Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label Denise Barbacena. Show all posts
Showing posts with label Denise Barbacena. Show all posts

19 July 2013

Playback: Joey Ayala – "Papel"

7/19/2013 4:45:35 PM 

Maiba naman tayo. Kung panay underground ang madalas nating tinatampok na musika (bagamat may mainstream na rin lately), ito naman ay isang entry sa isang OPM contest ngayong taon.

Isa sa mga kantang kalahok sa Philpop festival ang kantang ito. Madaalas kong marinig ang ilan sa mga entry sa patimpalak na ito sa Radyo5 92.3 News FM. Pero sa isang kanta lang ang nagustuhan ko ng lubos.
Ang kantang ito ay tumatalakay sa “papel.” As in parehong literal at piguratiba na ibig sabihin. Sa parehong mababaw at malalimang pag-unawa, oo nga, ito ay tumatalakay sa Papel. Sinulat at nilapatan ito ng awit ng isang baitkang mang-aawit na si Joey Ayala. Parehong tipikal na istilo ang klanyang pagkanta na hinaluan na lamang ng modernong tunog. Naalala ko tuloy ang mga cassette tape ng erpat ko sa pakikinig ng kantang ito.


Kasama ni Joey sa pag-interpret ng kantang ito ang rapper na si Gloc-9, ang kanyang protégé na si Denise Barbacena at Silverfilter. Ang music video na ito ay dinirek ni J. Pacena. At kabilang sa album-compilation ng mga kanta na naging finalist sa 2013 Philippine Pop Music Festival sa pamumuno ni Maestro Ryan Cayabyab.

11 May 2013

Dapat Tama


8:27:43 AM | 5/11/2013 | Saturday

Dapat tama. Isa sa mga tampok na mga salita o parirala ngayong taon, lalo na’t nalalapit na ang panahon ng eleksyon. Dapat Tama, isang patotoong salita, hindi lamang sa larangan ng pulitika, kundi sa lahat ng aspeto ng ating buhay sa lipunang ito.