01:39 P.M. | 02/07/2013
Salamat sa Jeepney TV block-time ng Studio 23, at napanood
ko ang isa sa mga antigong sitcom noong 1987 na pinamagatang “Going Bananas.”
At isa sa mga naka-agaw nang pansin sa akin ay ang segment
ng naturang gag show na tungkol sa “dynasty.” Bagamat mayorya sa mga spoof ng comedy program
na iyun, satirical na ang dating ng segment na ito sa akin, bagay na siguro e
nagbigay sa akin ng panghuhusga na isang kumpleto sa rekados na palabas noon
ang Going Bananas. May dalawang panig, dalwang tao kada panig, at may
tagapamagitan. Debate ika nga.
Ang aking mga naispatan, ang pangalan ng mga tao sa
entertainment industry na hinahalintulad sa gobyerno kung dinastiya ang usapan,
tulad ng ilang mga spiels na ito... (hindi sa eksaktong paglalarawan)