mga artikulo sa internet ngayon, ay
hindi naman talagang interesado sa mga nagaganap sa kanyang paligid.
Dati ay may naisulat na ako ukol sa citizen journalism. Pero
hayaan n’yo ang inyong lingkod na muling magbigay ng pahayag ukol dun sa
lengwaheng naiintindihan ng nakararami sa atin. Come on, pang-Pinoy lang ‘to
kaya ilalahad ko naman ang aking alam sa wikang Filipino.
Pero patok nga ba sa atin ngayon ang “citizen journalism?”